HUMINGI ng tulong ang babaeng nagngangalang Angge na pinsan ni Harrison sa mga awtoridad, upang agarang madala sa hospital ang napuruhan na si Harrison. Pilit niya pa rin itong ginigising, kahit na alam na nito sa kanyang sarili na wala ng pulso si Harrison. Mabilis namang rumesponde ang mga pulis at sinakay siya sa kanilang patrol.
"Kami na ang bahala sa kanya," wika ni Lt. Alcazar kay Angge. Paulit-ulit tumanggo si Angge at napalunok pa dahil sa kaba. "Ipatawag mo na lamang ang magulang ng batang ito."
Kahit lambot na lambot pa si Angge ay pinilit niyang tumakbo. Sari-saring tingin ang pinukol sa kanya, hindi niya alam ang kanyang mararamadaman kung siya ba ay iiyak o mabibigla sa nangyari ngayon. Wala siyang ibang binibigkas kung hindi ang paulit-ulit na dasal sa pagligtas ni Harrison. Habang patakbo siyang pumunta sa bahay nina Harrison at Aling Martha, naalala niya ang kanyang bitbit na plastik, naglalaman iyon ng sinigang na lutong ulam. Alam ni Angge kung gaano kahirap ang buhay ng dalawang mag-ina kaya sana ay maisalba pa ng mga doctor si Harrison.
Pagpunta sa bahay, aligagang hinanap ni Angge si Aling Martha, dahil madalas naman siyang naroon ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay habang palinga-lingang hinahanap si Aling Martha. Parang tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita si Aling Martha na nakahiga sa kanilang maliit na papag, malimlim ang tulog at mukhang may iniinda.
Nagdadalawang isip pa siya kung gigisingin niya ang kanyang tita o hihintayin na lamang niya itong magising. Ngunit laking gulat naman ni Angge nang dahan-dahang minulat ni Aling Martha ang kanyang mata at marahang ngumiti tungo sa kanya. Hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin sa tita ang nangyari kay Harrison.
"A—Angge? Buti napadalaw ka?" Dahan-dahang umupo si Aling mArtha, kaya tinulungan niya ito. "Naku, pasensya na ha? Nakatulog ako. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, tsaka si... Harry, parating na rin sigurado," masaya niyang sabi.
Tumabi naman si Angge sa kanya at bahagyang ngumiti. "Ah tita?" Hinawakan niya ang kamay ni Aling Martha. Napansin ni Aling Martha ang kulay pulang plastik na hawak niya. "Pinapahatid po ito ni Harrison sa inyo."
Kumunot ang noo ni Aling Martha sa pagtataka at saka tinanggap ang supot. Tiningnan niya pa ito at halatang natatakam. Mukhang simula kanina au hindi pa nagkakaroon ng laman ang kanyang sikmura.
"Saan ba nagpunta si Harrison? Tsaka ang batang iyon talaga siguro malaki-laki ang kinita niya kanina kaya sinigang na bangua ang binili niya. Hayaan mo't hintayin na lang natin siya rito, para sabay-sabay na tayong kumain," masigla niyang sabi. Tumayo pa siya hawak ang plastik. "Teka lang, Angge ha? Isasalin ko muna i—" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Angge ang kanyang kamay at nagsimula nang tumulo ang kanina pa niya pinipigilang luha.
"T—tita?" Ngayon ay kitang-kita na ni Martha ang namumugtong mata ni Angge. "Tita si Harrison po..."
"A...anong nangyari sa anak ko?!"
—
PAGKARATING sa hospital ng dalawa, kaagad naman silang sinlubong ng mga pulis. Si Aling mArtha ay hindi mawala ang kaba at pag-aalala sa kaniyang mukha. Kahit hirap pa rin siyang gumlaw ay pinilit niyang tumakbo at harapin ang mga pulis na may gawa niyon sa kanyang anak.
"Anong nangyari sa anak ko?! Anong ginawa ninyo kay Harrison?!" sunod-sunod niyang tanong habang humahangos ang kanyang mabibigat na luha. Walang mukhang maiharap ang mga pulis sa kanilang dalawa, ngunit nang dumating na si Lt. Alcazar, hinarap niya si Aling Martha. Magsasalita pa sana ito, ngunit bigla namang dumating ang doctor.
"Sino po ang magulang ni Harrison?" magalang na tanong nito.
Kaagad namang sumingit si Aling Martha habang patuloy pa rin sa pg-iyak. "Ako ho. Ako ho, Doc! Ano na pong balita sa anak ko? Nagpapahinga na ba siya? Wala na ba ang bala ng baril sa kanyang katawan?" sunod-sunod niyang tanong.
Ngunit imbis na sagutin ng direkta ng doctor ang kanyang tanong, inaya nila ito sa isang room... isang room kung saan nilalagak ang mga pasyenge na wala nang buhay.
"A—anong ginagawa ng anak ko rito, Doc?! Mga patay na ang mga narito ah?!" gulat niyang tanong na mukhang hindi pa rin pumapaaok sa isip ni Aling mArtha ang ideya sa pagkawala ng kanyang anak.
"Mrs. Hindi na po namin naisalba ang buhay ng anak ninyo. Tatlong bala ang tumama sa kanyang katawan, noong dinala siya rito sa hospital, ubos na ang kanyang dugo kaya kahit malabo na siyang maisalba, ginawa namin ang lahat ngunit katawan na niya ang bumigay."
—
SA KABILANG banda, takang-taka pa rin si Harrison kung bakit wala ang kanyang ina sa kanilang bahay. Kanina pa siya naghihintay sa labas upang salubungin ang kanyang ina. Kumakalam na rin ang kaniyang sikmura sa gutom, ngunit wala pa ang kanyang ina upang sana ay magsabay na sila. Ilang minuto lang ay hindi na matiis pa ni Harrispn at pumasok na siya sa kanilang bahay, ngunit bago mangyari iyon sa kailaliman ng gabi, biglang sumulpot sa harapan niya ang napakaliwanag na ilaw.
Napapikit pa siya dahil ang sakit niyon sa mata.
"Ano ba 'tong ilaw na 'to! Bakit sa bahay pa namin tumapat!" inis niyang sabi saka iyon nilapitan.
Sa hindi inaasahang pangyayari, paglapit ni Harrison sa ilw na iyon ay bigla na lamang siyang nakapasok doon ng walang kahirap-hirap!
ISANG malawak na lupain na punong-puno ng maliliit na d**o ang nasa paligid kung saan bumagsak si Harrison. Kaagad naman niyang hinawakan ang kanyang puwetan dahil sa lakas ng pagkabagsak niya, napahiga pa siya sa damuhan, kaya nagsimula niyang maramadaman ang maliliit na damong tunutusok sa kanyang likod, napatingala din siya kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ang ganda rin ng kalangitan ngayon na mukhang natutuwa dahil nakita siya, ang malaking puno nang acacia na nasa harapan niya ngayon ang nakapagwala ng ngisi sa kanyang mukha.
"Ang gan...da," pabulong niyang sabi. Mabilis siyang umupo at nilibot ang kanyang tingin, mas lalo pa siyang namangha nang makita ang nasa harapan niya.
Nasa taas siya ngayon ng burol at kitang-kita ang daan sa gitna ng mga d**o pababa sa isang di kalayuang malaking bahay na kulay lilac at ginto. Tila napapalibutan ang bahay na iyon ng malalaking gate na gawa sa simento na kahit anong isip ang gawin ni Harrison ay walang sinuman ang makakapasok sa mala-palasyong bahay na iyon.
"Ang ganda naman dito! Saan kaya banda sa San Roque ito para madala ko rito si mama," wika niya. Dahan-dahan pa niyang iniisip kung saan banda ang lugar na ito sa kanilang baryo, ngunit nang mapatingin siya sa ibabang bahagi ng kanyang paa, nanlaki ang mata niya nang may kakaiba siyang mapansin.
"Ano 'to?! Bakit ganito ang damit ko?" Hawak niya sa kanyang damit na kulay tsokolate at may mahabang manggas, habang sa png-inaba naman niya ay mahaba at maluwag na pantalong kulay itim na pinarisan ng malaking tsinelas. Malayong-malayo iyon sa kulay puti niyang damit na suot kanina!
"Anong nangyayari sa akin?!" Tumayo siya at kinapa-kapa ang kanyang sarili. "Nananginip ba ako? Anong klase 'tong suot ko?"
Dali-dali naman siyang napalingon sa kanyang likuran nang marinig ang yabag ng mga...kabayo?!
Natulala pa siya nang makita ang tatlong taong nakasuot ng mga pang-armadong damit. Itim ang kanilang damit na may mga bakal sa gilid nito. Ang kanilang mukha rin ay nakatakip ng malaking helmet na gawa sa bakal, dahilan pra hindi maaninag ni Harrison ang kanilang mukha. Paulit-ulit pa siyang napalunok at iniisip kung ano ang gagawin niya. Magtatago pa sana siya sa likod ng puno, ngunit huli na ang lahat. Nakasakay ang tatlo sa matitikas na kabayo, kaya agad siyang napuntahan sa kanyang pwesto.
"Hoy!" sigaw ng isang kawal na nasa hulihan. Nanginginig ang paa ni Harrison at hindi makaalis sa pwesto. Dahan-dahan siyang lumingon sa mga armadong tao habang binabalot ng takot ang kanyang mukha.
"P...po?" takot na takot niyang sabi.
"Paano nakapunta dito ang alipin na 'yan Policarpio?!" tanong ng mas nauuna sa kanila.
"Hindi ko rin alam, Gregor. Tiyak pag nakita ito ni Ginoong Roarke tayo na naman ang mapagalitan," saad naman ng nasa hulihan.
Bumaba ang tatlo sa kani-kanilang mga kabayo at hinarap si Harrison, habang hindi pa rin tinatanggal ang kanilang maskara. "Ikaw bata! Paano ka napunta rito? Hindi ba dapat nasa loob ka ng palasyo?!" Pagalit na sabi ng nagngangalang Gregor. Puro lalaki pala ang mga ito at kahit sa boses lang ay mahihinuha mo na kung sino sila.
"P...palasyo?" wala pa ring ideya si Harrison kung ano ang tinutukoy nilang tatlo. "P..paano nangyari i—" hindi na natuloy ang sinasabi ni Harrison nang biglang haklitin ang braso niya nang nasa gitnang armado.
"Isama mo na 'yan sa palasyo, Monro! Mamaya tayo pa ang pagalitan sa ginagawa ng alipin na 'yan!" matalas na sabi ni Gregor.
"T..teka lang! Hindi ko alam ang pinagsasabi niny—"
"Tumahimik!" sigaw ni Policarpio. "Hindi na bebenta sa amin 'yangnmga palusot ninyong mga alipin! Bumalik na tayo sa palasyo, dahil marami pa kayong aasikasuhin doon!"
Nagtanguan naman ang tatlo at unang pinasakay ni Monro si Harrison sa kanyang kabayo. Dahil hindi mrunong sumakay si Harrison ay nahuhulog-hulog pa siya, kaya paulit-ulit siyangninaangat ni Monro. Halata mo rin ang inis sa boses nito. Makaraan naman ang ilabg segundo ay nakaupo rin nang maayos si Harrison, kaya sumunod na si Monro at nagpaalam na sa mga kasamahan.
Habang naglalakbay sila tungo sa palasyo, palinga-linga nang tingin si Harrison at halata sa kanyang mata ang pagkamangha. Hindi lang niya maipakit iyon dahil natatakot siya sa kasamang armado sa likod. Gustuhin man niyang makatakas ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang likuran ang armado. Mataas din ito ng ilang talampakan sa kanya, kaya wala siyang magawa kung hindi magpaagos sa sinasabi nila.
Lumunok pa ng ilang ulit si Harrison bago siya nakakuha ng tiyempo para magtanong.
"S—saan tayo magpupunta?" kinakabahang tanong ni Harrison.
Rinig ang mahihinang halakhak ni Policarpio sa likod. Lalo tuloy kinabahan si Harry. "Huwag mo nga akong pinagloloko. Nakalabas ka lang ng palasyo, nagka-amnesia ka na? Tsaka matanong ko nga, paano ka nakalabas? Gusto mo ba pugutan na kita ng ulo rito?" dire-diretso niyang sabi.
Kaagad umiling si Harrison dahil sa takot. "Hindi po, hindi po. Patawad." Napayuko na lang siya dahil mukhang wala naman siyang makukuhanag matinong sagot mula sa armado.
Kung titingnan sa itaas ng burol ay malapit lang ang kanilang paglalakbay, ngayon na nasa ibaba na sila ay mukhang mas pagod pa si Harrison sa kabayo na kanilang sinasakyan dahil sa layo ng kanilang byahe. Gusto pa niyang itanong kung ilang minuto pa ba ang kanila g allakbayin, ngunit baka matuluyan na siyang pugutan nang ulo ni Policarpio, kaya naman nanahimik na lang siya.
Inalala na lamang niya ang kaniyang ina na nasa bahay. Ang pagkakaalala niya, gutom na gutom na siyang hinihintay ang kanyang ina doon, ngunit nang tinamaan siya nang ailaw at akmang pupuntahan na iyon bigla naman siyang nakapasok rito. Nanlaki oa ang mata niya sa posibilidad na nangyari sa kanya.
"Hindi..." bulong siya sa sarili at paulit-ulit na umiling.
Napatigil naman siya nang biglang tumigil ang kabayo at paulit-ulit ding humangos. Kahit hampasin ng lubid ni Policarpio ay hindi ito tumitigil, kaya napagpasyahan ng armado na bumaba. Mukhang mali pa yata ang ginawang pag-iling kanina ni Harrison.
"Sa susunod na naging magulo ka sa byahe, iiwan kita rito ha, at ipapalapa sa mga ligaw na hayop!" inis na sabi ni Policarpio, tsaka niyapos ang ilong ng kabayo. Panandalian naman itong tumigil, ngunit hindi pa rin ito sumasakay at isinandal lang ang kamay sa kabayo.
"San kaya nagpunta ang dalawang 'yon? Lagi na lang nila akong iniiwan!" inis niyang sabi sa sarili.
"Ah... manong?" tawag muli ni Harrison kay Policarpio. "Pwede po ba ulit magtanong?"
Kahit mukhang inis na inis na si Policarpio sa kanya ay suminghal na lang ito. "Sige. Pero kapag walang kwenta ang tanong mo, dito mismo pupugutan kita ng ulo ha?" pagbabanta nito.
Tumango si Harrison at muling napalunok sa takot. "M...malayo pa po ba tayo? Tsaka... ano hong pangalan ng lugar na pupuntahan natin?" magalang niyang tanong at umaasang hindi mag-init ang ulonng kanyang kasama.
Natawa nang sarkastiko si Policarpio at dahan-dahang tinanggal ang kanyang maskara. Namangha naman si Harrison sa kanyang nakita, ang akala niya ay kaiba ang mga armado sa mga tao, dahil s laki ng mga ito at tindig, ngunit isa rin pala silang normal na tao. Si Policarpio ay may matapang na personalidad, mahaba ang kanyang buhok at tansya niya ay nasa edad treinta na. Matangos ang ilong, may balbas. Pati ang mata niyang bilugan na kulay tsokolate. Ngunit habang pinagmamasdan iyon ni Harrison ay tila may nahihinuha siya sa malamlam nitong pagkatao.
"Sige, sasagutin ko 'yan. Pero kailangan, sabihin mo rin sa akin kung sino ang nagpatakas sa iyo sa palasyo ha? Tsaka kung sino pa ang mga kasama mo. Baka mamaya makita kayo ni Roarke na pagala-gala sa burol, kami na naman ang sisisihin." Ngayon ay naging kalmado na ang kaninang galit na boses ni Policarpio.
Kahit hindi alam ni Harrison ang tinutukoy ni Policarpio ay tumango na lamang siya. Sa paraang uto, magkakaroon siya ng ideya kung nasaan ba talaga siya at kung anong ginagawa niya sa lugar na ito.
Napahinga na lamang nang malalim si Policarpio dahil sa kakulitan ni Harrison.
"Nasa isang daan at pitumput-tatlong kilometro pa ang layo natin sa palasyo. Kung totoong hindi mo nga maalala ang pagkatao mo, ipapaalala ko sa'yo. Ikaw ay isang alipin sa Magindale, ang lugar na ito ay tinatawag na Magindale na pinamumunuan ni Haring Montgomery at kanyang anak na si Hera. Katiwala naman si Ginoong Roarke." Bigla siyang natawa habang nagpapaliwanag, kaya napakunot ang noo ni Harrison sa pagtataka.
"Natatawa ako sa sarili ko. Malay ko bang nilolojo mo lang ako at sa huli ay lilinlangin? Bat nga pala ako magpapauto sa isang hamak na alipin?" tanong niya sa sarili.
Ngayon ay nakakuha na ng sapat na impormasyon si Harrison. Hindi lamang niya maisip kung saang lugar bnda itong Magindale na sinasabi ni Policarpio. Hindi kasi siya pamilyar sa mapa ng pilipinas, kaya kahit anong isip niya ay hindi niya alam kung saang banda na siya ng bansa o mundo. Ang alam lang kasi niyang lugar ay ang lugar ng San Roque kung saan siya pinanganak at ang tanyag na syudad na ngngangalang Maynila.
"Ako naman ang magtatanong." Bumalik sa ulirat si Harrison nang muling magtanong si Policarpio. "Oaano ka nakatakas sa palasyo? Hindi bat marami kayong ginagawa doon?!" Hindi nakaiwas si Harrison sa matatalim na tinging ipinukol sa kanya, kaya muli ay napalunok siya ng namuong laway sa kanyang bibig.
"Kasi po..." Walang ideyang pumapasok sa isip ni Harrison. Hindi niya alam kung paano niya malulusutan ang tanong ni Policarpio at paano makaligtas sa tiyak na kapahamakan.
"Kase?" pagdugtong ni Policarpio na mukhang nakukulangan sa sagot ni Harry.
"Kase..."
"Policarpio!" tawag ng isang matikas na lalaki sa di kalayuan. Sabay pa silang napalingon sa likuran nang manggaling doon ang boses. Kaagad namang sinuot ni Policarpio ang kanyang takip sa mukha at hinarap ang paparating na kasamahan.
"Maguinde!" Pagbalik naman ng tawag ni Policarpio rito. "Anong ginagawa mo rito? Mukhang hingal na hingal ka ah?" tanong niya.
"Oo. Hinahanap ko kayong tatlo nina Gregor! Parating na raw si Ginoong Roarke!" aniya.
Dali-dali namang umakyat sa kabayo si Policarpio. "Lintek talaga ang dalawang iyon! Bahala silang mapagalitan, halika na!" pag-aaya niya ay mabilis na hinampas ng lubid ang likod ng kabayo, kaya mabilis din itong tumakbo.
Nabigla naman si Harrison sa nangyari, ngunit sa kabilang banda ay nakahinga siya nang maluwag. Akala talaga niya ay katapusan na niya kanina, mabuti na lang at sumulpot ang isa pa nilang kasamahan.