"Hindi! Hindi mo gagawin yan bro." Samo ko sa kanya sabay hablot ng maleta niya kung saan nakapaloob ang mga damit niya. Aalis kasi ito at iiwan na akong mag isa sa apartment. Kaya ganun nalang ang pagkaguho ng mundo ko. Pero tila hindi niya naririnig ang pagmamakaawa ko at patuloy lamang sa pagsilid ng mga kagamitan niya doon sa isa pang maleta.
Dumating na ang araw na kinatatakutan kong mangyari. Iiwanan na niya ako dahil hindi niya matanggap na ang lalaking itinuring niyang kapatid at kasangga sa lahat ng bagay ay isang bakla. Ganoon siya kakitid mag-isip. Dahil lang sa pagiging bakla ko ay kaya niyang isakripisyo at talikuran ang buong buhay naming samahan. Hindi ko siya maintindihan bakit kailangan niyang umalis? Bakit kailangan niya ako saktan ng ganito?
Paano naman ako? Bakit hindi niya maunawaan na hindi ko sinasadya na maging ganito ako? Sapat ba na rason ang pagiging baliko ng aking katuhan para talikuran niya ang isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi ang pahalagahan siya higit pa sa paraan ng pagpapahalaga ko sa akibg sarili? Minahal ko siya higit pa sa aking sarili! Ginawa ko ang lahat maging masaya lamang siya kasama ako. Pero bakit? Sa lahat ng kabutihang nagawa ko sa kanya ay kaya niya akong iwanan dahil lang sa hindi ako tunay na lalaki?
"Bro naman hindi mo naman kailangang umalis. Huwag mo namang gawin sa akin to bro," ang buong pagsumamo ko sa kanya. Kailangan ko siyang pigilan. Natatakot ako na baka paglabas niya mula sa pintuan ay hindi ko na siya masilayan pang muli. Natatakot ako na baka tuluyan na niya akong talikuran. Masakit isipin na ang lalaking pinag-alayan at binigyan ko ng aking pagtitiwala ay sa huli ay iiwan rin lang pala ako. Ayoko! Ayoko siyang umalis! Hindi ko kakayanin kung mawala siya sa aking tabi.
Sandali siyang napatingin sa akin ng masama ngunit nagpapatuloy din uli ito sa kanyang ginagawa. Sa i akto niyang iyon ay isa lang ang nasisigurado ko. Determinado siyang lumayas sa apartment na ito. Ibig sabihin noo ay hindi labag sa kanya g kalooban na iwanan ako rito na mag isa. Ang unfair niya!
"Bro," Sabi ko at muli na namang naglandas yung mga luha ko sa aking pisngi. Ayaw ko siyang payagang umalis. "Dito, ka lang. Nangako tayo sa isat isa na walang iwanan. Nangako ka saa akin na tatanda tayong magkasama," tumutulo ang aking mga luha habang sinasambit ko ang mga salitang iyon. "Nagmamakaawa ako sa iyo. Huwag mo akong iwan!"
"Ano ba Trei ang ingay mo. Pwede bang tumahimik ka na lang diyan? Kahit anong pigil mo at ngawa mo diyan ay di mo ako mapipigilan."
"Bro di ko kayang malayo sayo. Maawa ka naman sa akin bro. Mula pagkabata ay tayo ng dalawa ang magkasama. Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko bro."
"Pwes sanayin mo na yang sarili mo na wala ako Trei. Siguro ito na yung time na maghiwalay muna tayo."
"Nangako ka! Nangako ka sa akin. Nangako tayong dalawa na kahit anong mangyari ay walang mang-iwan sa atin!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Maawa ka bro. Kailangan kita bro. Mahal na mahal kita bro."
"Ano ba!" Singhal niya sa akin saka pilit na inilayo yung kamay kong nakapulupot sa katawan niya.
"Pwes hindi na kita kailangan bro." Matigas na sabi niya. Para naman akong sinampal sa sinabi niyang iyon. Naramdaman ko na mas lalo pang nadurog yung puso ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit bro? Dahil ba sa pagiging bakla ko kaya mo ako iiwan ngayon?"
"Hindi lang yun bro. Bukod sa hindi maatim ng sikmura ko na may kasama akong bakla sa loob ng iisang bubong ay narealize ko na masyado ka ng pabigat sa akin." Malamig na sabi niya sabay tayo tapos na kasi ito sa pag eempaki ng gamit niya. Ako pabigat? Hindi totoo iyon!
"Sabihin mo sa akin bro anong gusto mong gawin ko para huwag ka lang umalis," pagmamakaawa ko sa huling pagkakataon. "Hindi na ako maging pabigat sa iyo. Kahit ako na ang gagaw lahat ng gawaing bahay dito ay gagawin ko manatili ka lang dito."
"Wala. At kahit luluha ka pa ng dugo diyan ay hindi mo ako mapipigilan."
Humakbang siya patungo sa pinto ng kwarto niya kaya nagmamadali akong iniharang ang sarili ko sa pinto para hindi siya makalabas.
"Bro nagmamakaawa ako. Huwag please. Huwag."
"Umalis ka diyan sa daanan ko Trei. Hindi ka na nakakatuwa!" Malamig na sabi niya.
"Hindi. Hindi ako aalis dito. Dito ka lang bro. Promise hindi na ako magiging pabigat sa yo."
Marahas niyang kinuha yung kamay ko na nakahawak sa pinto at itinabig niya ako kaya napaalis ako sa daanan niya at tuloy tuloy itong lumabas. Hinabol ko naman siya saka niyakap uli ng mahigpit. Umaasang sa paraang iyon ay mapipigilan ko ang pag alis niya.
"Bitaw."
"Hindi!"
"Bitawan mo ako Trei ano ba?"
"Bro nangako tayo sa isat isa na walang bibitaw sa ating dalawa kahit anong mangyari." Binitawan ko siya saka ako nagmadaling pumunta sa harapan niya. " Nangako ka sa akin na magkasama tayo hanggang sa pagtanda natin. Tanda mo pa ba yung araw na sabi mo lalakbayin natin yung buong dagat na tayo lang ang magkasama. Sabi mo sabay tayo sa pagkamit ng ating mga pangarap. Nalilimutan mo na ba bro? Sabi mo walang iwanan at mag bro tayo sa hirap at ginhawa. Pero ano ito? Bakit ka na aalis? Bakit iiwan mo na akong mag isa bro? Dito ka lang bro." Humahagolhol ako sa pagkasabi kong iyon. Naramdaman ko na rin ang p*******t ng aking lalamunan at namamaos na ito marahil ay dahil sa kanina pa ako umiyak. Pero tila ba wala itong narinig at patuloy tuloy lang ito patungo sa pinto.
Hindi pa man siya tuluyang nakalabas ay muli akong nagsalita. Napahinto muna siya saglit ngunit hindi ito tumalikod paharap sa akin.
"Bakit bro. Di mo na ba ako mahal? Bakit mo pinaramdam sa aking kung gaano kakulay ang mundo kung sa kalagitnaan nitoy sisirain mo rin pala? Kaibigan mo ako bro. Inaasahan kita na ikaw ang unang makaintindi sa kalagayan ko. Inaasahan ko na ikaw yung taong yayakap sa akin kahit na ano at sino ako. Bakit mo pa pinaramdam sa akin na mahal mo ako kung bibitaw ka rin pala at iiwan ako at hayaang mag isa? Nangako ka sa akin! Nangako ka na walang iwanan pero bakit ngayon bibitawan mo na ako?"
"Maintindihan mo rin balang araw Trei. Paalam." Sabi niya at tuluyan na ngang lumabas sa pinto. Gusto ko siyang pigilan pero hindi na nakayanan ng tuhod ko na tumakbo palapit sa kanya nang kusa na itong bumigay at nalugmok sa sementong sahig.
Nag unahan sa paglandas ang aking luha sa aking pisngi. Ang sakit ng aking nararandaman ngayon at nahihirapan na akong huminga. Gusto kong sumigaw kahit man lang sa paraang iyon ay maibsan ang bikig na nakatusok sa aking puso na nagpadurugo dito.
Wala na siya. Iiwan na ako. Ang sakit sobra. Ni hindi man lamang niya nalalaman na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. Siya yung unang lalaking pinaglalaanan ko ng buong puso ko at sa huli pala ay siya rin mismo ang bibiyak nito. Sana hindi nalang siya nangako na mananatili siya sa tabi ko kung hindi rin naman pala niya kayang tuparin ang mga pangakong iyon. Minahal ko siya higit pa sa buhay ko pero bakit niya magawang saktan ako. Sapat na bang rason iyong malaman niyang bakla ako? Parang ang babaw naman ata nun. Hindi ko naman gusto na maging ganito ako. Hindi ko hiniling na maging bakla ako. Kung pwede lang sana na baguhin itong nararamdaman ko ay hindi naman pwede iyon. Hindi naman kasi isang sakit ang pagiging bakla na kayang lunasan ng ano mang gamot.
Marahil nga ay nabibigla pa siya sa ngayon. At balang araw ay matatanggap niya rin ako. Hayaan ko nalang muna siya at ipapakita ko na lamang na worthy ako sa pagtanggap niya.