Muntikan na kong bumigay, my gosh jieun ang landi mo sa iba nanginginig ka kapag hinahawakan pero kapag si steven, yung tuhod mo nangangatog sa iba't ibang emosyon"sermon ko sa sarili ko, dahil sa hiya ko sa nangyare nagtulog tulugan ako bago bumalik si steven dahil di ko sya kayang harapin pagtapos kong umungol, nakakahiya ka self"naiiritang sabi ko sa sarili ko.
Nang bumalik si steven nadinig ko pa ang sinabi nya, muntikan ko ng imulat ang mga mata ko sa nadinig ko, sino kaya yung sinasabi nya?sino yung iintindi sa kanya? sunod sunod na tanong ko sa isipan ko, naramdaman ko din ang kamay nya na inaayos ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga, nakaramdam talaga ako ng antok ng haplusin naman nya ang ulo ko at halikan ako sa noo, naramdaman ko pang inayos nya ang pagkakahiga ko bago ako tuluyan nakatulog.
Nagising ako sa isang mahinang tapik sa balikat ko, pagmulat ng mata ko gwapong mukha ni steven ang bumungad sakin.
"hey, sleepy head wake up let's go home" nakangiting bungad nito sakin, sabay halik sa noo.Dahan dahan akong tumayo at nag inat inat pa.
"nakatulog pala ako" sabi ko pagtapos kong gusutin ang mga mata ko.
"yup you sleeping like a baby :-) " sabi nito sakin habang nagliligpit ng mga gamit nya.
"bakit naglaway ba ko o humilik"tarantang tanong ko sa kanya at nilapitan sya.
" silly"sabi nito sabay pitik sa noo ko, mahina lang naman. Napapout ako kasi niloloko nya na naman ako.
"stop, pouting babe i kiss you if you don't stop" pagbabanta nito sakin, inirapan ko nalang sya ng mata, pati ba naman yun papansinin nya.Bumalik ako sa sofa na pinaghigaan ko, nadinig ko pa syang tumawa kaya lalo akong sumimangot.
"mommy invites us to have a dinner with them, is it ok to you? " tanong nya sakin sabay tingin. Nanghihintay ng sagot ko, nagdalawang isip naman ako kung oo o hindi baka kasi mag away na naman sila ng daddy nya eh.
"it's ok, if you don't want to go" sabi nito ng di ako nagsalita.Nakonsensya naman ako kaya nilapitan ko sya at niyakap sa likuran.
"may sinabi ba kong ayaw ko, bilisan mo na dyan kasi gutom na ko" sabi ko sa kanya at napakagat ng labi, bigla kasi syang humarap sakin at konti nalang ang distasya ng mga mukha namin. Napapikit ako ng makita kong dahan dahan lumapit ang labi nya sa labi ko, hinalikan nya ko ng magaang halik, saglit lang yun kaya medyo nabitin ako.
"thank you babe" sabi nya, ngumiti lang ako susubukan ko ulit na matanggap ng daddy nya. Pagtapos palabas na kami ng office nakita ko si gm kasi kinuha ko yung bag ko sa table ko.
"hi sleepy head" bati nito, tinaasan ko lang sya ng kilay.
"uwe na kami, umuwe ka na din" sabi ni steven, tumango lang si gm kinawayan ko lang sya para magpaalam.
"what the-"di ko natuloy yung sasabihin ko dahil hinalikan ako bigla ni Steven.
" babe, don't swear"madiin sabi nito,
"eh kasi di mo yung itsura ko" naiinis na sabi ko sa kanya.
"why?you're still beautiful even when you just woke up" balewalang sabi nito.
"babe naman eh, haharap kaya ako sa family mo tapos ganito itsura ko" frustrated na sabi ko, at ang loko tinawanan lang ako.
Nagmamadali kong kinuha yung suklay ko sa bag, saka nag lipstick ako at powder.
Nakatingin lang naman sakin si steven habang nakangiti, kainis na lalake to tinatawanan pa ko.
"are you done" tanong nito ng makitang ok na ko, inirapan ko lang sya saka bumaba sa kotse nya, nagmamadali naman syang bumaba ng akmang mauuna na ko agad nya kong hinila at niyakap.
"hey, I'm sorry ok maganda ka naman talaga eh, that's why I like you because you are simple" sabi nito sakin kaya nawala yung inis ko sa kanya.
"hmp, bolero lika na nga baka inaantay na tayo" yaya ko sa kanya kahit sa totoo kinikilig ako sa mga sinabi nya. Ngumiti din sya at hinapit ako sa bewang.Pagpasok namin sinalubong kaagad kami o ako lang ng yakap ni tita at ni therese, natawa ako kasi nawala bigla sa tabi ko si steven kasi parehas na silang nakaangkla sa magkabilang braso ko, ng hagilapin ko si steven nakita ko na nakasimangot sya sa gilid.
"buti naman hija pumayag ka magdinner dito" sabi ni tita sakin habang ginagaya nila ako maupo sa sofa.
"yeah, ate let's bonding after dinner huh" si therese naman sa kabila,natatawa ako sa kanila ni tita yung kaba kanina na naramdaman ko biglang naglaho.
"don't worry kinausap ko na ang daddy mo hijo at di na nya uulitin yung ginawa nya last time, I'm sorry hija"paghingi nito ng paumanhin sakin. Pinisil ko ang mga kamay ni tita Tiffany.
" ok lang po yun sakin"sagot ko naman agad ngumiti si tita maging si therese.
"thank you hija you're so kind swerte ng anak ko sayo" nakangiting sabi nito.
"nahh, malas naman ni ate kay kuya" kontra ni therese sinamaan sya ng tingin ni steven,dinilaan lang sya nito kaya natawa kami ni tita Tiffany.
Tinawag na kami ng katulong para kumain hawak pa din ako ni tita Tiffany at therese si steven naman ay nanatiling nakasunod lang samin. Pagdating namin dun nandun na yung daddy ni steven nakaupo.
"have a seat" sabi nya kaya umupo na ko pati na sila tita, tumabi sakin si steven sa kabila naman si tita at therese.
"just eat hija don't mind me" seryosong sagot nito nakita nya siguro na nag aalangan akong kumilos.
"just feel at home" dugtong pa nito, Napa tingin ako isa isa sa kanila nakangiti sakin si tita Tiffany at tumango ganon din si therese, si steven naman ay pinisil ang mga kamay kong hawak nya sa ilalim ng mesa.
"thank you po"alanganin pa ko kung ano itatawag ko sa kanya.
" Tito na din hija"sabi ni tita Tiffany napansin nya siguro na nag alangan ako.
Ngumiti ako at tahimik kaming kumain pagtapos ay niyaya na ko ni tita at therese umakyat sa taas, samantalang si steven naman niyaya ni Tito sa opisina nya.
"relax hijo di namin itatakbo si jieun" natatawang sabi ni tita Tiffany nakita nya kasi yung mukha ni steven na salubong na ang mga kilay.
"may pag uusapan tayo hijo, yaan mo muna sila girls bonding ba" sabi naman ng daddy nya sabay tapik sa balikat.
Tumingin pa sya sakin na parang nagtatanong kung ok lang ako, tumango ako at nginitiin sya, bumuntong hininga nalang sya saka sumunod kay Tito sa office nito sa bahay nila. Kami naman ay umakyat sa kwarto ni therese,pinasuot nila ako ng kung ano anong damit at pinikturan ako ni therese si tita naman panay suklay sa buhok ko.
Steven POV:
Nandito ako ngayon sa office ni dad medyo naiinis ako kasi gusto ko ng umalis dito, pero ito ngayon nandito sa harapan nya.
"what is it dad" tanong ko agad pagpasok pa lang namin.
"hijo di naman masyadong halatang patay na patay ka sa girlfriend mo" natatawang turan nito, I think tanggap na nya si jieun..
"that's true dad, kaya sya lang ang gusto kong pakasalan" diniinan ko talaga ang salitan pakasalan.
"ok I get it di na kita pipilitin saka tingin ko naman mahal nyo ang isa't isa kaya di na ako against dahil three vs one ang laban lugi ako" sabi ni dad na ikinatawa namin pareho,kilala kasi namin si therese saka si mom kapag may ginusto ito nakukuha talaga, kaya takot lang ni dad na mawalan ng dalawang naggagandahan babae.
"thank you dad" sabi ko,nginitian nya lang ako sabay abot ng wine.
"nabalitaan ko yung ginawa ni Mr. Chua kay jieun, anong balak mo" seryosong tanong nito.
"bahala ang batas sa kanya dad pero di ako papayag na makalabas pa sya sa kulungan" napakuyom ako ng kamao dahil naalala ko na naman ang ginawa nito.
"ok son just tell me kung may maitutulong ako huh, and I'm sorry for being rude for jieun"napangiti ako sa sinabi ni dad alam ko naman kasi na di talaga nya gusto gawin yun.
Nang matapos kami mag usap ni dad agad akong pumunta sa kwarto ni therese, gabi na din kasi baka hinahanap na din sya ni tita at tito.Pagpasok ko nagulat ako kasi nakahiga si jieun at naka yakap sa kanya si therese, nilapitan ko sya saka dahan dahan namin tinanggal ang pagkakatanday ng mga hita ni therese kay jieun, nagtagumpay naman kami.
" napagod kakabihis sakin"natatawang sabi ni jieun sakin, tingin ko happy naman sya sa pamilya ko.
"thank you" bulong ko, kumunot naman ang noo nya.
"for what? " takang tanong nito.
"for giving happiness to my family" sabi ko at hinalikan sya sa labi ng mabilisan.
"nakakarami ka na Mr. "taas kilay na sabi nito, hahaha nakahalata na naadik talaga kasi ako sa mga labi nya eh.
"I can't stop my self not kissing you" totoong sabi ko, hinila na nya ko palabas ng kwarto ni therese.Lumabas na kami ng mansion di na kami nakapagpaalam kasi nasa kwarto na si mommy at daddy tatawagan ko nalang.
Hinatid ko lang sya sa bahay nila at umuwe na din ako sa bahay ko.
Monthsarry pala namin bukas yayayain ko na syang magpakasal gusto ko na syang makasama.
Buo na ang desisyon ko kaya agad kong tinawagan si Liam.
"hmm" sagot nito nagising siguro
"Liam san magandang resort ang pwede ng mag propose? " tanong ko dito, nadinig mo naman na may lumagabog sa kabilang linya,nahulog ba sya?
"aray ko, boss seryoso ka ba? " tanong pa nito, napataas kilay naman ako
"do i look joking? " naiiritang tanong ko.
"hindi nga boss, my bago akong biling resort sa bandang Laguna dun ayos ang view" suggestion nito.
"ok tawagan mo sila Wesley kayo na umasikaso dun, susunod ako dapat bukas ng gabi maayos na dun" paliwanag ko.
"what! as in bukas boss grabe naman pagpahingahin mo muna ako, katatapos ko lang kay Mr. Chua eh" reklamo nito.
"ok you want that, rest for life" seryosong sabi ko at pinatay ang tawag.
Maya maya nag text na sakin on the way na daw sya para sunduin yung dalawa.
Tinawagan ko din si gm at sinabi na sunduin ang parents ni jieun at dalhin dun sa laguna.
Tinawagan ko na din sila mommy para pasunudin dun, maging sila tita tinawagan ko sinabi ko na may magsusundo sa kanila isasama ko sa bakasyon.
Last tinawagan ko si Lucy na kaibigan ni jieun. Agad naman sumagot ito.
"yes hello" bati nito
"this is steven" pakilala ko, nakadinig din ako ng ingay na parang may nalaglag.
"tsk, ano bang meron bakit ganon sila magreact" tanong ko sa isipan ko.
"ye-yes sir napatawag po kayo? kandautal na tanong nito, nakuha ko sa hr ang number nya kaya natawagan ko sya.
" can you come to Laguna tomorrow, papasundo nalang kita"sabi ko
"sige sir" sagot agad nito napailing nalang ako.
"can you contact the other friends of jieun isabay mo nalang sila sa pagpunta" sabi ko ulit.
"yes sir no problem" mabilis na sagot din nito
"ok see you tomorrow" paalam ko, nadinig ko na nagtitili pa ito akala nya siguro napatay nya na.
Tumawag naman ako kay Louise para sabihin ang plano ko.
"oh my gosh, really? " di makapaniwalang tanong din nito sakin.
"yes,can you help me to find a ring? " tanong ko di ko kasi alam kung ano ang pwede kong gawin engagement ring namin.
"yeah sure I have friend have a jewelry shop,I give it to you para makausap mo sya sa design na gusto mo" sabi naman ni louise.
"ok thank you don't for get to go in Laguna tomorrow, kapag wala ka hahanapin ka ni jieun, ok" paalala ko sa kanya.
"syempre naman magdadala ako ng damit nya para bukas" excited na sabi nito.
Pinatay ko na ang tawag ng tumawag si welsey sakin.
"boss, totoo ba na mag propropose ka na kay jieun? " tanong nito na di man lang ako pinagsalita muna.
"bago yun pasasabugin ko muna yung entertainment building mo dito sa Pilipinas" seryosong sabi ko kasi di man lang muna ako pinagsalita.
"ah-he-he sorry na boss na excite lang, ano ba plano? " nauutal na sabi nito.
"kayo ng bahala basta gusto maganda" sagot ko wala kasi akong ideas.
"boss, bakit di mo kantahan? " si topher na sumigaw.
"oo nga boss mas maaapreciate yun ni jieun" sang ayun naman ni Wesley.
"ok sige, maaga nalang kami pupunta Jan at ang alam nya mamasyal lang kami kaya walang magkakamali sa inyo na mag bigay ng hint kundi lahat ng ari arian yare sakin" pagbabanta ko sa kanila.
"boss perfect to" sabay sabay na sabi ni lang tatlo, takot lang nila galawin ko mga ari arian nila.
Natapos na ko na din tawagan ang gagawa ng sing sing.
Nahiga na ko saka natulog ng may ngiti sa labi.