KABANATA XXIV: PAMILYA

1729 Words
"Si Prinsesa Hera nakita namin. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam niyang may mali sa palasyo, mabuti na lang at kaagad kong naagapan 'yon," paliwanag ni Lorenz. "Pero ang kaibigan mo, hindi." Kita ang pangungulila sa mukha ni Harrison. Nais lamang sana niyang malaman kung maayos lang ang lagay ni Amara sa palasyo, nais niyang sumama ngunit ang bilin ni Ka Andoy ay huwag na, dahil baka raw kung ano pang mangyari sa kanila kapag pinagpilitan pa niya ang kaniyang gusto. "Huwag kang mag-alala, Harrison. Natitiyak kong maayos lang ang kaibigan mo sa palasyo. Kailangan lang natin tapusin ang pag-eensayo at kapag lumusob na tayo sa palasyo at tuluyan nang napatalsik si Roarke sa pagiging Hari, babalik na ang lagat sa dati," pangungumbinsi ni Victor. Ngumiti na lamang si Harrison. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam din ang tatlo sa mga ka-tribo na uuwi muna sila ng kanilang tirahan. Tiyak naman na wala ng umaaligid na kawal doon, kaya magpapahinga muna sila upang sa susunod na plano ay mas maging pulido na ang kanilang gawa. Nakausap na rin ni Harrispn si Ka Andoy. Malapit-lapit na ang kanilang pag-aaklas sa palasyp, kaya dapat raw ay mas igihan pa ni Harrison ang kaniyang pag-eensayo, dahil siya mismo ang isasalang sa araw na iyon. Habang pauwi sila, hindi pa rin mapakali si Lorenz kung ano ang gagawin ni Ka Andoy sa pinakuhang dugo sa kanila. Napansin yata ni Harry na may gumugulo sa isip ng kaibigan kaya naitanong niya ito. "May problema ba, Lorenz? tanong niya rito. Umiling si Lorenz. "Iniisip ko lang kasi kung... kung anong gagawin ni Ka Andoy sa dugong kinuha namin kay Roarke?" "Baka...ipapakulam ni Ka Andoy?" pagbibiro ni Harrison. Natawa pa siya, ngunit kunot noong napatanong si Lorenz. "Kulam? Ano iyon?" ignorante niyang tanong. Magsasalita pa sana si Harrison, ngunit tinawag na sila ni Victor. Mukhang gutom na yata ito, kaya minamadali na nila ang paglalakbay. TATLUMPUNG minuto bago sila makarating sa kanilang bahay. Kaagad nilang nilapag ang kanilang mga armas sa mesa. Si Victor ay dali-dali namangbtumungo sa mesa upang magluto ng kanilang kakainin. Magdadapit- hapon na rin, kaya imbis na mag-ensayp pa si Harrispn ay magpapahinga na lang muna sila sa ngayon. Nang makapagluto na si Victor ng kanilang pagkain at ulam, inaya na niya ang dalawa na nasa labas pa ng bahay. Inilapag na nito sa mahabang mesa na gawa sa kahoy ang kanilang pagkain at sinimulan na nilang kumain. "Pagkatapos nating kumain, magpahinga muna tayo para makakabawi tayo bukas ng ating lakas," pahayag ni Victor sa dalawa, saka naman siya sumubo ng kanin. Tuwang-tuwa si Lorenz ng marinig iyon, ngunit kaagad namang umalma si Harrison. "Pwede bang... mag-ensayo?" nahihiya niyang tanong. Kahit ang dalawa ay takang-taka sa sinabi ni Harrison. Naninibago sila sa naging sagot nito, dahil madalas ay ang Harrison na kilala nila ay isang tamad na tao pagdating sa pagsasaany, ngunit ngayon tila nagbago na yata ang ihip ng hangin. "Seryoso ka ba riyan?" tanong ni Lorenz na natigil sa paghigop ng sabaw. "Gusto mo ba?" tanong naman ni Victor. Pareho silang napatingin kay Harrispn at ngumiti lang ito saka umupo nang maayos. "Oo. Ginanahan ako sa sinabi ni Ka Andoy. Alam ko lahat ng paghihirap na ginagawa kong ito, may kapalit na maganda para sa ating lahat. Tsaka ayaw kong masayang anag paghihirap ninyo dahil lang sa kapalpakan ko." Sumilay ang ngiti sa dalawa. Hindi na rin sila nagdalawnag isip na pumayag at nang matapos na silang kumain ay su Harrison na rin ang nagligpit ng kanilang pinagkainan at pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang mag-ensayo. — Nag-aalala ang lahat at hindi mapakali habang hinihintay na magising si Roarke mula sa malalim na pagkakatulog. Ang akala ng lahat ay wala nanitongbbuhay, dahil tumigil na rin ang pagtibok ng kaniyang puso, ngunit nang sinabi ni Mudler na may tinurok lamang sa kaniya upang matigil ang kaniyang paghinga ay unti-unti namang lumuwag ang pahinga ng lahat. Naroon lamang sa gilid ng kama ni Roarke ang kaniyang anak na si Elora. Hawal ang kamay ng ama at paulit-ulit niya itong tinatawag sa kaniyang pangalan. Mabuti na lang at hindi grabe ang tinamo ni Haring Roarke, kung hindi ay hindi na alam ni Elora kung ano ang kaniyang gagawin. Minsan nang nawala ang kaniyang ama dahil sa kaniyang kapabayaan, hindi na niya ulit hahayaang mangyari iyon sa kanyang ama kaya labis ang kaniyang pag-iyak habang pinagmamasdan itong nakahimlay sa malaking higaan. ANG NAKARAAN... MADALAS isinasama ng inang si Madora ang kaniyang anak na si Elora sa palengke, kapag ito ay namimili ng kanilang ulam para sa tanghalian. Kahit makulit at laging umiiyak si Elora kapag may gusto siyang laruan, ngunit hindi mabilinng ina ay pinagtiyatiyagaan siya nito. Isang araw, galing sa pangangahoy ang amang si Roarke, kaya naman naisipan ng ina na magpunta sa Palengke upang ibili ito ng miryenda. Maayos siyang nagpaalam sa kaniyang mag-ama, iiwan muna sana niya sa Elora sa bahay ngunit nagpumilit itong sumama. Habang nag-iikot sa palengke biglang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay si Elora, upang puntahan ang mga magagarang laruan na nasa gilid. Hindi iyon napansin ng kaniyang ina, dahil abala ito sa pamimili ng miryenda. Isa pa, naging mabilis ang pangyayari kaya hanggang sa makalabas ng palengke si Madora ay hindi na nito napansin ang anak na nawawala. Bigla na lamang sumagi sa isipan niya si Elora nang may makita siyang batang babae na nakatingi sa kaniya. Naalala niya si Elora at nang mapansing wala ito sa kaniyang tabi ay dali-dali siyang bumalik sa loob upang hanapin ito. Sa kasamaang palad, wala ni isa ang tumulong kay Madora upang mahanap ang kaniyang anak. Humingi na rin siya ng tulong sa mga kawal upang mahanap ito, ngunit tila nawala na parang bula si Elora. Lingid sa alam ng karamihan at ni Elora ay may dinaramdam ang ina, kaya noong sinabi sa kaniya na wala na sa loob ng palengke si Elora ay doon sumumpong ang kaniyang sakit. Imbis na dalhin sa hospital si Madora, pinalibutan lamang siya ng mga tao. Habang si Elora naman ay abala sa pamimili ng laruang kaniyang ipapabili, bigla namang sumigaw ang tindero at nagsitakbuhan sila kung saan may nawalan ng malay. "Ano kayang nangyari doon?" tanong niya sa sarili. Isasauli na sana niya ang laruang kaniyang hawak, ngunit napaisip siya na hindi naman iyong bibilhin ng ina para sa kaniya kaya naman tinago niya iyon sa kaniyang likurang damit at nakitakbo na rin sa mga tao. Palapit nang palapit ang pwesto kung saan nawalan ng malay ang kaniyang ina. Naroon na siya sa tapat, ngunit hindi niya makita kung sino iyon. Nang buhatin lamang ng mga kawal ang katawan ni Madora ay doon lamang siya natauhan na ang kaniyang ina pala iyon. "M—mama?" tawag niya rito. Dahil sa murang kaisipan ni Elora, hindi niya inakala na iyon na ang daan sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na ina. Inilayo din siya ng kaniyang ama tungo sa mga mapanghusgang tao at nanirahan sila sa malayong lugar kung saan sila lamang dalawa ang naninirahan. Naging magaan naman ang pamumuhay nilang dalawang mag-ama, ngunit hindi naging sapat iyon nang magkasakit si Elora. Hindi alam ni Roarke ang kaniyang gagawin, at kahit anupang halamang gubat ang kaniyang ipainom kay Elora, patuloy pa ring tumataas ang temperatura nito sa araw-araw. Dumating na rin sa puntong nanghingi na ng tulong si Roarke sa kaniyang mga kakilala, ngunit bigo siya. Isang araw, naalala ni Roarke ang kaniyang matalik na kaibigang si Mudler. Hindi siya sigurado kung nakatira pa ito sa dating barung-barong, ngunit kahit gayon ay nagbaka sakali pa rin siya. Si Mudler ay kaniyang matalik na kaibigan at ama-amahan din ni Elora, siya rin ang katangi-tanging tumangap kay Roarke noong panahong walang gustong tumulong sa kaniya. Pagdating doon ni Roarke ay bigo siyang makita ang kaibigan. Ngunit sa pagdating ng isa sa mga kawal ay tila nabuhayan siya muli ng loob. "Wala na riyan si Roarke, nasa palasyo na siya at pinagsisilbihan ang Hari," saad nito. Gulong-gulo si Roarke kung bkit piniling pumasok sa palasyo ni Mudler, kaysa ang mamuhay ng mag-isa sa kagubatan. Isa pa, daan-daang kilometro din ang layo ng palasyo sa kanilang tinitirahan, baka kung ano pa ang mangyari kay Elora kapag pinagpilitan niya pang puntahan ito. "Salamat," saad na lamang ni Roarke. Ilang oras at araw na tiniis ni Roarke ang makita ang kaniyang anak na nagdurusa sa hindi maipaliwanag na sakit. Nang hindi na niya kayang makita ang anak na ganoon ay nagpasya na siyang sundan si Mudler sa palasyo at humingi nang tulong sa Hari upang maipagamot ang kaniyang anak. Kinabukasan, isinakay niya ang musmos na si Elora sa kaniyang likuran at nilagyan niya ito ng tali. "Ama, saan po tayo pupunta?" tanong ni Elora, kahit hinang-hina pa ito. "Sa Hari, anak. Hihingi tayo ng tulong at baka mapagamot ka niya. Matulog ka lang diyan ah? Paggising mo, naroon na tayo." Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Mula sa burol ay sinimulan nang lakarin ni Roarke ang papunta sa palasyo. Hindi niya alintana ang sakit ng katawan, ang bigat ni Elora pati na rin ang matingkad na sinag ng araw. Iniisip niya, pagkarating doon ay maaawa ang hari sa kanilang kalagayan at sila ay tutulungang mapagamot ang kaniyang anak. Bawat ika-dalawang oras ay nagpapahinga sila sa lilim ng puno, o kung hindi naman ay sa likod ng mga bato. Nalampasan na niya ang isang matarik na bundok kaya naman ang tandya niya ay isang daan at tatlumpung kilometro na lamang ang kaniyang lalakarin upang makarating doon. Sakto naman at nang magtanghali na ay nasa gubat sila at katapat nila iyong malinis na ilog na dumadaloy sa itaas ng bundok. Nag-igib kaagad ng inumin si Roarke habang pinapakain naman niya si Elora. "Ama, hindi pa po ba kayo kakain?" tanong ng kaniyang anak. Lumagok ng malamig na tubig si Roarke at hinilamusan ang kaniyang pawis na pawis na mukha, bago sinagot ang tanong ng anak. "Busog na si Ama. Napakarami ko nang kinain kanina habang tulog ka," pagsisinungaling nito. "Kumain ka nang kumain riyan, para pagdating natin sa palasyo at kapag nakita ka ni Haring Montgomery ay matuwa siya sa iyo. Balita ko maraming laruan ang anak niyang si Prinsesa Hera, kaya kapag magaling ka na ay maglalaro kayong dalawa." Kita naman ang ningning sa mata ni Elora habang sinasambit iyon ni Roarke. "Talaga ama? Sige ho!" aniya at mabilis na kinagat ang saging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD