Chapter 17

1290 Words
Chapter 17 Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na kami muling nagkausap pa. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko sa kanya. Bakit? Nagtatampo ako! Galit ako sa kanya ngunit ang kanyang pag-iwas sa akin ay nagpabigat sa aking kalooban ng labis. May mga panahon na nagtatalo kami ngunit hindi naman ganito kalala. Tuwing mag-aaway kami ay inaayos namin agad. Hindi kagaya nito na nagpataasan kami ng ihi. Mag iisang linggo na rin matapos yung sagutan naming dalawa at oo aaminin ko namimiss ko na siya. Magkasama pa rin naman kami pero yun nga para rin naman kaming hindi magkakilala. Wala nga kaming kibuan pagkatapos nun. Pagkagising ko sa umaga ay wala na ito sa apartment at pag uwi ko naman ay kung hindi ito magkukulong sa kwarto niya ay tulog na siya. Gusto ko siyang makausap para ayusin namin ang sigalot sa pagitan naming dalawa ngunit hindi ako makatiyempo dahil iniiwasan niya ako. Hinayaan ko nalang din siya kasi choice din naman niya iyon. Bibigyan ko muna siya ng panahon para lumamig ang galit niya sa akin. Pero hindi ko talaga lubos maintindihan bakit ganoon na lamang ang galit na ipinakita niya sa akin? Napakababaw naman yata kung ang paglapit ko kay Migo ang dahilan ng kanyang pagkasuklam sa akin, hindi ba? Yun kasi ang unang pagkakataon na ganun kalubha ang bangayan namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong dahilan niya bakit nagagalit siya sa akin dahil lang kasama ko si Migo at worst ay papalayuin pa ako dito. Masama ang loob ko sa kanya. Siyempre nasaktan din kasi ako sa huling sinabi niya na nakakadiri ang pagiging bakla. Kailan pa siya naging homophobic? Sa sinabi niyang iyon ay mas nadagdagan pa lalo ang takot na nakaukit sa aking dibdib na baka balang araw malaman niya ang tunay kong katauhan. Baka sakaling darating ang puntong layuan na rin niya ako dahil sa pagiging homophobic niya. Pero kaibigan niya ako. Magbestfreind kami. Kung pinapahalagahan niya ako, ay dapat tanggap niya kahit na kung ano ako. Diba dapat ganoon naman ang pagkakaibigan? Kung tunay mong pinapahalagahan ang isang tao, sa halip na hahamakin mo siya ay dapt ikaw mismo ang unang makatanggap sa unang katauhan niya. Sana ganoon siya! Hindi masusukat ng isang balikong kasarian ang kung tunay ang iyong nararamdamang pagpapahalaga para sa iyong mahal sa buhay. At kung hindi niya ako matanggap, baka ibig sabihin noon ay hindi niya talaga ako mahal? Para na rin kasi niyang sinasabi na pinandidirihan niya ako kasi silahis ako. At nasasaktan ako sa isiping hindi niya matatanggap ang pagiging ako. Napaka unfair naman ng ganoon. Kasi kung baliktad ang sitwasyon, kung siya ang nasa katayuan ko ay ako pa mismo ang magpapalakas sa kanya ng loob. Hindi ko siya iiwan kung ano siya sapagkat ang pagmamahal ay hindi masusukat sa kung ano ang katayuan mo sa buhay Dumaan pa ang ilang araw at sumapit ang isang buwan ganun pa rin yung set up naming dalawa. Walang kibuan, parang may kanya kanyang mundo at talaga namang nahihirapan ako sa pagkakataong ito. Hindi kasi ako sanay na hindi ko siya makakausap kahit sa loob ng isang araw lang. Pero hindi ko naman kayang lumapit dito lalo ng wala naman itong balak na kibuin ako. Sinubukan ko noong una na makipagbati dito pero ayun dineadma ako. Kakalungkot grabe. Ganun naba talaga ang galit niya sa akin? Talking about Migo ayun super close na kami sa isat isa. At sa tingin ko nga ay yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin ako kinakausap ni bro. Pero wala naman kasi akong nakikitang dahilan na iwasan ko si Migo lalo na puro kabaitan ang pinapakita nito sa akin sa mga nakaraang araw. At yun nga tinatanong niya sa akin kung pwede na ba raw niya akong ligawan but tatanggihan ko ito. Bukod kasi sa natatakot ako kay bro ay hanggang magkaibigan lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. At hanggang ngayon ay si bro pa rin talaga yung mahal ko. At kung tatanungin niyo naman sa akin kung kamusta na sila bro at Alexis ay sad to say ay sila na ngayon. Actually last week pa. At nasasaktan ako ng lubos dahil doon. Kasi wala na talaga akong pag asa kay bro. Kaya kinuha ko yung chance na wala kaming pakialamanan sa isat isa para mag move on na ngang tuluyan. "Ako nalang kasi Trei. Di kita sasaktan." Masuyong sabi sa akin ni Migo. Kasalukuyan kaming nasa boulevard at nakaupo sa sementong seawall habang pinapanood yung papalubog na araw. "Di naman kasi ganoon kadali yang sinasabi mo Migo. Kung pwede lang sana talaga maturuan ang puso ay ginawa ko na." Napabuntong hininga naman siya sa sinagot ko. Nakangiti iyon pero bakas pa din ang kalungkutan sa kanyang mata. Naawa ako para kay Migo. At masasabi ko nga talaga na seryoso ito sa akin. Noong time na umiyak ng umiyak ako nang malaman na sila na ni bro at ni Alexis ay si Migo ang naging takbuhan ko. Iyak lang ako ng iyak nung araw na iyon habang yakap yakap niya ako at hinahagod ang likod at pinapatahan ako. Sa kanya ko din ibinuhos lahat ng sama ng loob ko mula kay bro at naintindihan di naman niya ako. At kahit pinapalayo ako ni bro sa kanya ay bakit ko naman gagawin iyon kung wala namang ibang ginawa si Migo kundi ang samahan ako at pilit na pinasaya sa mga sandaling umiiyak ako at nasasaktan dahil kay bro? "Ayaw ko lang kasi na makikita kang nasasaktan Trei. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang makita ka na umiiyak at nasasaktan dahil binabalewala ka lang ng taong mahal mo. Hindi mo deserve na umiyak Trei. Dapat sa iyo ay pinapangiti at minamahal pabalik. At ako andito ako. Handa akong pasayahin at mahalin ka Trei bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin ka." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka naman mahirap na mahalin Migo. Kaya lang.." Tumingin ako sa kanya. "Kaya lang ano Trei?" "Kaya lang masyado pang fresh yung sugat dito sa puso ko. Parang hindi naman tama na pagbigyan kita ngayon kung nandito pa rin si bro sa puso ko." "Huwag kang mag alala Trei maghihintay ako. Tutulungan kitang pawiin yang sugat diyan sa puso mo Trei." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya sinuklian ko din iyon ng isang matamis na ngiti. Kung pwede lang talaga na turuan ko yung puso ko na mahalin ka ngayon din Migo ay gagawin ko. Pero hindi. Ayaw kitang gamitin para lang ipanakip butas dito sa sugat ng aking puso. Masyado kang mabuti saakin at kailan may di ko gagawin iyon sa iyo. Bigyan mo lang ako ng panahon burahin yung sugat ko siguro ayun na yung time na mahulog din ng kusa yung puso ko sa iyo. "Andito lang ako palagi para sa iyo Trei. Handa akong maghintay kahit kailan pa." Nakangiting sabi niya saka niya ipinatong yung kanyang braso sa aking balikat at kinabig niya ako palapit sa kanyang dibdib. Napangiti ako. Sana ikaw nalang si bro Migo. Sana ikaw nalang yung tinitibok ng puso ko. Hindi na sana tayo kailangan masaktan kasi iba yung gusto ng taong minamahal natin. Hindi kasi talaga madaling burahin yung role ni bro dito sa puso ko. Pero balang araw magagawa ko rin at pag nangyari iyon siguro pwede na kitang mahalin. "Salamat Migo." Sinserong sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Nasa ganun kaming posisyon nang may biglang humila sa kamay ko palayo kay Migo. Marahas iyon at sobrang higpit ng pagkahawak ng sino mang humila sa akin at pilit kaming pinaghiwalay ni Migo. Pagtingala ko ay bumungad sa akin ang naglagablab na mukha ni bro. Ang kanyang mga mata ay nagsusumigaw ng matinding pagkapoot. Ang paraan ng pagnginig ng kanyang labi ay nagpapahiwatig ng labis na pagkamuhi sa akin. "Bro?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD