ikadalawangpu't pitong kabanata:

2261 Words
Maaga akong tinawagan ni gm kasi wala daw pasok ngayon dahil nagyaya daw si Steven ng bakasyon sa Laguna isa sa resort ni Liam, kahit nagtataka ay isinawalang bahala ko nalang nabasa ko din yung text ni steven na mag ready ako ng mga damit kasi three days daw kami mag stay sa resort, kaya na excite ako nag hanap agad ako ng mga damit na pwede kong isuot, nagdala din ako ng mga panligo saka mga pang apply ko sa katawan ko, Pagtapos ko agad akong lumabas para magpaalam kela mama. Naabutan ko sila sa sala "ma, pa" bati ko, lumapit ako sa kanila at tumabi. "anak, ang laki mo na pwede ka na talagang nag asawa"sabi ni mama sakin na ikinatawa ko nalang. "nako di ako papayag na mag asawa agad yan, baby ko pa din yan" sabi naman ni papa, parang may mali anong meron sa kanila? nagtatakang tanong ko sa sarili. "hmm anak basta lagi lang kami nandito huh, talikuran ka man ng lahat nandito kaming pamilya mo handa ka ng tanggapin" sabi ni mama na may namumuong luha, bigla akong na luha sa sinabi nya "nako naman, kayo talaga nagdradrama na naman" sabat naman ni papa, kaya natawa kami ni mama. "ma, aalis pala kami ni Steven magbabaksyon three days kaming wala, ok lang po ba? " nag aalangan na tanong ko, baka kasi di nila ako payagan. "wag kang mag alala samin anak ok lang kami dito, enjoying mo lang huh hanggang masaya, masaya na din kam" sagot naman ni papa, may kakaiba talaga sa kanila eh, ano kaya. Pagkalipas lang ng ilang oras dumating na si steven nakaligo na din naman ako at nakabihis na kaya aalis nalang kami. Umalis kami sa bahay na dala ko pa din yung iniisip ko kela mama, bakit kaya? ano kayang meron? nasa ganon akong pag iisip ng hawakan ni Steven ang mga kamay ko. "hey, is anything wrong? " tanong nito, bumuga ako ng hangin. "wala naman, bakit pala nagyaya ka mag bakasyon? takang tanong ko, sinulyapan nya lang ako sabay ngiti at bumalik na ulit sa daan ang pansin. "Yun na yun ang weird?" bulong ko. Hanggang sa nakarating kami sa Laguna na magulo pa din ang isip, pagbaba namin may hotel kaming pinuntahan at surprising me nandun si Louise kumakaway samin. "hi" malawak ang pakakangiting bati nito, tumaas ang kilay ko isa pa sya weird din. "magkaroom mate tayo ok lang ba? " tanong nito sakin. "oo naman" masiglang bati ko din para kasing gusto ko ng lumusong sa tubig eh. "let's go" yaya nya sakin at hinila ako kaya nakabitaw ako kay Steven. Pumasok kami sa room namin, namangha ako dahil ang laki non at ang ganda ng view. "wow ang effort ni cous huh"sabi naman ni Louise, napangiti ako nakakatuwa Sana nandito din si Jane at Lucy nalungkot ako kasi namiss ko na din yung dalawang lokaret na yun. "girl pahinga muna tayo bago tayo mamasyal mamaya" sabi ni Louise, kaya nahiga muna kami dahil sa byahe saka sa aga ko nagising nakatulog ako. Nagising ako dahil may yumuyogyug sakin, napamulat ako ng mata at nakita ko si Louise. "hey take a bath and wear this" sabi ni Louise sakin sabay abot ng isang dress na halter dress, nagtaka naman ako bakit ayun yung binigay nya sakin na damit, kibit balikat akong pumasok sa cr para maligo at mag ayos. Pag labas ko nakita si Louise na bisi sa cellphone nya kaya umupo ako paharap sa salamin at nagsimula ng maglagay ng lipstick at powder. Nang matapos ay inaaya ko na sya lumabas. "Tara na" excited na tanong ko,six pm na mahaba pala yung tulog ko, pero sabi naman ni steven na maganda mamasyal kapag gabi na, speaking nasan kaya yung simula ng hinatid nya ko dito di na sya bumalik o text man lang wala. Nalungkot ako bisi na naman siguro yun akala ko ba bakasyon to eh bakit bising bisi sya, maktol ko sa sarili ko. "let's go ready na sila" sabi ni Louise sakin na kinahinto ko. "huh? bakit anong meron? " kunot noon tanong ko, nginitian lang ako nito at sabay na kaming lumabas sa hotel na tinutuluyan namin.Dinala nya ko sa isang parang park dito, di ko masyado maaninag kasi may kadiliman na. Iniwan ako ni Louise dito sa pinaka gitna Ewan ko sabi nya antayin ko daw sya dito at wag daw akong aalis babalik din daw sya, kaya yun no choice nakatayo ako dito na parang tanga ng bigla akong nakarinig ng isang malamyos na musika. (marry me by Jason Derulo) Habang tumutugtog isa isa din nagbubukasan ang mga ilaw Uhh-uhh-uhh, ohh-yeah, hmmm Dinig kong boxes inaaninag ko pa kung sino kasi medyo madilim pa sa pwesto nito. A hundred and five is the number that comes to my head When I think of all the years I wanna be with you Wake up every morning with you in my bed That's precisely what I plan to do Nang unti unting lumiwanag nakita ko si steven na nakasuot denim pants na tenernuhan ng long sleeve na nakatupi both side, ang pogi nya kahit simple lang ang suot nya. Unti unti syang lumapit sakin at tumibok ng mabilis ang puso ko habang papalapit sya. I'll say, will you marry me? pagkasabi nyang yun bigla syang lumuhod at unti unti ng nagliwanag ang paligid namin I swear that I will mean it nasa loob kaming dalawa ng malaking puso na pinaikutan ng mga petals. I'll say, will you marry me? uh-oh-oh, uh-oh-oh Uh-oh-oh, oh-yeah pagtapos non naglabas sya ng sing sing napatakip ako sa akong bibig. JIEUN LEE GARCIA WILL YOU MARRY ME? tanong nya sakin. Steven POV: Pagtapos kong kumanta agad akong lumuhod at nilabas ang sing sing at inalok sya, kinakabahan ako ng di sya nagsalita,ang daming pumapasok sa isip ko, nakita ko syang umiiyak at nag sabi ng "yes I will marry you Steven" sabi nya kaya bigla akong tumayo at hinalikan sya sa labi habang ang mga nakapalibot naman samin malalapit na tao ay nagpalakpakan saka nagkaroon ng firework. Hindi ko na napansin yun dahil masayang masaya ako dahil yes ang sagot nya. Maaga pa lang nag ayos na kami dito buti nalang may mga tumulong sakin para maging successful ang proposal ko. "ehem baka maubos ang labi ng anak ko hijo" natatawang sabi ni Tito kaya dun lang ako Natauhan saka binitawan ang mga labi ng soon to be my wife. "boss grabe nandito pa kami ohh" sigaw naman ni topher, kaya nagtawanan sila. "ma, pa nandito kayo" di makapaniwalang tanong ni jieun, isa isa na silang naglapitan samin. "best nandito din kami ni jessa" kaway naman ni Lucy, agad naman bumitaw sakin si jieun para yakapin ang mga ito. "nasan si Jane di nyo kasama? " takang tanong ko, umiling sila "wala sya sa Pilipinas best nasa business trip daw" sabi ni Lucy masaya na Sana kung nandito sya. "hoy bakla wag kang magdrama Jan, dapat masaya ka sayang ang effort ng fiancee mo kung malulungkot ka" basag sakin ni jessa. Tumawa nalang ako tama sya dapat di ako malungkot,kasi ito ang happy moment ko. Nilapitan ako ni mama at papa maging si jk kasama din nila. "congratulations anak dalaga ka na talaga ngayon mag aasawa ka na" naluluhang sabi ni mama niyakap ko sya. "ma, pa salamat kasi nandito kayo, sa mahalagang araw sakin" naiiyak na sabi ko din at niyakap sila. "si steven may plano nito lahat anak" sagot naman ni papa. Nilapitan ako ni steven at niyakap ko sya ng mahigpit. "thank you babe,dahil sinama mo yung mga mahahalagang tao sakin" naiiyak na sabi ko, agad naman nyang pinunasan ang luhang bumagsak galing sa mata ko. "for you babe lahat gagawin ko" nakangiting sabi nya sakin at hinalikan ako sa noo. "hooh, respeto sa mga single ohh" sigaw ni wesley "masyado ng sweet tama na yan lalanggamin na kayo" si topher naman na nakisigaw na din. "mga bitter" sigaw naman ng dalawa kong kaibigan kaya nagtawanan kaming lahat. "burn, dude burn" si liam naman. "tsk, manhid"si Louise naman kaya nagtawanan kami ulit. Ang saya lang ng ganito. " are you happy babe? "bulong sakin ni steven " so much thank you"sagot ko at niyakap sya. Kasalukuyang na kaming nasa kanya kanyang mesa ngayon ko nakita ang kabuuan ng ginawa nila grabe ang ganda ng pagkakaset up at sakto dahil tanaw na tanaw yung view para kasi kaming nasa mataas na lugar, ang ganda ng resort ni Liam bahagyang humangin kaya napayakap ako sa sarili ko, ang sarap ng hangin fresh kahit malamig. Naramdaman kong may pinatong si steven sakin, yung coat nya pinakuha nya siguro, napansin nya ata na nilamig ako, naka dress lang kasi ako. "thank you" mahinang sabi ko sapat na para madinig nya. "best natatandaan ko na sya" biglang sabi ni Lucy kaya Napa tingin kami sa kanya lahat. "O M G di ba kayo yung bandang SLAY noon na tumugtug sa FU? " nanlalaking mata na tanong ni Lucy, napatingin naman ako sa mga katabi ni Steven. Nagkunutan ang mga noo nila. "so? " taas kilay na sabi ni Liam, lihim akong napatawa kasi ang sungit din nya talaga. "spill it" si topher naman na halatang naiinip. "pabitin te" si Wesley naman, sinamaan sila ng tingin ni Lucy. "tsk, mga gwapo nga kayo mga shunga shunga naman"sabay irap, nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucy kaya nilingo ko ang apat, nakita kong mas lalong nagsalubong ang kilay nila. " best sabihin mo na mainipin yan mga yan"banta ko kay Lucy pabitin din kasi ang lokaloka eh. "duhh, di nyo gets!best sya lang naman yung lalakeng partner mo nun nasali kayo sa marriage booth noon highs school tayo" sabi ni Lucy na may kasama pang turo akala mo di nya boss kung makaturo. Nagkatinginan kami ni Steven, kaya pala pamilyar sakin yung mga titig nya. "what? "gulat na gulat na sabi ni topher at Wesley, samantalang si Liam naman ngingiti ngiti lang. " yeah tanda ko na"Liam, kami naman ni steven nakatingin lang sa isa't isa. Parehas kaming ngumiti kalaunan. "ikaw na pala talaga ang pakakasalan ko" sabi ko, tadhana nga naman. Nakita ko may dumaan lungkot sa mata ni steven, pero saglit lang bakit kaya. "totoo nga ang marriage booth na yun" nakangiting sabi nya sabay pisil sa mga kamay ko na may sing sing na. Napansin kong panay panay sulyap ni Wesley kay Lucy, ito naman lokaloka kong kaibigan makatawa wagas parang wala lang. "congratulations sir, j-lee" sabi ni gm nandito din pala sya. "thank you" sabi ko at tinaggap yung kamay nya na nakalahad. "wala na, wala na yung inspiration ko nakakainis minsan na nga lang ako makakita ng inspiration nawala pa" maktol naman ni sir zyrus na nasa likod namin na nakaupo sa sahig at may hawak na bulaklak. "tsk, halos araw araw ka nga may sinasabing may inapirasyon ka eh" bara naman ni steven dito, natawa ako dahil sa kanila. Natatakot ako na baka apaw apaw ang saya ko ngayon, baka kasunod din nito ang apaw apaw na luha ko. Iniling ko ang ulo ko sa isipin iyon. Lumapit sila tita sakin "congratulations hija soon magiging daughter na kita" excited na sabi nito sabay yakap sakin. "yes buti di mo na pinakawalan kuya, welcome to the family ate jieun" bati din ni therese at niyakap ako. "congratulations both of you" sabi lang ni Tito "thank you po" nakangiting sabi ko. Lumapit kami sa pinakagitna at nagsalita si Steven. "thank you so much to all of you and to witness this day,to all person who help me to be successful this proposal,thank you so much, I owned you guys" sabi ni Steven, nagpalakpakan naman sila. "kagaya ni steven maraming maraming salamat sa inyo lahat sa suportang binibigay nyo sa amin,sa parents namin thank you so much po" naluluhang pasasalamat ko. "Yesss party party na" sigaw na zyrus kaya nagkanya kanya na silang kain, sayawan saka inuman.Nananatili lang kami nakaupo ni steven at magkahawak kami na pinagmamasdan ang mga taong nagkakasayahan. Hanggang sa hinila kami nila Lucy at jessa kaya nakasama na kami sa kanila na nagsasayaw. Inabutan ako ng beer ni jessa ng kukunin ko na yun ay agad kinuha ni steven, napasimangot ako. "babe di ka pwedeng uminom"sabi nito "sir ang kj mo di mo pa nga asawa yan best friend ko pinagbabawalan mo na agad sige ka mag bago isip nyang" bawe walang sabi ni Lucy nakita ko naman na nagdalawang isip si Steven kung papayagan ako o hindi. "pretty please" pagpapacute ko para payagan ako, ng nakita kong bumuntong hininga sya napangiti ako. "pero wag kang papakalasing huh" bilin nya pa sakin, tumango ako at nag umpisa kami mag party. Nagpaalam na sila mama na magpapahinga na ganon din sila Tito at tita Tiffany kaya ang naiwan kami kami nalang. Nakaupo kami sa lapag kung saan maraming petals. Magkatabi si Liam at Louise, si Wesley at Lucy naman, si jessa si topher ang katabi nya at si gm naman nasa tabi ko, si Steven naman nasa likod ko nakayakap sakin. Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang isa isa sila nagtayuan, tumayo si Lucy at jessa inalalayan naman sila ni topher at Wesley. "hoy ingatan nyo yan mga best friend ko nga yare kayo sakin" sigaw ko sa kanina, di pa naman ako lasing tipsy lang. Sumunod si Louise na muntikan ng matumba pero naalalayan agad ni Liam. "good point" sabi ko sabay thumps up, nagpaalam na din si gm samin kaya ang naiwan kami nalang ni Steven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD