Chapter 18
"Ano ba bro? Nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako!" Kanina pa niya ako hila hila hanggang sa makalayo na nga ako kay Migo. Akmang susunod pa nga sana si Migo sa amin pero sinenyasan ko itong huwag na. At ito nga namumula na itong siko ko dahil sa sobrang higpit ng pagkahawak ni Wessley sa akin habang kinaladkad niya ako pauwi sa apartment.
Bakit naging ganito siya karahas? Bakit waring nag-iba ang isang bro na pinapahalagahan namin ang isat isa? Halimaw! Isang halimaw ang nakikita ko sa kanya sa pagkakataong ito. Ito ang unang pagkakataon na nagawa niya akong saktan.
Nakita niya siguro yung pagyakap ko kay Migo pero wala namang mali doon. Bagamat binabawalan niya ako na makipaglapit sa lalaki ngunit wala naman akong sapat na rason para gawin ang ipinagbabawal niya sa akin. Mabuting tao si Migo. Sa matagal tagal na panahon ng aming pagsasama ay nauunawaan ko kung bakit ganoon ang kanyang katauhan. Uhaw sa pagmamahal si Migo. Naging basagulero at masama siyang lalaki dahil sa kagustuhan niyang mapansin siya sa kanyang sariling ama na walanh ibang ginawa kundi ang magpakasawa sa mga negosyo nila. Patay na rin ang kanyang ina matagal na. Pinagsisihan ko na hinusgahan ko agad siya ng masasamang bagay gayong hindi ko pa man siya kilala talaga ng lubos.
"Teka nga lang. Ano bang problema mo, bro?" Bawi ko sa aking braso pero napaaray nalang ako nang hindi niya pa rin ito binibitawan bagkus ay mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa akin na tila ninanais niyang madurog ang aking buto. Domoble rin ang p*******t na nadarama ko dahil sa kanyang ginawa.
"PUNYETA NAMAN BRO!! ANO BA?" Galit kong sigaw sa kanya. Tumigil siya at kalaunay nanlilisik ang mga matang humarap sa akin. Namumula ang kanyang mukha na animoy isang tigre na handang katayin ang kanyang bihag. At sa pagkakataong ito ay ako ang kanyang biktima.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Trei!"Ang matigas niyang bulyaw. Ang labis na panlalamig ng tinig niyang iyon ay waring nanoot sa aking kalamnan. Ang malakutsilyong pagtitig sa akin ay sadyang nakakakilabot para sa akin. "Ang sabi ko sa iyo ay layuan mo si Migo. Mahirap bang intindihin iyon?!"
"Bro naman ano naman ang ikagagalit mo kung lalapit ako sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin, ah." Frustrated kong sabi. Napasabunot naman siya ng kanyang buhok at pinanggigilan ako ng tingin.
"Manhid ka ba Trei? Gusto ka niya!" Ang kanyang bulyaw. Nagtitimpi siya habang nakakuyom ang kanyang kamao. Alam ko sa sandaling uto ay pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag mahambalos sa akin ang kanyang mga kamay. "Hindi mo ba alam iyon?"
"At ano naman sayo bro kung gusto niya ako? Sapat na ba yung rason para layuan ko siya. Ang babaw mo namang mag isip bro," ang may hinanakit kong pahayag. Gusto kong ipaintindi niya sa akin bakit lalayuan ko si Migo. Bakit ganoon na lamang ang galit niya para sa lalaking iyon?
"Hindi ako mababaw Trei. Bakla ang isang iyon! At hindi ko matatanggap na lalapit ka sa mga kagaya nilang bakla! Nakakadiri sila Trei!"
Dahil sa bugso ng damdamin ay nasapak ko siya. Biglang umangat ang kamao ko at naglanding iyon sa panga niya. Gulat siya dahil sa ginawa kong iyon para bang hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon ay nagawa ko siyang saktan. Pero naiinis ako at labis labis ang galit na nararamdaman ko para sa kanya ngayon.
"Hindi nakakadiri ang mga bakla Wess. Huwag na huwag mo silang husgahan gamit ang makitid mong utak," ang di mapipigilan kong pagsalungat sa kanya.
"Bakit isa ka rin ba sa kanila Trei? Bakla ka din ba?" Nakatiim bagang niyang tanong sa akin. Hindi ako makasagot. Panahon na ba para malaman niya? But hindi niya iyon matatanggap. Lalayuan niya ako at kamuhian. At lahat ng kung anong meron kami ay mawawala. Handa na ba ako? Ito na ba ang tamang panahon?
"Sagutin mo ako Trei! BAKLA KA BA?" Sigaw niya sa aking mukha at niyugyog niya yung balikat ko. Naramdaman kong pumatak yung luha ko mula sa aking mata. Humihikbi ako hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ganito.
"OO! BAKLA AKO!!!" Dumadagundong yung boses ko. Gulantang yung mukha niya na animoy hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ito nakaimik sa rebelasyong narinig.
"Ano?" Pag uulit niya. Para namang nakarugby yung dila ko at hindi ako nakaimik. Pinagsisihan ko tuloy na umamin sa kanya.
"PUTANGINA BAKLA KA!" Sigaw niya sa akin. Nagulat ako nang bigla ay may kamaong lumapat sa aking mukha dahilan para matumba ako sa daan.
" Bro?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya ng maingat ko ang aking tingin sa kanya. Nanlilisik yung mga tingin niyang ipunukol sa akin. Nasasaktan ako hindi dahil sa sinapak niya ako kundi dahil sa minura niya ako sa unang pagkakataon.
"Im sorry bro-" hindi pa man ako makatapos sa pagsalita ay naramdam ko uli yung sipa niya sa aking mukha. Natumba ako sa damuhan mula sa kakaupo. Mayamaya pa ay pinatayo niya ako saka kinwelyuhan. Blurr yung paningin ko at nalasahan ko din yung dugo sa pumuputok kong labi.
"Bro please." Samo ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Pero tinutulak lang niya ako palayo.
"Huwag na huwag kang lalapit sa akin bakla!"
Umalingawngaw ang boses niya at paulit ulit iyong nag echo sa aking pandinig. Tila kutsilyo iyong tumutusok sa aking dibdib.
Tinulak niya ako kaya natumba uli ako sa damuhan. Naramdaman ko ang pagkasugat ng aking braso at kumikirot iyon.
"Mamili ka Trei, magpakalalaki at layuan ang Migong iyon o ipagpatuloy mo yang pagkabakla mo kapalit yung kung anong meron tayo." Sabi niya at tumalikod na palayo at iniwan akong humahagulhol sa damuhan.
"Bro."
"Huwag mo akong tawaging bro. Wala akong bro na bakla!"
Ang sakit tangina. Akala ko siya yung unang tatanggap sa akin kasi ako yung kasa kasama niya buong buhay niya. Pero akala ko lang pala ang lahat. Kasi yung bro ko na minahal ko ay siya pa pala talaga ang naunang husgahan ako at iwan palayo dahil lang sa pagiging bakla ko. Ang sakit lang kasi nangako kami sa isat isa na walang iwanan pero ayun siya unti unting bumitaw sa mga pangakong magkasama kami at magkahawak kamay sa lahat ng bagay.
Gusto ko siyang kausapin pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon para lapitan siya.
Tumayo ako mula sa damuhan at nagpunas ng luha sa aking mata.
Bakit? Yan ang laging tanong ko ngayon sa aking isipan. Bakit niya nagawa ito sa akin? Ganoon na ba talaga kalaki ang galit niya sa mga baklang katulad ko para magawa niya akong saktan?
Gusto kong mainis at magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang intindihin. Siguro hindi lang talaga niya matatanggap na yung bro niya na akala niya na tunay na lalaki ay bakla pala. Pero hindi naman ata tama na pandirihan niya ako at itulak palayo.
Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya. Ngayon pa ba ako susuko? Mahal na mahal ko si bro at siguro sa tamang panahon ay matatanggap din niya ako.
Mayamaya pa ay may naramdaman akpng dalawang braso na yumayakap sa akin mula sa likod. Si Migo iyon.
"Im sorry Trei. Maging okay din ang lahat sa pagitan ninyong dalawa."
Mas lalo akong napaiyak sa ginawa ni Migo na iyon. Humarap ako sa kanya at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Thank you Migo." Ang tanging nasabi ko at isinubsob yung mukha ko sa kanyang dibdib at doon umiyak. Naramdaman ko naman yung kamay niya na humahagod sa aking likod at pinapatahan ako.
"Kasa kasama mo ako sa lahat ng bagay Trei, at magbago man ang lahat at iwanan ka lahat ng taong mahal mo andito ako mananatili sa tabi mo. Hawak ka lang sa kamay ko at hinding hindi kita bibitawan sa ano mang laban mo."