Chapter 15

1258 Words
Chapter 15 Ang gulo gulo talaga ng mundo ano? Ika nga nila life is very ironic. Mahal ako ni Migo, but l love bro.., and bro loves somebody else. Ewan! Ang gulo gulo diba. Para lamang kaming naghahabulan sa isat isa. Sadyang mapaglaro nga yata ang pag-ibig. Napakahiwaga nga nito marahil kaya nga siguro ang iba ay nababaliw na. At isa ako sa mga taong nababaliw dahil sa pag-ibig na iyan! Minsan napag-isip ako, bakit kaya di nalang pagtagpuin yung mga taong gusto nila yung isat isa upang sa ganun ay di na nila kailangang masaktan at maghabulan. Bakit kaya hindi na lamang pagtagpuin agad yung mga taong nakatadhana para sa isat isa? Nang sa ganon ay walang ng mga luha pa ang masayang. Nang sa ganon ay wala ng puso ang masasaktan dahil lamang sa malupit na pag-ibig na iyan. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Migo pauwi sa apartment. Pinagtabuyan ko na ito na umalis pero sadyabg ang tigas talaga ng ulo at ihahatid pa raw talaga ako. From his actions na pinapakita sa akin ay hindi ko maiwasang mag isip na seryoso talaga ito sa mga pinagagawa niya sa akin. But until now lm still confused kung silahis ba talaga ito. Bukod pa doon,paano kung niloloko lang pala ako nito at magising na lamang isang araw na pinaglalaruan lang pala niya ako. I can't trust him knowing the fact na hindi naman kami close. Dagdagan pa ng labis na kasamaan nito. Kaya nga siguro ay nag-aalangan pa rin ako sa mga ipinapakita niya sa akin dahil hanggang sa puntong ito ay di ko alam kung genuin nga ba ang mga ipinapakita niya sa akin sa mga sandaling ito. I wonder kung bakla or bisexual si Migo. Kasi kung titingnan mo kasi siya ay barakong barako ito. Eh sino bang silahis na yung galaw ay parang gangster at barumbado ano. But in fairness naman kasi sa kanya ay di mo maitatangging gwapo ito. Makinis ang mukha at di mo mababakasan ng anong pores o pimple marks. Matangos ang kanyang ilong at napaka itim ng eye ball niya na kung titigan mo ito ay parang hinihigop nito ang kaluluwa mo. And what really bothers me is yung isang hikaw niya sa tainga but bagay din naman sa kanya iyon. "Bakit ang tahimik mo?" Napukaw niya yung diwa ko nang mayamaya pa ay nagtanong ito. Until this time ay nahihiwagaan pa rin ako sa aking sarili bakit pakiramdam ko ay safe naman ako sa kanya. Ewan! Bakit ako makaramdam ng ganoon, diba nasusuklam ako sa kanya? Kaaway ang turing ko sa kanya! At ngayon, bakit hinayaan ko siyang makalapit sa akin ng ganiti ka-close? "Wala may iniisip lang ako." Walang lingong sabi ko sa kanya at patuloy lang ang paglalakad sa gilid ng highway na binabagtas namin ngayon pabalik sa aming apartment na nagliliwanag dahil sa mga streetlights sa gilid nito. "Ako ba yung iniisip mo?" pilyong tanong niya sabay ng pagtawa nito dahilan para mapataas ang kaliwang kilay ko. "At bakit naman kita iisipin kuno?" Kinunutan ko siya ng noo pero tinawanan lang niya ako ulit. "Kasi ang gwapo ko?" "Kapal!" Inirapan ko siya kaya mas lalong lumakas yung tawa niya saka niya ako inakbayan kaya nalanghap ko yung amoy ng magkahalong pawis at pabango niya. Para akong nalulunod sa bango na aking nalanghap mula sa kanyang katawan. Pinilit kung alisin yung braso niya pero yung loko ay di talaga nagpatinag. Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Bakit hinayaan ko rin siyang ganituhin ako? Ewan, di ko alam. Ngunot hindi ko rin maitatanggi na nasisiyahan ako sa presensiya ni Migo. "Ang liwanag ng mga street lights no?" ang kanyang pahayag. "Kay ganda talaga pagmasdan yung mga ilaw ng sasakyan na tumatakbo parito at paroon." "At wala akong pake," ang aking pagsabad. "Sungit!" komento niya. "Akala ko ba magkaibigan na tayo?" "Eh kung makaakbay ka kasi sa akin feeling mo close na close na tayo." Singhal ko pabalik. Narinig ko siyang tumawa dahil sa sinabi kong iyon. "Haha hayaan mo na ako Trei. Masaya lang talaga ako ngayon. Dati kasi pangarap ko lang na mapansin mo ako. Naiinis nga ako sayo eh, kasi kahit anong pagpapansin ko sayo ay di mo talaga ako pinapansin. Parang badtrip na badtrip ka kapag lumalapit ako sayo." Patawa tawang sabi niya saka nagpatuloy sa pagsalita. "At di ko inaasahan ang pangyayaring ito na nakasama kita ngayon at makausap ng malapitan bonus nalang yung nakaakbay ako sayo habang naglalakad tayo sa silong ng mga streetlights. Aray! Ano ba?" Napaaray siya nung bigla kong sinuntok yung tagiliran niya. At kung tatanungin niyo bakit ko nagawa yun ay di ko rin alam. Bigla kasing uminit yung mukha ko. "At bakit mo naman sinasabi sa akin yang mga yan ha?" "Ewan ko. Siguro dahil gusto kong paniwalaan mo ako sa sinasabi ko sa iyo na mahal kita?" "Baliw to." "Okay lang na mabaliw ako. Mababaliw ako sayo." Ang hilig talaga niyang tumawa ano? Eh sa hindi naman nakakatawa yung mga banat niya. Ilang sako kaya ng mais ang nilaklak ng lalaking ito. Minsan kasi ay nakakarindi na ang mga banat niya. "Alam mo Trei sin-liwanag ng pagmamahal ko sayo yung mga streetlights." "Blah blah blah whatever Migo! Tumigil ka na! Baka ako mainis sa iyo baka sinliwanag rin ng streetlights ang bukol na ibibigay ko sa iyo!" Putol ko sa kanya para ipamukha na di ako interesadong makinig sa sasabihin niya but deep inside ay naghihintay ako kung ano ang kasunod niyon. "Di mo ba ako tatanungin kung bakit?" "Hindi. FYI puno na naman ng kamaisan yang nilalabas ng bunganga mo. Nakakarindi na kaya." "Haha. Pero alam mo ba kung bakit sin liwanag ng street light yung pagmamahal ko sayo?" "Kasi nga kapag mamahalin mo ako pabalik magliliwanag ang buhay mo." "Meralco ikaw ba yan? Ang corny ha infairnes natuwa ako." Sarcastic kung tanong. Umaasa kasi akong mas may sense at sweet yung sasabihin niya. Muli ay narinig ko yung pagtawa niya. "Hindi ako si meralco. Kasi I am yours and you are mine." "Ha. Ha. Ha. Im speechless!" Ginulo niya yung buhok ko pagkatapos kung sabihin iyon. "Ang kyuut mo talaga Trei." Sabay kurot niya sa pisngi ko gamit yung kabilang kamay niya kaya tinampal ko iyon pero tinawanan lang ako ng walang hiya. "Wag mo ngang galawin yung mukha ko. Nangangati tuloy." "Ang arte naman nito. Di bale na ngang maarte ka labs naman kita." Natagpuan ko nalang yung sarili ko na napangiti sa linya niyang iyon. Kailan kaya ito mauubusan ng banat? Pati kasi ako ay nahahawa na rin sa kakornihan nito. Kadiri. "Pero seryoso Trei di ka ba nagagwapuhan sa akin ng kunti?" Seryosong tanong niya. "Hindi. Kasi bukod sa naiinis ako sayo ang sama pa ng ugali mo." "Ouch! Sapol ako doon ah." Napakamot siya sa kanyang batok. "Di naman ako naging masama sayo ah." "Sa akin hindi pero sa iba oo!" "Naging masama lang naman ako kasi gusto kita." "Ha? Anong konek?" "Ayaw ko kasing mapapalapit ka sa iba lalo na sa kaklase natin. Eh baka agawin ka pa nila sa akin." "Kahit na. Di mo naman kailangang bugbugin yung mga kaklase natin at bugawin sila palayo." "Eh ano bang magagawa ko. Kapag sila lumalapit sayo ay pinapansin mo samantalang ako ay kung tingnan mo parang hangin lang. Siyempre damay damay kami." Therefore l conclude na isip bata din pala ang isang ito katulad ni bro. Wait si bro. Himalang hindi siya sumasagi sa isipan ko sa pagkakataong ito. Aaminin kung nag enjoy ako sa presensiya ni Migo pero hindi ko akalain makakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko dahil kay bro kasi kasama ko si Migo. Senyales na ba ito na si Migo yung susi para makalimutan ko yung pagkagusto kay bro at maka move on na ng tuluyan? Waaaaah! Ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD