THEA Kahit nagtataka, ngumiti ako. “Okay lang.” Tumalikod ako sa kanya at tumingin sa kalmadong dagat na natatanaw ko. “Busy lagi sa trabaho.” Pero ang totoo, wala pa talagang pumapasok na plot sa utak ko, kaya bakante pa ako ngayon. Natigilan ako ng umupo siya sa likuran ko. Naramdaman ko ang paglapat ng likod niya sa likod ko. Mayamaya lang ay ang ulo naman niya ang nilapat sa ulo ko. Mas matangkad siya, kaya parang ginawa lang niyang patungan ang ulo ko. “Hindi na dapat ako sumama,” sabi niya. “Bakit naman?” Hinintay ko siyang sumagot. Segundo na ang lumipas ay nanatili siyang tahimik. Hanggang sa namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito? “Salamat nga pala. Hindi na ako nakapagpa-salamat sa ‘yo n

