Chapter 14

1273 Words
Chapter 14 Napabuntong hininga ako habang sinusuri ang papalubog na araw na ngayo'y humahalik na sa dagat. Ang gandang pagmasdan ang kulay na nalikha nito lalo na nung tumama ang repleksyon nito sa kulay asul na dagat. Napangiti ako ng mapait. Balang araw ay matatagpuan ko din yung taong para sa akin. Yung taong magmamahal sa akin sa paraang gusto ko. Hindi man tayo para sa isat isa bro ay okay lang. Ipapangako ko simula sa araw na ito ay unti unti na kitang burahin sa puso ko. At kahit masakit ay kakayanin ko hanggang sa mawala na ang sakit. Siguro nga ay hindi tayo para sa isat isa. Kaya sa pagkakataong ito ay hahayaan kitang sumaya sa piling ng iba. Marahil ay ito talaga ang nakatadhana para sa akin. Masakit ngunit kailangan kong umayon sa takbo ng aking buhay. Marahil nga sa ating buhay ay hindi tayo pwedeng manalo sa bawat laban. Ngunit hindi ibig sabihin na kapag natalo ka ay manatili ka na lamang sa lugar kung saan ka lumagapak. Kailangan mong tumayo. Kailangan mong tapangan at tatagan ang iyong sarili muli. Nararapat tayong maging masaya. Nararapat tayong mahalin. Balang araw ay mahahanap rin natin ang taong para talaga sa atin. Marahil ay hindi na dapat natin hanapin pa ang mga taong magmamahal sa atin sapagkat kung nariyan na ang taong nakatadhana para sa iyo ay kusa itong darating sa iyong buhay. Darating sila sa di mo inakalang pagkakataon. Labag man sa kalooban ay palalayain ko si bro sa puso ko. Marahil ay kailangan ko rin sigurong mahalin muna ang aking sarili. Talo ako sa sandaling ito ngunit lalaban ako. Hahanapin ko ang taong para talaga sa akin. At kung darating ang araw na iyon ay buo na uli ako. Kaya ko ng maibigay ang pagmamahal na nararapat sa lalaking nakatadhana para talaga sa akin. Natigilan ako sa pagmunimuni at bahagya pang napasigaw ng kaunti nang bigla nalang biglang dumilim ang paningin ko at maramdaman ang kamay ng tao na nakapiring sa aking mga mata. Napasinghap ako. Familiar sa akin ang amoy ng pabango nito na nanunuot sa aking ilong. "Alisin mo nga yung kamay mo sa mata ko." Singhal ko sabay pilit na inalis yung kamay niya na nakatabing sa aking paningin." Nangangati yung mukha ko," mariin kong pahayag. Kahit hindi ko siya nakikita ngunit sadyang umaalingasaw lang talaga ang kademonyohang ng lalaking ito kaya kahit nakapikit ay makilala ko siya. Narinig ko naman yung pagtawa niya habang nasa mata ko pa rin yung mga kamay niya. "No. Not until you can tell me who I am," ang nanunuya niyang saad sabay tawa dahilan para maramdaman ko ang pagkulo ng aking dugo sa katawan. I hate this man! I hate him to death! Ano na naman kaya ang pakay niya sa akin? "Stop this bullshit Migo!" Singhal ko. Saka lang niya inagaw yung kamay niya pabalik nang maramdaman niya ang marahas kong pagsuntok sa kanyang tagiliran. Napadaing siya dahil sa ginawa kong iyon sa kanya. "Chill." Sinamaan ko siya ng tingin paglingon pero nagulat ako na sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha at dahil sa pagkabigla ay natulak ko siya sa dibdib palayo sa akin. "Ouch! That hurts baby. Wag mong tabigin yung dibdib ko baka kasi maalog yung puso ko at mas lalo akong mainlove sayo." Nakangising aso na sabi niya sa akin kaya napataas yung kilay ko. Baliw talaga itong lalaking ito. "You are insane Migo! Lumayo ka nga sa akin! Pwede ba Sabado ngayon pagpapahingain mo naman ako sa kabaliwan mo." Galit ang paraan ng pagkasabi kong iyon. Pero ngumiti lang ito ng pagkalaki laki saakin saka inayos ang upo sa aking tabi. Dumistansiya ako ng kaunti sa kanya. "Sabi ko layuan mo ako! Ano bang mahirap sa sinasabi ko na hindi mo maintindihan?" "Sabi kasi nila follow your heart." Umusog siya palapit sa akin hanggang sa magkadikit ang balat ng aming braso. "Eh nandito ka kasi na nilaman ng puso ko kaya nandito rin ako." "Hindi ako natutuwa at kung joke yun ay di iyon nakakatawa." "Seryoso ako Trei. Wait!" Napalingon ako sa kanya. "Narinig mo iyon?" "Yun ano?" "Di mo narinig?" "Yung ano nga?" Naguguluhang tanong ko. "Yung t***k ng puso ko. Sabi niya, Trei! Trei! Trei!!" "Aba mas lumala na yang kaadikan mo." "Siyempre nakakaadik ka kasi." Kumikindat yung kilay niya habang sinasabi niya sa akin iyon. Napailing iling nalang ako. Pero aaminin ko medyo nakiliti yung puso ko sa mga banat niyang iyon. "Bakit mag isa ka lang?" Mayamaya pa ay nagtanong siya sa akin. "Ano bang pakialam mo? Lumayo ka nga." Pagtataboy ko sa kanya. "Ayaw ko. Bakit ba ang sama sama mo sa akin? Hindi naman kita inaano ah?" Nakanguso niyang tanong sa akin. "Siyempre ayaw ko sayo mahirap bang intindihin yun?" "Ouch! Ang sakit nun Trei. Tagos hanggang buto yun ah." Napangiwi siya." Pero di bale na kung ang sama sama mo sa akin. At kahit na ang sama sama mo sa akin ay di kita pagsasabihan ng I HATE YOU." "Ano naman ang pake ko diyan?" "Di kita kayang sabihan ng I hate you kasi nga..." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita saka tiningnan ako sa mata. "Kasi..I love you!" Sandali akong napatanga doon. Titig na titig siya sa aking mga mata at parang hinihigop ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya. Ako ang naunang umiwas ng tingin at ibinalik ang pansin sa tahimik na dagat. "Trei." "Ano?" Walang lingong tanong ko sa kanya pabalik. "Seryoso ako." "Seryoso saan?" "Mahal kita Trei. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan ko sayo ang pagmamahal ko sayo. Kung iniisip mo na pinaglalaruan lang kita hindi Trei totoo ang nararamdaman ko para sayo. Una palang kitang nakita noon ay naagaw mo na yung tingin ko. Parang nakamagnet na yung mata ko sayo. Naguguluhan ako noong una kasi hindi ako sanay sa pakiramdam na ganito. Sinubukan kong burahin yung nararamdaman ko sayo pero hindi ko magawa. Kasi kahit anong pigil ko l always end up falling over and over again. Hindi naman sa minamadali kita Trei. No its not like that. Just give me a chance." Sensirong sabi niya sa akin. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Gulong gulo ang isip ko. No. Hindi ko kayang pag katiwalaan ang lalaking ito. But in the other thought is it a sign? Sign na ba ito para tuluyan ko ng ilabas yung role ni bro dito sa puso ko at papalitan yun kay Migo? Ahhh. Ewan di ko alam. Hindi ko rin naman kasi alam kung totoo itong pinaggaggawa ni Migo sa akin. Bukod kasi sa lagi niyang binubully yung mga kaklase ko na lumalapit sa akin noon ay napakasama pa nito sa ibang tao. Kaya nga parati akong mag isa sa classroom kasi binubugaw nito palayo yung taong gustong makipag close sa akin kaya ganun nalang yung inis ko sa kanya.At ngayon bigla bigla na lang nag bago yung ugali? Ano to magic? But in the other thought iba naman kasi ang pakikitungo ni Migo sa akin noon pa. He never bullied me unlike sa pinagagawa niya sa iba. But hindi ko rin naman masasabing mabait ito kasi sa dami ba namang sinasaktan nito at pinaiyak na babae at mapapalaki ay di ko maiwasang magalit dito. "Pag isipan ko Migo. But for now why cant we just be freinds?" "Im willing to wait Trei." Nakangiting sabi niya sa akin sabay akbay sa balikat ko. "But huwag na huwag mo lang akong i friend zone. Haha!" Pabirong sabi niya."Pero okay lang na kaibiganin mo muna ako saka mo na ako ka-ibigin." Ginulo niya yung buhok ko at tumatawa ng bahagya. At ewan ko ba. Natagpuan ko na lamang yung sarili ko na ngumingiti sa pagkasabi niyang iyon. Nahahawa na ata ako sa kaadikan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD