Mabigat ang pakiramdam ko paggising ko ngayon umaga ayoko sana pumasok Kaya lang kasi kelangan ano ni Steven Hindi pwedeng wala ako dahil mahihirapan sya, lalo na't madami syang inaasikaso.
Kahit masama ang pakiramdam ay naligo ako at nagbihis ng mabangga ko ang dibdib ko kumirot iyon Kaya Napa tingin ako sa kalendaryo.
"sh*t, Kaya pala magkakaroon na ko umpisa na naman ng kalbaryo ko" mahinang bulong ko sa sarili.
Nagdala na ko ng pads sa bag ko at aalis na nakita ko pa si mama.
"anak may sakit ka ba? " nag aalalang tanong nito. Agad akong umayos at umiling
"wala po ma, di lang ako nakatulog ng maayos"pagdadahilan ko.
" umalis na ba si papa? "tanong ko na lang din para di na sya mag isip sakin.
" maaga umalis, sige na mag iingat ka huh"paalala nito, tumango lang ako at umalis na. Nag taxi na lang ako kasi parang di ko Kaya kapag nag commute pa ko.
Nakarating ako sa opisina na medyo nawawala wala ang sakin ng puson ko, Kaya umupo muna ako.
Kinalma ko yung sarili ko para makapagtrabaho ng maayos.Bakit ba di ko naalala na dadating yung oras na toh.
Nang medyo kumalma na ko agad ako kumilos habang di pa sya umaatake,inayos ko yung table ni sir saka ako bumalik sa upuan, maya maya may tumawag.
"hello CEO office may I help you" sabi ko.
"hi Mr. arevallo wants to talk to Mr. cha can I have a appointment to him? " tanong sa kabilang linya.
"ok I call you back kapag may schedule na" sagot ko naman dito at pinatay na ang tawag.
Bigla akong napayuko dahil ayan na naman sya nag uumpisa na naman.
Napaigik ako sa sakit. Pinagpapawisan din ako Kaya tumayo ako saka kumuha ng mainit na tubig. Naglagay ako sa baso at inilagay sa puson ko.
Mayamaya kumalma sya at bumukas din ang elevator. Tumayo ako para bumati kay sir.
"Good morning sir" bati ko dito kahit ramdam ko na pinagpapawisan ako.
"are you ok miss Garcia? " takang tanong nito. Tumango lang ako, at pumasok na sa opisina nya. Sumunod ako dito kahit parang di ko kayang humakbang.
"s-sir Mr. arevallo wants to talk to you" sabi ko na nakayuko, baka kasi mapansin nya na namumutla ako.
"are you sure you ok? " tanong ulit nito, tumango lang ulit ako.
"ok give him a schedule" sagot nito pagtapos ay lumabas na sya.
Bumalik sya sa table nya at yumuko ulit, sh*t ito na nagsisimula na sya. bulong ko.
Nakatiis ako sa sakit hanggang maglunch break, Hindi na ko umalis sa table ko at Doon ko kinalma ang sarili ko, panay inom ko ng mainit na tubig para kumalma, pero lalo syang lumalala. Ganito ako kapag dadatnan na sobrang sakit nya, Kaya kapag umpisa nanatili lang ako sa bahay at nakahiga isa hanggang dalawang araw kapag nakalampas na dun umiigi igi na ang pakiramdam ko.
Habang nakayuko di ko napansin na nasa harap ko na pala si sir Steven.
"hey what happen? " napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ko sa mata nya ang pag aalala.
Steven.
Pagdating ko sa opisina nakita ko si j-lee na nayuko sa upuan ng nakita nya ko agad syang tumayo at bumati, nakita ko na namumutla sya Kaya tinanong ko kung ok lang sya , sabi naman nya ok lang Kaya pumasok na ko sa opisina sumunod sya sakin at sinabi na gusto akong makausap ni Mr. arevallo, randam ko sa boses nya na di sya ok. Hinayaan ko na lang hanggang sa lalabas na sya.
Break time na Kaya yayain ko syang sumabay sakin maglunch.
Paglabas ko nakita ko na nakayuko sya Kaya nilapitan ko sya agad at tinanong.
"ok lang ako sir" sabi nya pero namumutla na sya.
"Hindi ka ok namumutla ka, may sakit ka ba? " nag aalalang tanong ko. Ngumiti lang sya pero saglit lang dahil bigla sya ulit yumuko
"ouch" daing nya Kaya agad ko syang nalapitan, hinawakan ko ang noo nya wala naman syang lagnat pero pinagpapawisan sya ng malamig.
"hey want happen to you" natatarantang tanong ko.
"normal na sakin to sir, ayos lang talaga ako" sagot naman nito na nanghihina.
Agad ko syang kinarga
"s-sir akong ginagawa nyo? " gulat na tanong nito, di ko sya pinansin at pinasok ko sa sya office at inihiga sa sofa dun.
"stay here" maawtoridad na utos ko.
"ayos lang ako sir" sabi nito at akmang tatayo pero napahiga din at nakahawak sa bandang tyan na napangiwi pa sa sakit.
"see Hindi ka ok" sabi ko na naiirita.
Nakita ko sya na namilipit Kaya mas taranta ako.
"hey I think we should go to hospital" natatarantang sabi ko, akmang bubuhatin ko na sya ng pigilan nya ko.
"Hindi na s-sir buwan buwan nangyayari... "di nya matapos ang sasabihin nya dahil napapangiwi sya sa sakit.
" sakin to isang araw O dalawa magiging ok na din ako"dugtong nito.
"huh teka anong kelangan ko gawin? " nagtatakang tanong ko, di naman pwede na hayaan ko lang sya ng ganyan.
"may cho-colate ka ba Jan sir ka-hit ano basta chocolate" nahihirapang sabi nito.
"what do you do with chocolate? " takang tanong ko.
"sir para lu-ma-bas sya, para mawala yung sakit" nahihiyang sabi nito.
Teka ano ba yan bat ang gulo nya kausap.
"ok wait here" sabi ko na lang.
Saka nagmamadaling bumaba sumakay agad ako sa kotse para pumunta sa malapit na pharmacy. Pagbaba ko pumunta ako sa counter.
"teka ano bang sasabihin" nawawala sa sarili ng tanong ko.
"sir sa inyo po" tanong ng pharmacist
"ahh miss ano bang gamot sa babaeng namimilipit sa sakin ng tyan, tapos sabi nya kelangan daw nya ng chocolate para daw lumabas yung.. "huminto ako at inalala ang iba pang sinabi ni Jieun.
"saka buwan buwan daw nangyayare sa kanya yung? "paliwanag ko, nadinig ko naman na nagtawanan ang ibang babae na customer, Nangunot ang noo ko may Mali ba sa sinabi ko.
" sir kasi ang tawag sa sinasabi nyo ay nararanasan ng mga babae menstruation cramps ito po painumin nyo pain reliever po yan para maibsan yung sakit, ito naman po langyan nyo ng mainit na tubig at ilagay nyo sa bandang puson ng girlfriend nyo, hot compress tawag Jan, yung chocolate na sinasabi nyo di po sya advisable pero siguro ayun yung kinicrave nya"paliwanag sakin ng babaeng pharmacist.
Medyo nagulat ako sa sinabi nya.
"ganon ba talaga kasakit yung? " maang na tanong ko dito.
"nako pogi,oo sobrang hirap non, Kaya yung sinasabi ng mga lalake na nag iinarte kaming mga babae Hindi nila alam kung gano kasakit yung dinadanas namin" sabat naman ng isang may edad na babae katabi ko.
"samin kasing may mga asawa na ang gamot Jan ay labing labing" natatawang sabat naman ng isang may edad na din. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"sir magpatner kasi ayun ang solution nila sexy time sir" namumulang sabi ng pharmacist.
Ok gets ko na,sh *t napahamak pa ko dito ahh.
"sige miss limang box ng pain reliever saka yan hot compress Lima din" sagot ko nagulat naman ang babae pero agad din naman nya kong sinunod,kumuha na lang din ako ng iba't ibang brand ng chocolate.
Pagtapos binayaran ko na agad yung at umalis. Pagdating ko sa opisina ko nakita ko si j-lee na nakadapa, namumutla na sya ganon ba talaga kasakit.
Agad ko syang nilapitan pero kumuha muna ako ng mainit na tubig at naglagay sa panghotcompress. Nagdala na din ako ng tubig saka inilagay sa lamesa.
"j-lee wake up, drink your medicine" gising ko dito, tinihaya ko sya at ipinatong ko sa bandang puson nya yung hot compress.
"ahhh, ang sarap"ungol nito, bigla akong pinagpawisan dahil dun.
" please ilagay mo sa loob"sabi pa nito, nagtaas ang balahibo ko at akmang aalisin ko na dapat yung kamay ko pero pinigilan nya saka nya inangat yung damit nya sa loob. Pinasok nya yung hot compress nakasama ang kamay ko dahil nakahawak to doon.
Pagpasok agad nyan diniin sa puson nya.
"relax Steven may sakit sya wag ka ng mag isip ng kung ano ano" sabi ko sa sarili ko.
Nang nakalma na ko,ako na ang gumalaw sa hot compress pinaikot ko sa bandang puson nya at tingin ko nagiginhawahan sya.
Napangiti ako kasi nakikita ko na nawawala na ang mangungunot ng noo nya.
Epektib nga toh,napangiti ako.
Naawa ako sa kanya ng nakita ko syang namumutla kanina.
Sana kapag nararanasan nya toh nasa tabi nya ko at ako ang nag aalaga sa kanya"sabi ko sa isipan ko.
Alam ko nakatulog na sya Kaya kinarga ko sya at inilipat sa kwarto, pinasadya kong meron dito kasi minsan sa dami ng trabaho di na ko nakakauwe Kaya dito na din ano natutulog. Paglapag ko sa kanya tinitigan ko ang mukha nya, ng mapansin ko na may buhok na nakaharang banda sa pisngi nya tinanggal ko ito at nilagay sa gilid ng tenga nya. Biglang kumunot ang noo nya
"ganon ba talaga kasakit? " sabi ko sa mahinang boses.
Pinalitan ko lang ng mainit na tubig ang lagayan saka ko binalik sa bandang puson nya, unti unti naman na wala ang pangungunot sa noo nya.
Napangiti ako, tumayo ako at lumabas ng kwarto nadinig ko kasi na may tumatawag, agad ko itong nilapitan.
"yes hello" tanong ko
"hello for confirmation lang about sa meeting ni Mrs. santillan" sabi sa kabilang linya.
"ohh sorry this is Steven Cha, can you resched the meeting? " sabi ko
"ahh ok sir tawag na lang po ulit ako kung kelang available ang boss ko" sagot naman nito.
"ok thank you" pasa salamat ko, sabay patay ng tawag.
Pass four pm na pala,ihahatid ko na lang sya mamaya.
.
.
.
.
.
Jieun:
Bigla akong napabalikwas ng bangon,dahil dun napangiwi ako dahil kumirot na naman yung puson ko Kaya huminto ako ng galaw.
Maya maya ng medyo nawala na umikot yung paningin ko.
"teka nasan ako? " takang tanong ko, di ako pamilyar sa lugar.
Tumayo agad ako at lumabas ng pinto, nabungaran ko dun si Steven abala sa mga papeles nya.
"shocks nakita nya ko sa ganon sitwasyon! " sabi ko sa sarili ko habang nakasandal sa pintuan.
"nakakahiya ka jieun boss mo pa talaga nag alaga sayo" kastigo ko sa sarili ko.
Nagpakawala ako ng buntong hininga para lumabas.
"s-sir" untag ko dito paglapit ko, nag angat naman ito ng tingin.
"bakit ka tumayo, are you ok, kamusta na pakiramdam mo? " sunod sunod na tanong nito sabay lapit sakin at tinignan ako.
"ahh-m ok na ko sir pasensya na pala sa abala" paghingi ko ng paumanhin.
"hayy.. buti naman ok ka na, maupo ka na muna Jan sa sofa, pauwe na din tayo inaantay lang kitang magising para maihatid kita" sabi nito at inalalayan pa ko makaupo sa sofa. Pag upo namin may nakita ako sa Mesa ng ilang hot compress saka iba't ibang brand ng chocolates. Napa°_° mulagat ako sa nakita ko, binili nya lahat to nako talaga naman nakakahiya ka jieun "sermon ko sa sarili ko.
" sayo lahat yan kumain ka na muna, sabi sakin ng pharmacist nakakatulong din daw yung mga kinicrave na pagkain para maalis ang menstruation cramps "bale walang sabi nito habang nagliligpit ng gamit.
Samantalang ako pulang pula na yung mukha ko sa kahihiyan,kumuha na lang ako ng isang toblerone para di ako makapagsalita, di ko kasi Alam ang sasabihin ko sa kanya eh.
" let's go Gabi na din Kaya hahatid na kita"untag nito sakin. At akmang ililigpit na ang mga nasa Mesa pinigilan ko ito.
"a-ako na sir, nakakahiya masyado ko na kayo naistorbo" sabi ko dito sabay nagmamadaling ilagay sa paper bag ang mga nakakakalat.
"don't mind j-lee I'm happy dahil ako yung nasa tabi mo kanina" sabi nito sakin sabay ngiti. Binaba ko na lang ang tingin ko at nag simula ng magligpit. Nang matapos ay gamit ko naman ang kinuha ko sa table .
"ito pala mga pain reliever yan para mabawasan yung sakit" sabi nito sabay about ng paper bag din..
"sa-lamat sir" sabi ko sabay yuko.
Napangiti ako kasi dati si mama lang at sila Lucy ang nakakasama ko kapag ganito ng panahon, buti di nya ko pinabayaan kanina, carrying din pala toh boss ko,similay ang munting ngiti sa labi ko.
Pagkahatid sakin ni Steven agad akong naglinis ng katawan saka nahiga sa Kama.
Maya maya tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag txt.
Pag bukas ko lumapad ang ngiti ko sa nabasa kong text messages.
my boss:
wag mo kalimutan uminom ng gamot incase na sumakit saka yung hot compress ilagay mo lagi sa puson mo para di ka masyadong mahirapan.
sabi nya sa text, mayamaya tumunog ulit ito.
my boss:
kapag may gusto kang kainin sabihin mo sakin huh.
my boss:
wag ka ng pumasok bukas kapag di mo Kaya ok
my boss:
take care of yourself because I care *^_^*.
gud night jiuen see you :-).
sunod sunod na text nito, di ko namalayan na malapad na pala ang pagkakangiti ko.
Nakatulog ako na yakap ang cellphone ko.