“SAAN BA tayo pupunta?” Naiinis kong tanong kay Marcus. Kaninang dumating ako sa penthouse ay pinagbihis niya ako at pinagsuot ng tuxedo. Akala ko lalabas kami para magdinner sa isang hotel pero noong nasa loob na kami ng kotse ay linagyan niya ako ng blindfold at headset. Sus! Ano kaya ang linuluto nitong sorpresa para sa akin? Pero noong isang oras na mahigit siyang nagdadrive ay nagsimula na akong makadama ng pagkainip at gutom. Saang lupalop ba ng Pilipinas niya ako dadalhin? At dun na nagsimula ang pagrereklamo ko sa kaniya. After twenty more minutes, sa wakas tumigil na rin siya. Bumaba na kami at naglakad, hindi pa rin niya tinatanggal ang headset at blindfold ko. “Marcus, naiinis na ako.” Pagalit kong sabi sa kaniya. Sa wakas, tinanggal na rin niya ang headset ko pero pinanatali

