Chapter 31 Curious

1821 Words

THEA Bigla akong natahimik pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Clarkson. Tanggap kong hindi niya ako magugustuhan, pero kailangan bang ipamukha niya sa akin iyon? Kailangan bang harap-harapan niya akong ipagtulakan sa iba? Wala siyang ideya kung gaano ako nasasaktan sa ginagawa niya. Kulang na lang ay lumubog ako sa kinauupuan ko para lang itago ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko siya tingnan ng masama, pero baka kung ano naman ang isipin ng mga kasama namin, lalo na ng kapatid ko. ‘Yong ginawa niya ng isang araw, wala lang ba iyon sa kanya? Kung hindi ko siya pinigilan, nahalikan na niya ako ng gabing iyon. Kung natuloy iyon, ipagtutulakan pa rin ba niya ako kay Aiden? Pinaglalaruan lang niya ang damdamin ko. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak niya. Naguguluhan ako sa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD