THEA Maghapon akong hindi pinatahimik nang mga sinabi sa akin ni Daddy. Kanina pa ako napapaisip kung bakit parang galit na galit siya kay Clarkson. Parang anak na ituring ni Daddy si Clarkson, lalo na't malapit silang dalawa ni Chazzy sa pamilya namin. Kung ano ang pakikitungo ng magulang nito sa amin ni Kuya Tan-Tan, ganoon din naman ang magulang ko sa kanilang dalawa ni Chazzy. Kaya nakapagtataka na parang biglang nagbago ang pakikitungo ni Daddy kay Clarkson. Ano ba ang problema niya roon sa tao? Bakit ganoon na lang siya kadesperado na ‘wag akong palapitin kay Clarkson? Ilalayo pa niya ako kapag nakipagkita pa ako kay Clarkson. Seryoso ba talaga siya? Lumingon ako sa pintuan nang marinig kong tumunog ang doorbell. Sino na naman kaya itong nambubulabog sa akin? Mayamaya lang ay

