Nandito ako ngayon sa sala kasama sila Mc at Ashley. Nilalaro nila si Sky. I don't want them to come, but they insist they even told me that they know my secret. Sinundan daw nila ako noong may kahinahinala akong galaw sa pag-aalang susugod ako sa kalaban ng mag-isa. “How dare you to hide this cute creature to us Cheska? You're so selfish.” Madramang sambit ni Ashley at saka kinurot sa pisngi si Sky. Lagi namang exaggerated ang taong ‘to. “Tsk! Kailan ba ‘yan nagsabi sa atin? Baka nga may asawa na ‘yan hindi lang niya sinasabi.” Pati itong si Mc nahahawa sa ka-OA-han ni Ashley. Hindi ko sila sinagot pero nasamid ako kaya sabay silang napatingin sa akin. Buwisit na juice ito. “Uyy bossing huwag mong sabihin na totoo ‘yon? May asawa ka na?” Linapit pa ni Ashley ang mukha, inirapan ko na

