IT’S BEEN six months since Marcus proposed to me. Napakiusapan ko naman siyang kapag naka-graduate na ako ng Premed kami ‘magpapakasal’. At pumayag naman siya. One week naman na nang manggaling kami sa Finland ni Marcus. Mabuti na lang at napilit ko siyang umuwi na kami ng maaga kesa sa plano nya. Hindi kasi ako mapakali na ibang tao ang nag-aalaga kay Vinxie. Pinagtatawanan ko na lang ang 'di pagkakatuloy ng plano niyang sa Finland kami magse-celebrate ng Christmas at New Year. Papunta ako ngayon kay Vinxie. Pagkatapos mag-propose ni Marcus sa akin, nakaugalian ko na ring dalawin ang babae. Though noong una ay masama ang treatment niya sakin, nowadays it seems na nagiging open na siya. She is starting to trust me. Naaawa ako sa kaniya knowing that Marcus will never love her the way she w

