Wala kaming sinayang na oras. Agad kaming naghanda para sa parating na bakbakan. Tatapusin ko na ito. Sa oras na mapatay ko ang walang’yang iyon ay titigil na rin ako sa sa gawaing ito. Ang kamatayan lamang niya ang dahilan kung bakit akopumasok sa mundong ito, kaya naman tanging kamatayan niya rin ang magiging tuldok. Isinama namin si Mellisha sa operasyon. Magagamit namin siya laban sa kaniyang ama kung sakali mang hindi namin makontrol ang sitwasyon. Siya an gaming magiging alas. “Are you going to kill my dad?” Tanong niya. Tumingin lamang ako sa kaniya ngunit hindi inabalang sumagot. I heard her sigh. “Can you not kill him? He's the only one I have.” Pagpapatuloy pa niya ngunit hindi ko pa rin siya binigyang pansin at saka tinalikuran. “Handa na ba ang lahat?” Tanong ko kina Mc at A

