"ANONG gagawin ninyo sa akin! Bitawan ninyo ako!" pagpupumiglas ni Roarke, habang nanghihingi siya ng tulong sa kaniyang mga alagad. "Kayo. Anong tinatayo-tayo ninyo riyan! Dakpin ang mga lapastangang ito!" sigaw niya sa mga kawal at alipin na nakatingin lamang sa kaniya, ngunit ni isa ay walang gustong tumulong. "Tumahimik ka diyan, tanda! Walang tutulong sa iyo!" saad ni Lorenz. "Lahat sila pagod na sa pamamahala mo, kaya sumama ka sa amin!" "Teka! Ano bang gagawin ninyo sa akin! Policarpio, tulungan mo ako!" Nang makita ni Policarpio na dinakip si Roarke ng mga Caballero ay hindi na siya umalma pa. Sa una pa lang ay heto na ang gusto ng karamihan sa kanila. Napaliwanag na rin sa kanila ni Harrison na hindi nila papatayij si Roarke, kung hindi ay itatapon lamang sa malayong lugar.

