“Ano na bossing, talaga bang live in kayo ni Mr. Montealto?” “Pero paano? Inarrange marriage kayo?” “Pumayag ka? Bakit mahal mo ba?” “Pinilit ka ba? Bakit di ka tumutol? May karapatan ka pa rin.” “Ilang taon na kayong nagsasama?” “Iyon ba ang dahilan kung bakit ka lumipat sa Montealto University??” Napairap na lang ako sa hangin sa mga sunod-sunod na tanong sa akin ni Ashley at MC. Mas malala pa sila sa tinake naming exam kanina eh. Nakakaurat na! Pinag-iisipan ko kung i-salvage ko nalang kaya sila? Minsan ewan ko kung bakit sila sumasama pa sa akin? Ano para pagchismisan ang buhay ko? “Huy! Ano ba Cheska? Ang dami na naming tanong sa iyo, tapos ni isa wala ka pang sinasagot!” Pagrereklamo sa akin ni Ashley habang nakapamewang sa harap ko. And for the nth time napairap ako sa kanya.

