"Ano ba bro?! Huwag ka ngang tumakbo!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. Nasa tuktok kami ngayon ng burol at kasalukuyan ko siyang hinahabol. Napupuno ang buong kapaligiran dahol sa matining na halakhak na lumalabas mula sa aming mga bibig. Kung pagmamasdang mabuti ay tila bumbalik kami sa pagiging paslit na naghahabulan. "Huwag mo kasi akong habulin!" Sigaw niya pabalik habang tinatawanan lang ako. "Ang bagal mo talagang tumakbo bro! Ang kupad mo talaga kahit kailan. Dapat hindi bro ang palayaw ko sa iyo kundi pagong!" "Makakatikim ka talaga sa akin kapag naabutan kita bro." Pagbabanta ko sa kanya ngunit sa halip na matakot ay binelatan niya lang ako sabay tawa sa paraang nanunuya. Napangisi ako nang may bigla akong maisip na paraan para pahintuin siya. "Aray!" Sigaw ko. Gulat naman siyan

