Chapter 68 | Part 6 Lipstick And Binoculars

3181 Words

CLARK Seven years later… Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong makausap sina Mommy at Tita Theresa. Hindi ko maintindihan kung bakit pa ako nagpresenta, pero nagdadalawang-isip naman akong gawin ito. Sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip. Wala silang ideya kung gaano kahirap para sa akin ang pinapagawa nila. “Twenty-five na ang anak ko, Cass, pero wala pa ring pinapakilalang boyfriend sa akin. Baka tumandang dalaga si Althea,” daing ni Tita Theresa sa Mommy ko. Sinamahan ko si Mommy dito sa shop ni Tita Theresa. May gusto raw siyang bilhin. Kapag nagkikita pa naman silang dalawa, hindi sila nauubusan ng topic. Wala namang problema sa akin kahit magtagal pa sila, pero ang marinig na pinoproblema ni Tita Theresa, na sa edad ni Thea ay wala pa itong kasintaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD