THEA “Tumigil ka nga!” sita ko sa kanya. Bahagya akong lumayo, pero pinigilan niya ako. “Hey! Nandito pa kami,” agaw na niya sa atensyon ng dalawa. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya ginawa ang sinabi na hahawakan ang kamay ko. Si Chazzy ang kumuha ng larawan sa amin ni Clarkson. Pagkatapos ng ilang shots, nagpaalam na ako sa dalawa. Sa labas ng resort ako naghintay. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Mr. Vittori na libangin si Chazzy para makapag-set up ako ng hindi nito nalalaman. Mayamaya lang ay dumaan ang sasakyan ni Clarkson at humito ito sa unahan ng sasakyan ko. Hinintay ko siyang bumaba, pero nanatili siya sa loob ng sasakyan niya. Hindi ako nakatiis ay pinadalhan ko siya ng mensahe. “Tutulong ka pa rin ba?” tukoy ko sa gagawing set-up. Hinintay ko siyang suma

