THEA Mabilis na umulap ang mata ko. Mayamaya lang ay sunod-sunod na ang pagdaloy ng luha ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ng sarili kong ama. Parang hindi ko na siya kilala ngayon. Nang makita ni Daddy na umiiyak ako, hindi nakaligtas sa mata ko ang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya. Bahagya siyang humakbang, ngunit kalaunan ay huminto rin siya at tumalikod sa akin. “K-kung nandito si Kuya Tan-Tan, hindi siya matutuwa sa ginagawa mo, Dad. A-ayokong sabihin ito, pero mabuti pala na iniwan na tayo ni Kuya. Dahil kung nandito siya, dalawa kami ang galit sa ‘yo.” Pagkatapos ko itong sabihin, umiiyak na lumabas ako ng opisina niya. Mas mabuting aware siya sa nararamdaman ko para matauhan siya sa ginagawa niya kahit imposible. Nakasunod pa rin sa akin ang mga bodygua

