"Dito na ako Migo. Salamat sa paghatid kahit di ko naman kailangan." Sabi ko sa kanya nang huminto kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Hanggang sa makarating kami sa apartment ay daig niya pa ang pwet ng manok sa kakaputak ng wala namang kwentang mga bagay bagay.
"Ang harsh mo talaga sa akin Trei. Haha, but gusto ko yang ganyang galawan mong yan." Inilapit niya yung mukha niya sa akin saka bumulong sa aking tainga." I like it wild baby. Just like that," ang pilyong huling salita niya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa aking leeg dahilan para mapatayo ang aking balahibo sa katawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit apektado ako hindi lang sa emosyonal na aspeto kundi pati sa pisikal?
Automatic na tumaas ang kamao ko at huli na nang matagpuan kong nakalapat na ito patungo sa kanyang panga, dahilan para marinig ko ang kanyang pagdaing sabay sapo sa banda kung saan nag landing ang aking kamaong sumapak sa kanya.
"Ouch!" Ang nasasaktan niyang bulalas! Ouch! Bakit mo ako sinapak?" Tanong niya sa akin habang sapo sapo pa rin niya ang kanyang mukha. Buti nga sa kanya.
"Natutuwa kasi siguro ako sayo kaya kita nasapak," sarkastiko kong tugon. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling nagwika, "Siguro gustong gusto ko yung sinabi mo kaya kita sinaktan ano? Sa palagay mo?"
"Kundi lang talaga kita mahal makakatikim ka talaga sa akin Trei," himig pagbabanta niyang pahayag.
"Anong sabi mo?"
"Ha? May sinabi ba ako?" Maang maangan niyang tanong pabalik sa akin.
"Yung patitikimin mo ako."
"Ahh yun." Napakamot muna siya ng kanyang batok bago nagsalita muli. "Sabi ko makakatikim ka ng pagmamahal ko." Napatawa siya. Bipolar yata talaga ang lalaking ito!
"Oh baka naman kasi iba yung gusto mong tikman mula sa akin Trei. Okay lang kung tikman mo ako." Sabi niya in a very seductive way habang tinitigan ako sa mata. Seryoso? Kailan ba magtigil ang lalaking ito! Nakakasura na talaga ang kaniyang pagmumukha!
"Gusto mo masapak uli?" ang nayayamot kong asik.
Takot siyang napatawa, "Ano ka ba? Joke lang yun. Ang sungit talaga nitong mahal ko. Pakiss nga," sabi niya sabay nguso ng kanyang labi at inilapit nito ang kanyang mukha sa akin.
"Subukan mo lang talaga Migo makakatikim ka talaga sa akin." Banta ko sa kanya habang iniiwas ko yung mukha ko sa kanya sabay hakbang paatras. Umabante naman ito palapit sa akin na animoy parang isang asong ulol. Nakakatakot ang paraan ng kanyang mariin na pagngisi dahilan para umatras pa ako para makalayo sa kanya!
"Gusto ko yan Trei." Umaatras ako habang siya naman ay humahakbang palapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bakal ng gate sa apartment sa aking likuran. s**t wala na akong maatrasan. Napalunok ako nang kinocorner niya ako sa dalawa niyang braso dagdagan pa ang nakakaloko niyang paninging iginawad sa akin.
"I want you that way Trei." Ang namamaos niyang sambit. Amoy ko ang mabango niyang hininga kaya napasinghap ako. Titig na titig siya sa akin kaya di ko maiwasang mapatitig sa kanyang mga mata. At muli animoy nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niyang iyon. Napahugot ako ng lakas mula sa gate kung saan ako mariing nakahawak para hindi matumba.
Palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin . Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. Ang init ng labi niya. Natuod ako ng ipang segundo dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa akin! Tumatagal ng halos bente segundo yung pagkadikit ng labi niya saaking noo.Tila na kuryente ako. Hindi ako nakagalaw dahil sa labis na pagkabigla.
"Good night Trei." Seryosong sabi niya. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin bago tumalikod palayo sa akin. Hindi ako natinag sa aking kinatatayuan habang pinagmasdan ang likuran niyang gumagalaw palayo. Para lamang akong tangang nakatitig lamang sa papalayo niyang bulto habang unti unti na siyang nilamon ng dilim at nawala sa aking paningin. What the hell was that?
Napatanga ako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko. Urrrrrgh! Kakagigil talaga yung Migong iyon.
Pumasok na ako sa apartment at umakyat sa unit namin ni bro. Nadatnan ko siyang nakatayo doon sa labas ng pinto. Masama ang timpla ng kanyang mukha at medyo madilim ang aura na rumirihistro doon. Agad akong napangunot ng noo. Wala naman akong matandaan na magkaaway kami kanina. Bakit galit ang sumisingaw mula sa kanyang mga matang mariing nakatitig sa akin? Kanina pa ba niya ako hinihintay? Nakita niya kaya ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Migo doon sa labas ng gate? Oh! s**t! Huwag naman sana!
"Hi bro, kamusta yung-".
" Saan ka galing?" Putol at pagsabad niya sa tanong ko. Iba ang tono ng pananalita niyang iyon. Galit na galit ang baritono niyang tinig. Pero pinagsawalang bahala ko iyon baka kasi namisinterpret ko lang yung paraan ng pagdinig ko.
"Sa labas nagpapahangin lang."
"Ahh sa labas nagpapahangin at kasama mo pa talaga ang Migo na yun?" Tumaas yung boses niya at mababakas mo ang galit sa kanyang mukha. Paano niya nalaman? Kanina pa ba siya dito? Oh s**t! Sana hindi niya nakita yung paghalik ni Migo sa noo ko baka ano pa ang isipin nito.
"Kamusta ang lakad niyo ni Alexis? Naka score ka ba?" Pag iiba ko sa usapan. Ano na naman kaya ang nagawa ko sa kanya at parang badtrip na badtrip ito sa akin ngayon. O baka naman di maganda yung takbo ng first date niya doon sa Alexis na yun.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Sumunod naman ito sa akin at padabog na isinara ang pinto. Anong problema nito.
"Huwag mong ibahin yung usapan Trei. Tinatanong kita bakit kasama mo ang Migong yun?"
Hinarap ko siya na may pagtataka sa aking mukha. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako sa inasta nito. Tinatawag nga niya ako sa aking pangalan na kadalasan niyang ginagawa kapag naiinis o di kaya ay galit ito sa akin.
"Wala bro. Nagkasalubong lang kami kanina at hinatid niya lang ako dito." Pagtatapat ko sa kanya.
"Wala? Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin Trei?"
"Anong pinagsasabi mo? Pwede bang bukas nalang tayo mag usap bro pagod ako." Sabi ko at tinalikuran ko siya papasok sa kwarto ko pero di pa man ako nakahawak sa pinto ay nahigit na niya yung siko ko at marahas akong pinaharap sa kanya.
"Huwag mo akong talikuran!"
"Ano ba?" Galit kong tanong dito sabay tabig sa kamay niya. "Eh ano naman sayo kung kasama ko si Migo?" Inis kong tanong pabalik. At ang hindi ko maintindihan ay bakit galit ito kung kasama ko lang naman si Migo. Di ko maintindihan yung mga galawan niyang iyon.
Nakita ko ang pagtaas ng dalawang kilay niya at masama akong tiningnan sa mata.
"Layuan mo ang Migong yun." Mariing sabi niya sa akin. Kaya naman atomatikong tumaas din yung dalawa kong kilay at masama ko din siyang tininitigan.
"At bakit ko naman gagawin iyon?"
"Basta lumayo ka sa kanya. Di mo siya dapat pagkatiwalaan. Masama ang lalaking iyon at di nakabubuti para sayo ang paglalapit mo sa kanya."
"Paano kung ayaw ko?"
"Hinahamon mo ako Trei?"
"Paano kung sasabihin kung oo anong gagawin mo?"
Napatiim bagang siya sa sinabi kong iyon.
"Gawin mo sa ayaw at sa gusto mo."
"A. Yo. Ko!" Matigas kong sabi. Pinihit ko ang pinto pabukas at akmang isasarado na sana ito pero natigilan ako sa susunod na sinabi niya.
"Masarap ba mahalikan ng kapwa lalaki Trei? Bakit may gusto ka ba sa lalaking iyon? Bakla ka ba Trei?"
"Baliw ka na Wess! Ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagkakagusto sa kanya at sa kahit sinong lalaki kasi kapag sa oras na malaman ko na may gusto ka sa iba ay hindi ko iyon matatanggap. Nakakadiri ang pagiging bakla Trei. Tandaan mo iyan."