Matapos ang natanggap naming tawag kagabi ay wala na kaming sinayang na oras. Lahat ay pinag-aralan ang plano. Na-track rin namin ang lugar na pinanggalingan ng tawag. Nag-aagaw na ang araw at gabi nang simulan namin ang biyahe. Sa kalkula naming ay mga isa't kalahating oras bago kami makarating roon. Habang nasa byahe, muli naming pinag-usapan ang plano. Si Ashley ang sniper at magsisilbing mata namin. Kasama niya si Mellisha upang kapag nagkagulo ay maari namin siyang gamitin laban sa kaniyang ama, hindi naman ito nagmatigas. Ako at si MC nama'y dadaan sa harapan ng lugar habang si Seven at Tyler ay sa likod. “Ready?”tanong ko nang marating namin ang destinasyon. Tumango naman sila bilang tugon at sinimulan nang ayusin ang sari-sarili armas. Nauna nang lumabas sina Ashley. Pansin kong

