“Mommy wake up!” Someone is waking me up. Niyuyogyog pa ako nito, ngunit isinawalang bahala ko lamang ito sa halip ay tinalikuran ko ang pinanggagalingan ng boses saka binalot ang sarili ko ng kumot. Dinig ko pa rin ang bulungan ng dalawa ngunit isinawalang bahala ko lang. “Daddy! Wake mommy up!” “What? Just wake her by yourself!” “Oh come on dad. I tried waking her about three times!” “How will you wake her if you’re just whispering!” Hindi ba nila alam na nakakairita na sila. Padabog akong umupo mula sa pagkakahiga at matalim na tinignan ang dalawang nagtatalo dito sa kuwarto ko. Nakatungtong sa kama ko si Sky kaharap nito ang daddy niya. Sa ngayon hindi sila mukhang mag-ama dahil seryoso ang tingin nila sa isa't-isa na animo'y magbarkadang mayroong pinagtatalunan. “The both of yo

