Cheska's Dali-daling binuksan ni Chester ang pinto at mabilis ding bumalik sa kinaroroonan ko. Ngayon any araw ng paglipat nila Sky dito sa Condo at nagplano si Chester ng welcome celebration para sa kanila. “Hello!” Saad ng kakapasok lang na tatay ni Sky. Inilibot nito ang paningin, marahil ay nagtataka dahil hindi kami nito makita. Malamang, ang dami kaseng drama ng mga ‘to. “WELCOME HOME!” Sigaw namin sabay paputok ng confetti. Nagulat pa sila pero nang makarecover at agad na tumakbo si Sky patungo sa direksyon namin. “Mommy! Mommy!” Halata ang saya nito sa pagkakita sa akin. Patalon siyang nagpakarga sa akin at saka paulit-ulit akong hinalikan sa pisngi. Tinawag niya si Chester at saka nakipag-fist bump rito. “Mommy I missed you so much!” Hyper nitong sabi, nakakarga pa rin siya s

