Prologue
“Thea, gusto mong mag-sleepover bukas sa bahay? My parents are excited to meet you,” suhestiyon ni Chazzy, ang kaibigan at kaklase ko.
Second year college na kami pareho, at sa aming dalawa, siya pa lang ang nakarating sa bahay. Sabagay, ngayong taon lang kami naging malapit sa isa't isa.
“Syempre naman, gusto ko. Excited na akong makarating sa inyo,” puno ng kasabikan na turan ko.
“Tamang-tama, uuwi sa bahay si Kuya Clark.”
Ayon kay Chazzy, umuuwi ng Biyernes ang kapatid niya. Routine na raw nito iyon para makasama sila ng weekends. Sa condo kasi ito namamalagi dahil malapit sa company nila.
“Magpapagawa ako kay Mommy ng cupcakes at cookies. Gustong-gusto ni Tita Cassandra ‘yon, ‘di ba?”
May sarili kaming bakeshop, at ang mommy ko ang namamahala. Bago umuwi si Chazzy galing sa school, dumadaan muna kami sa shop. Lagi naman siyang may dala pag-uwi niya. Nag-aalala na nga ako dahil baka magkasakit ng diabetes ang buong pamilya ng kaibigan ko dahil sa kakapadala ng mommy ko ng matamis sa kanya.
“Kahit alin na lang sa dalawa, Thea. Nakakahiya na kasi kay Tita Theresa.”
“Sige, cupcakes na lang,” sabi ko.
Dumating ang araw ng Biyernes. Tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay ng kaibigan ko. Sa sasakyan pa lang, excited na ako. Makalipas ang ilang minuto, nasa tapat na kami ng bahay nila Chazzy. Sinalubong kaagad kami ng mommy niya.
“Sa wakas, nakita na rin kita, Thea.” Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang ganda at ang tangkad mong babae. Sumasali ka ba sa mga pageant?”
Nahihiyang inipit ko ang takas kong buhok sa gilid ng tainga ko. “Hindi po. Hanggang panonood lang po ako sa kanila.”
“Hindi pageant ang porte ni Thea, Mommy.”
Pinukol ko ng nagbabantang tingin si Chazzy. Kami lang dalawa ang nakakaalam ng libangan ko.
“Gano'n ba? Sayang naman.” Bakas ang panghihinayang sa boses ni Tita Cassandra. “Wala ang asawa ko. Nasa trabaho pa siya. Mamaya pa ang dating niya, kasama ang panganay ko.”
“Nabanggit nga po ni Chazzy,” magalang na sagot ko. Mabuti na lang ay hindi na ito nag-usisa sa porte na gusto ko.
Pinasya naming umakyat muna sa kwarto ng kaibigan ko. Habang nasa hagdan, hindi ko naiwasan na sulyapan ang malaking picture frame na nakasabit sa gilid ng hagdan. Nakaupo ang mga magulang niya habang may nakatayo naman sa likuran ng mag-asawa. Hanggang sa napako ang mata ko sa matangkad na lalaki na katabi ni Chazzy.
“‘Yong katabi ko, siya si Kuya Clarkson.”
Tumango-tango ako, sabay pilyang ngumiti. “Ang guwapo pala ng kapatid mo.” Hindi ko napigilang bigyan kaagad ng compliment ang kapatid niya dahil iyon naman talaga ang totoo.
Nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ni Chazzy ng bumaba ang tingin ko sa sahig. May pusa kasi na kinikiskis ang balahibo nito sa binti ko.
“Mukhang nagustuhan ka kaagad ni Alta, a.”
Kinuha ko ang pusa. Hinagod ko ang malago nitong balahibo. “Hindi ko matandaan na may binanggit ka sa akin na may alaga kang pusa,” sabi ko ng nasa loob na kami ng silid niya.
“Hindi ko naman kasi alaga si Alta. Kay Kuya Clark iyan. Iniiwan lang niya dito sa bahay dahil walang mag-aalaga sa condo niya.”
Cat lover pala ang kapatid niya.
Pagsapit ng hapon, nasa sala kami kasama si Tita Cassandra. Hinihintay namin ang pagdating ng daddy at kapatid ni Chazzy. Ang totoo, ngayon lang ako na-excite ng ganito. Excited akong makilala ang kapatid ng kaibigan ko.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, narinig na namin ang pagdating ng sasakyan. Lumabas si Tita Cassandra, ngunit nanatili kaming nakaupo ni Chazzy sa sofa.
Habang abala ang kamay ko sa paghaplos sa balahibo ni Alta, na nakahiga sa kandungan ko, nakatuon ang atensyon ko sa pintuan.
“Nandito na ang kaibigan ni Chazzy,” sabi ni Tita Cassandra, kasama na nito si Tito Juancho, na kaagad kong nginitian. Tumagos ang tingin ko sa likuran nila, pero wala dito ang hinihintay ko.
Tumayo na si Chazzy at nilapitan ang daddy niya. Nilipat ko na rin si Alta sa sofa para salubungin ang bagong dating.
“Where's Alta?
I was stunned when I heard his baritone voice. My gaze shifted from Alta to them, and my heart skipped a beat when I locked eyes with Chazzy's brother.
Damn, he's even better-looking in person!
He has a very masculine aura and strong charisma. He looks like a billionaire, the kind I often imagine when I read books, with his long-sleeved shirt rolled up to his elbows. He's even taller in person.
“Ang unfair mo, Kuya. Weekend ka na nga lang umuwi; si Alta agad ang hinahanap mo. Nakakatampo ka naman,” nagtatampong reklamo ni Chazzy sa kapatid niya.
Tinawanan si Chazzy ng mga magulang nila, ngunit si Clarkson ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. Hanggang sa naglakad sila palapit sa akin. Tumayo na rin ako. Pinilit kong maging normal sa harap nila, kahit parang biglang may naghahabulan na libo-libong kabayo sa dibdib ko.
“Ikaw ba ang kaibigan ng anak ko na madalas niyang ibida sa amin?” tanong ng Daddy ni Chazzy.
Nahihiyang ngumiti ako. Hindi ako aware na binibida pala ako ni Chazzy sa parents niya. "It's a pleasure to meet Chazzy's lovely parents po,” magalang na sabi ko.
“Bolera ka naman, hija,” sabi ni Tito Juancho.
“Nagsasabi lang po ako ng totoo,” nakangiting giit ko.
Mahina na lamang itong natawa sa sinabi ko.
“Oo nga pala, Thea. Ito naman ang panganay ko, si Clark,” pakilala ni Tita Cassandra sa panganay niyang anak.
Hindi ako nagdalawang-isip; inilahad ko kaagad ang kamay ko sa harap niya. “It's so nice to finally meet you. I've heard so much about you. Madalas ka kasi ikwento sa akin ni Chazzy,” nakangiting sabi ko.
Bumaba ang mata niya sa kamay ko. Hinintay kong abutin niya ito, hanggang sa parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang tuluyan na kaming magkadaupan ng palad.
“Really?” Sinulyapan niya ang kapatid at muling binalik sa akin ang kanyang atensyon. “Sinisiraan ba ako ni Chazzy sa ‘yo?”
“No, your sister really admires you so much," I replied.
Totoo ang sinabi ko. Lahat ng achievements niya ay laging pinagmamalaki sa akin ni Chazzy. They have such a great relationship.
“May girlfriend na ba si Clark, Cha?” tanong ko habang titig na titig sa kisame ng kwarto ni Chazzy. Nakahiga na kami sa kama at naghihintay na lang na antukin.
“Wala pa.”
Malawak akong ngumiti. Tuwang-tuwa akong malaman na wala pa pala itong kasintahan. Sa gilid ng mata ko ay tumingin sa akin ang kaibigan ko.
“Why? Do you have a crush on my brother?”
“Hindi, a!” mariing tanggi ko.
Impit akong napatili nang kinurot niya ako sa tagiliran. “Kunwari ka pa. Kanina pa kita napapansin na laging nakatingin sa kuya ko. Aminin mo na kasi,” panunudyo niya sa akin.
Tumagilid ako ng higa para humarap sa kanya. Hindi ko maitago ang kakaibang excitement na pag-usapan namin ang kapatid niya.
"You got me. I do have a crush on him.”
Kinikilig na sinundot-sundot ako ni Chazzy sa tagiliran. “Kaya pala hindi ko narinig na tinawag mong ‘Kuya’ ang kapatid ko, kasi may crush ka pala.”
“Hindi ko tatawaging ‘Kuya’ ang magiging future husband ko.” Nagbibiro lang naman ako, pero may bahagi ng pagkatao ko na parang gusto itong mangyari.
“I thought it was just a crush, how did it become a future husband?” she asked, his face beaming with a wide smile.
“Hayaan mo na, libre lang naman ang mangarap ng gising,” natatawa na sagot ko.
“Mangarap ka lang muna talaga. Malaki ang agwat ng edad ni Kuya sa ‘yo. Baka ma-child abuse pa si Kuya niyan.”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. “Ilang taon na ba si Clark?”
“He's twenty-five. There is an eight-year age gap between the two of you. You are still a minor, friend.”
Lumawak lalo ang ngiti ko at parang nangangarap na muling tinuon ang atensyon sa kisame. Parang mas lalo pa akong na-excite na malayo pala ang agwat ng edad namin ng kapatid niya. I've never been in a relationship before, pero kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na magkaroon ng kasintahan, si Clark na ang napipisil kong maging boyfriend sa hinaharap. I'm looking for a man, not a boy. Mature men are said to be better partners for a fulfilling relationship.
“Malapit na akong tumuntong ng disi-otso, Cha. Pwede na ako sa kuya mo,” malawak ang ngiti sa labi na sabi ko.
Malutong na tumawa lang si Chazzy nang marinig ang sinabi ko. Mayamaya lang ay bumangon ako.
“Saan ka pupunta?”
“Nauuhaw ako.” Akma siyang babangon ng pigilan ko siya. “Ako na lang.”
Lumabas ako ng silid niya at bumaba para pumunta sa kusina, ngunit hindi ko inaasahan kung sino ang madadatnan ko roon. Sa halip na magulat, lihim akong nagdiwang nang makita ko si Clarkson. Tahimik siyang nakaupo habang may hawak na canned beer. Napansin naman agad niya ang presensya ko. Ngumiti ako sa kanya, pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“Nauuhaw kasi ako,” sabi ko para mabawasan ang namuong kaba sa dibdib ko.
Walang imik na tumayo siya at tinungo ang refrigerator. Pagharap niya sa akin, may hawak na siyang pitsel. Siya na rin ang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig bago ito ibinigay sa akin. Lalo tuloy akong humanga sa kanya dahil sa ginawa niya.
“Thank you.”
Ininom ko ang laman ng baso. Inubos ko ito para hindi sayang ang effort niya. Gusto ko pa nga sana magpasalin ng tubig para magtagal pa ako dito, pero hindi ko na lang ginawa. Isa pa, hindi talaga ako nakakaubos ng tubig sa baso. Ngayon lang dahil siya ang nagbigay sa akin.
“Salamat ulit.”
“Welcome.”
Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang boses niya. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makasama ko pa siya. Biglang sumagi sa isip ko ang pusa niya, kaya nagkunwari akong hinahanap ito.
“Si Alta?”
Kumunot ang noo niya. “She's sleeping.”
Tumango-tango ako. Ang tipid niyang sumagot. Kailangan ko pa pahabain ang usapan namin.
“May pusa rin ako.” Pasimple kong kinagat ang labi ko. Wala talaga akong alagang pusa.
“Really? You like cats too?”
Yes, I got his attention!
Umupo ako sa tapat niya. May dahilan na ako para makasama siya.
“Yes, his name is…”
Lagot, lalaking pusa pa talaga.
He was looking at me intently, clearly waiting to hear my imaginary cat's name.
Oh my God, Althea. Think!
Hindi ako makapag-focus, kaya't tinuon ko ang tingin sa ibang direksyon. Nag-isip ako ng pangalan na babagay sa pusa. Hanggang sa parang bombilya na umilaw nang may pumasok na pangalan sa isip ko.
“Nos.”
Nagdikit ang kilay niya. Hindi pa yata siya kumbinsido sa pangalan na sinabi ko. Parang gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya dahil sa pangalan ng imaginary cat ko. Kinuha ko lang ang tatlong letra ng pangalan niya sa dulo at binaliktad para hindi ko makalimutan. Ito yata ang pangalan na hindi pinag-isipan ng mabuti.
“I see,” tumatango-tango na sabi niya. “What kind of cat do you have?”
Para akong nanigas sa puwesto ko nang marinig ang tanong niya. Breed ng pusa ang tinutukoy niya. Wala akong ideya tungkol sa breed ng mga pusa. Sa kagustuhan kong makasama siya, mabubuko ako na nagsisinungaling.
Ayoko pa sana siyang iwan, pero kapag nagtagal pa ako rito, baka mahalata na niyang nagsisinungaling ako. Babawi na lang ako sa ibang araw.
Tumayo ako. “Baka hinahanap na pala ako ni Chazzy. Maiwan na kita.”
Sa pagmamadali ko, sumagi ang tagiliran ko sa dulo ng mesa. Napadaing ako at bumaluktot sa sakit.
“Are you alright?”
Nakita ko ang mabalahibo niyang binti sa harap ko, kaya tiningala ko siya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
“Ang sakit.” Masakit naman talaga, pero umarte lang ako na nasaktan ako ng sobra.
Yumuko ako para itago ang ngiti sa labi nang hawakan niya ako para alalayan. “Ihahatid na kita sa kwarto.”
Iika-ika na naglakad ako habang nakaalalay siya sa akin. Kung makikita ako ni Chazzy, pagtatawanan niya ako. Inaamin ko, desperada akong mapansin ni Clarkson, kaya kahit nagmumukha na akong tanga, ay wala akong pakialam.
Sa kaartehan ko, muntik na akong sumubsob sa sahig nang natapilok ako. Mabuti na lang ay mabilis si Clarkson dahil umikot agad ang isang kamay niya sa baywang ko, habang nakahawak pa rin ang isa sa braso ko. Ngunit napasinghap at namilog ang mata ko nang mabilis niya akong pinaharap sa kanya. Pero nawalan ako ng balanse, kaya hinapit na niya ako, hanggang sa magkadikit ang aming katawan.
“Be careful next time, Thea,” he said, his face devoid of any smile.
I loved how my name sounded coming from his mouth. Nakalimutan kong muntik na akong sumubsob sa sahig dahil hindi ko napigilan ngumiti sa harap niya.
Simula ng gabing iyon, lalong lumaki ang paghanga ko kay Clarkson. Nawili rin akong matulog sa bahay nila. Lagi akong excited tuwing sasapit ang araw ng Biyernes dahil alam kong makikita ko siya.
Hindi lingid sa kaalaman ni Chazzy na malaki ang paghanga ko sa kapatid niya, kaya't maging siya ay tinutulungan ako na mapalapit kay Clarkson.
Nang malapit na ang ika-labing-walo kong kaarawan, sinamahan ako ni Chazzy sa opisina ni Clarkson para ibigay ang imbitasyon. Sinadya ko talaga siyang puntahan para personal na sabihin na siya ang gusto kong maging escort sa debut ko.
“Papayag kaya si Clark?” Nasa elevator na kami at papunta na sa opisina ng kapatid niya.
“Oo naman. Hindi ka tatanggihan ng kuya ko,” pagpapalakas ng loob sa akin ng kaibigan ko.
Huminto ang elevator sa floor kung saan naroroon ang opisina ni Clarkson.
“Hi, Ate Laila,” bati ni Chazzy sa sekretarya ng kapatid niya.
Ngumiti siya sa amin. “Pasok na kayo.”
Bago kami umakyat, tumawag muna dito ang naka-duty sa information desk para sabihin na nandito si Chazzy, kaya alam na niya na darating ang kapatid niya. Pero hindi niya alam na kasama ako.
Hinila kaagad ako ni Chazzy papasok sa opisina ng kapatid niya.
“Kuya, I'm here!”
Nakangiti pa ako nang pumasok kami, ngunit unti-unti itong nalusaw nang makita ang tagpo sa loob ng opisina niya. Parang piniga ang puso ko nang makita ko na may magandang babae na nakaupo sa kandungan niya. Nakapulupot pa ang mga kamay ng babae sa leeg niya. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo ang nakikita ko. Pero hindi ako maaaring linlangin ng sarili kong mga mata.
“M-may bisita ka pala, Kuya.” Halata sa boses ng kaibigan ko na hindi rin niya inaasahan ang kanyang madadatnan.
Mula sa babae, lumipat ang tingin ko kay Clarkson. Bumilis ang t***k ng puso ko nang nagtagpo ang aming mga mata. Walang emosyon ang mga titig niya sa akin. Pinilit kong ngumiti sa harap niya, ngunit hindi siya gumanti ng ngiti sa akin. Sanay na ako sa kanya dahil seryoso talaga siyang tao.
Umalis ang babae sa kandungan niya. Tumayo siya, ngunit parang tinusok ng karayom ang puso ko nang hinawakan niya ang kamay ng babae at naglakad palapit sa amin.
Marahang pinisil ni Chazzy ang kamay ko na hindi pa rin niya binibitawan. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nag-aalala siya sa nararamdaman ko.
“Kasama mo pala si Thea,” he said flatly while looking at me intently.
“Oo, Kuya. May ibibi—”
“Gusto ka lang namin puntahan,” putol ko sa sasabihin ni Chazzy.
Ayokong mapahiya dahil hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nakikita ko.
Tumango-tango si Clarkson, sabay tumingin sa katabi nitong babae.
“Tutal, nandito na kayo. Gusto kong ipakilala sa inyo si Rosie.” He paused. I waited for him to speak, even though I already had a pretty good idea of what he was going to say. “My girlfriend.”
My heart shattered into a million pieces when I heard those words. Bigla akong nanghina. Kung hindi hawak ng kaibigan ko ang kamay ko, baka bumagsak na ako sa sahig.
I wanted to surprise him, but it turned out I was the one who got surprised.