THEA Nakatingin lang ako kay Clarkson at hinihintay ko siyang magpaliwanag. Pero mukhang naumid na ang dila niya dahil wala siyang ginawa kundi titigan lang ako. Hindi pa siguro maproseso ng utak niya ang sinabi ni Thomas dahil katulad ko, maging siya ay nagulat dahil hindi niya inaasahan na ibubuko siya nito. Pero maniniwala lang ako kung sa bibig mismo niya manggagaling—kung totoo o hindi ang sinabi ni Thomas tungkol sa kanya. “Totoo ba, Clark?” Basag ko na sa pananahimik niya. Napalunok siya. Parang hindi pa niya alam kung paano niya umpisahan sabihin sa akin ang totoo. Kung paano niya ipapaliwanag ang lahat. “I was forced to join the organization, baby.” He confirmed it. He was indeed a member of an organization, as was Thomas. “You remember seeing the tattoo on my chest? That

