Pagtapos ng nangyare sakin sa opisina, mas lalong napalagay ang loob ko kay Steven, naging komportable na kami sa isa't isa, nandyan na sabay kami maglulunch,ihahatid nya ko sa bahay, magkausap sa gabi bago matulog mga simpleng gesture nya ang lakas ng impact sakin.
Di ko masabi kung mahal ko na ba sya, basta ang alam ko may puwang na sya sa puso ko at sanay na ko na nandyan sya.
Nawala ang pag mumuni muni ko ng kumatok ang kapatid ko.
"ate nandyan na si kuya" sabi nito, biglang kumalabog ang dibdib ko.
"relax puso wag masyadong halata na excited ka" pagpakalma ko sa sarili. Inhale, exhale.
"palabas na" sigaw ko, aalis kami ngayon di ko alam kung San kami pupunta.
Paglabas ko nakita ko sya nakaupo kausap si papa at mama, napangiti ako kasi close na nya ang mga magulang ko.
"tara na" nakangiting sabi ko, ngumiti din sya pabalik sakin.
"let's go" yaya din nito.
"hiramin ko muna si jieun tita, Tito" paalam nito.
"sige hijo basta ibabalik mo sya samin huh, " nakangiting sabi ni mama.
"mag iingat kayo" bilin naman ni papa.
Humalik lang ako sa pisngi saka na kami lumabas at sumakay ng sasakyan.
Habang nasa byahe tinanong ko sya kung San talaga kami pupunta.
"you're so impatient sweetie" sabi nito na nagpamula sa pisngi ko.
"you're blushing huh! " pang aasar pa nito sakin.
"tsk, dami mo kasing alam" sabi ko na lang sabay tingin sa labas ng bintana para di nya makita yung mukha kong pulang pula na.
"hahaha" dinig ko pang tawa nito, di ko na lang sya pinansin.
.
.
.
.
steven
Maya maya nakatulog na sya, pa sulyap sulyap naman ako ng tingin sa kanya.
"ang cute nya kapag nagblubush" bulong ko sabay ngiti at tinuon na ang mga mata sa daan.Paglipas ng isang oras nakarating kami sa pupuntahan namin.
Niyugyug ko si jieun na mahimbing ang tulog.
"hey, sleepy head wake up" bahagya nyang tinapik ko ang mukha nito.
Nang magmulat ng mata si jiuen di ko napigilan halikan sya sa noo.
"we're here" sabay sabi ko, napangiti naman si jieun sa ginawa ko at bumaba na sa kotse. Namangha sya sa nakita nya nasa isang beach resort sila at ang ganda ng tanawin.
"bat tayo nandito? " takang tanong ni jiuen.
"vacation, nandito din ang mga kaibigan ko pakikilala kita" sabi ko sabay kuha ng kamay ni jieun at nagholding hands kami papunta sa mga taong nagkukumpulan.
Agad nakaramdam ng kaba si jieun habang papalapit kami, kaya pinisil ko ang mga kamay nya at nginitian sya.
Nang makalapit agad napalingon sa kanila ang mga taong nasa Lamesa.
"yown nandito na din sila" sabi ni topher na may kasamang babae.
"tagal nyo boss kanina pa kami ligong ligo"reklamo naman ni Wesley, himala ata wala syang kasama.
"where's Liam? " takang tanong ko,ito ang resort na binigay nya sakin ng matalo sila sa firing range nila.
"miss me boss" sagot ng nasa likod namin, kaya dun kami tumingin, kasama na nya si Louise na agad bumeso samin ni jieun.
"hi" bati nito
"hello sa inyong lahat" bati naman ni jieun.
"Tara na para makapag umpisa na" sabi ni Liam, saka sila nagkanya kanyang tayuan.
"let's changes" sabi ko naman kaya agad kami pumunta sa mga kwarto namin.
Ang mag kasama sa kwarto ay si jieun at Louise, kami naman ni Liam sa kabila,si topher at Wesley nagkanya kanyang kwarto kasi may mga kasamang mga babae.
Pagtapos namin magpalit ng kanya kanyang toka na kaming mga lalaki sa pagluluto at pag set up ng bon fire namin.
Habang nag iihaw ako bigla akong napatingin sa babaeng pa dating. Nakadress sya na kilay florar bumagay sa kanya habang ang buhok naman nya ay hinahangin ng hangin.
"boss matutunaw" sabi ni Liam, katabi ko sya kami kasi ang nag iihaw ng barbecue.
"totoohan na ba boss" sabi ulit nito kaya napatingin na ko sa kanya.
"what do you mean? " takang tanong ko.
"di ba sabi mo fake lang ang relasyon nyo, pero kung makatitig kayo wagas at kung makahawak kayo parang totoohan na" nakangiting sabi nito sakin. Bumalik ang tingin ko kay jieun na kausap si Louise at nagtatawanan. Bumuntong hininga din ako
"Gusto ko na nga din totohanin eh, kaso baka wala syang nararamdaman sakin" seryosong sabi ko kay Liam, ngumiti naman ito.
"boss sa nakikita ko kay jieun same lang kayo ng nararamdaman, bakit di ka na kasi magtapat ano pa ba pumipigil sayo? " tanong nito. Ano nga bang pumipigil sakin? "tanong ko din sa sarili ko.
" hindi ko din alam isa na siguro yun di ko alam kung same kami ng nararamdaman saka... "di ko natapos ang sasabihin ko ng dugtungan ito ni Liam.
" dahil na naman sa batang pinangakuan mo ng kasal? "naiiritang sabi ni Liam.
" I don't know "sabi ko nalang totoo naman na di ko na din alam eh, alam ko sa sarili ko na mahal ko na si jieun, pero may bahagi ng isip ko na ayaw pumayag dahil dun sa batang yun.
" boss, ano ka ba it been 10 years siguro naman sapat na yung paghihintay saka baka nga may pamilya na yung hinihintay mo eh"sabi naman nito na di na napigil ang inis sakin.Saka umalis sa tabi ko, naiwan naman ako na nag iisip.
Natapos na kami sa pag aasikaso ng mga pagkain namin kaya kumain na kami, pagtapos ay agad kami pumunta sa ginawa namin bonfire.
Naupo kami dun ng paikot.
"let's have a game" natutuwang sabi ni topher, sumang ayon naman kami lahat.
"thruth or dare sa pagtatapatan ng bottle huh" paliwanag nito, mukhang di ko gusto ang larong ganito ahh' sabi ko sa isipan ko.
"ok game" sabi naman nila.
Nag simula na nga mag paikot si topher may mga beer din kaming dala na incan.
Magkatabi kami ni jieun sa kabila naman nya si Louise katabi si Liam si topher naman at ang kasama nyang babae ang magkatabi, si Wesley naman katabi di ang babaeng kasama din nya mula kanina.
Sinimulan na ni topher ang paikot tumapat ito sa babaeng kasama ni Wesley.
"truth or dare? " tanong ni topher lahat kami nakatingin dito.
"Dare" sagot naman nito na malapad ang pagkakangiti.
"hmmm ok pitikin mo sa ilong si Wesley" sabi ni topher sabay tawa, sinamaan naman sya ng tingin ni Wesley.
"sorry babe" malambing na sabi naman ng babae at walang pakundangan pinitik nya bigla sa ilong si Wesley at napasigaw ito.
"sh*t, sh*t, humanda ka sakin topher makakaganti din ako" sabi nito at bumalik na sa pag kakaupo.Nagtawanan naman kami dahil namula talaga yung ilong nya.
Pinaikot na ng babae ang bote at tumapat iyon kay Liam na seryoso lang ang mukha.
"truth or dare" malanding tanong nito.
"truth" walang ganan sagot ni Liam.
"ok, do you like someone here? " seryosong tanong nito, kaya napatingin na din kami kay Liam at nag aantay ng isasagot.
"yes" walang kaabog abog na sagot nito.
Saka nya walang pasabi na pinaikot ang bote.
Bigla akong kinabahan dahil kay jieun nakatapat ito.
Liam POV:
Nang pinaikot ko na yung bote saktong huminto yun sa tapat ni jieun, napangiti ako pagkakataon ko ng malaman ang tunay nyang nararamdaman sa kaibigan namin.
"Truth or dare" seryosong tanong ko dito, nakita ko na nalunok pa ito ng sariling laway dahil sa tanong ko.
"t-truth" nauutal na sabi nito.
"Gaano mo kamahal ang kaibigan namin? " seryosong tanong ko sa kanya na di inaalis ang tingin sa mga mata nya.
Bumuntong hininga sya, bigla akong nakaramdam ng kaba, mali ata ang ginawa ko ah' sabi ko sa isipan ko, mayayare ako nito kay Steven di pa nga nya makakalimutan yung ginawa ko sa party ni Mrs Clifford eh Tapos ito na naman ako, nako ka naman talaga Liam napakapakealamero mo talaga, 'kastigo ko sa sarili ko, habang lahat kami nakatingin lang kay jieun at nag aantay sa isasagot nito.
"ito na din siguro ang oras para masabi ko to sayo" panimula nito, mas lalo akong kinabahan pano kung hindi sila parehas ng nararamdaman ni Steven talagang mapapatay ako nito. Panay ang lunok ko sa mga oras na to.
Humarap sya kay steven, ayan na maghanda ka na Liam, di ka na aabutin ng bukang liwayway'sabi ko sa isipan ko at napapikit nalang ako.
jieun:
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa tanong ni Liam sakin,
"shock pano ba ko mag uumpisa, aaminin ko na ba na mahal ko sya, pano kung hindi nya pala ako mahal,na one sided love lang pala to"tanong ko sa isipan ko.Napapikit ako siguro ito na din yung oras para malaman ko, para maiwasan kong lumalim pa kung sakaling Tama ang iniisip ko.
Bumuntong hininga ako sabay sabi
" ito na siguro ang oras para masabi ko to sayo"di ko natapos yung sasabihin ko kasi parang hindi pa ko handa na malaman ang totoo. Pero nung nakita kong nakatingin na silang lahat sakin at nag aantay ng sagot ko.
Napagdesisyunan ko na sabihin na, humarap ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin di ko inalis yung mga mata ko sa kanya at nagsalita.
"Noon una akala ko may sakit na ko sa puso, kasi kapag nakikita kita o nagkakalapit tayo halos di ako makahinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko" paunang sabi ko, nakita ko naman na bahagya syang ngumiti.
"sa mga simpleng gesture mo lang sakin, ang lakas na ng impact (malakas ka yata sa globe:-)char)di ko namamalayan nakakasanayan ko na, na tipong hinahanap hanap ko na sya" saglit akong huminto at ngumiti sa kanya. Handa na ko sa kalalabasan ng confession ko sa kanya, bahala na si Batman :-).
"Na unti unti ka ng nagkakapuwang sa puso ko,natatakot ako kasi minamahal na pala kita ng di ko namamalayan.
Natatakot ako na baka one sided lang to pero handa ko-" naputol ang sinasabi ko ng bigla ko nalang naramdaman na may nakalapat sa labi ko, tumulo ang luha ko ng mapagtanto ko na hinahalikan nya ko, kahit first time ko lang mahalikan ay kusang gumalaw ang mga labi ko,panay tulo lang ng mga luha ko hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kahit di ko alam kung bakit nya ko hinalikan.
Nang magbitaw ang mga labi namin agad nyang pinunasan ang mga luha ko.
"no, it's not one sided love jieun,because we feel the same, I love you too, I'm happy that you love me too" sabi nito sakin na nagpamaang ng mukha ko, totoo ba to mahal din nya ko, di ko namamalayan na napapangiti na pala ako, Nang akmang hahalikan nya ulit ako.
"ohh sya tama na yan isang tanong lang Dami ng sinabi" sabi ni Liam, kaya medyo nahiya ako kaya bahagyang nagtago ako kay Steven, nakakahiya ako pa talaga unang nag confess ng feeling"kagat labing bulong ko sa sarili ko.
"tsk, palibhasa walang nagmamahal sayo" sabi ni Steven.
"ouch" sabi ni Wesley
"burn, burn dude" sabi naman ni topher sabay tawa nila ni Wesley.
Sinamaan naman sila ng tingin ni Liam, napangiti na din ako, sanay naman na ko sa kanila kaso kapag si Liam medyo naiilang ako kasi masyado syang intimidating kung makatingin.
Pinaikot ko nalang yung bote saktong tumapat ito kay Louise na tahimik mula pa kanina.
"truth or dare" tanong ko sa kanya na nakangiti.
"truth" walang ganang sagot nito.
"may nagugustuhan ka ba dito? " tanong ko sa kanya na nakatitig sa mata nya.
"yes manhid lang sya kaya di nya nararamdaman-naputol ang sasabihin nya ng biglang sumigaw si Liam.
" ikaw ang mangid, hindi ako"sigaw nito, naglakihan naman ang mga mata ng mga kasama ko, samantalang ako expected ko na alam kong may something sa kanila.
"ikaw yun dahil di mo nga ako pinapansin kahit anong gawin ko dito, puro ka ibang babae, wala ka ng kwenta" sigaw naman ni Louise sabay tayo at tumakbo sa malayo.
Sasagot na sana ako ng magsalita si Steven.
"Sundan mo yun, kapag may nangyareng masama dun papatayin kita kahit kaibigan kita"madiin sabi nito sabay titig ng masama kay Liam, agad naman itong tumayo at tumakbo kung San pumunta si Louise.
" let's go girls, let's have some fun"sigaw ni topher at Wesley mga lasing na din sila nakakarami na pala sila.
Tumayo na ang mga ito at umalis, naiwan naman kaming dalawa ni Steven dito na nakaupo.
"pano mo nalaman na may something yung dalawa? " takang tanong nito sakin.
"wala naman nahalata ko lang, kasi nung tanungin si Liam kung may nagugustuhan sya dito at sumagot ng oo nagtaka ako at nag isip, kasi sino naman ang magugustuhan nya eh apat lang kami, yung mga kasama nila topher at Wesley mukhang di nya type, mas lalo naman ako dahil tingin ko may type nya yung mga kagaya ni Louise kaya yun naisip ko lang" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Tapos buti nakisama yung bote tumapat kay Louise kaya may pagkakataon ako paaminin sila, di naman pwede na ako lang ang aaminin noh, damay damay na to" sabi ko sabay tawa. Nagulat naman ako ng biglang may yumapos sa likuran ko, si Steven pala lumipat sya sa likuran ko.
"hmm, silly" sabi nito sabay siksik ng mukha sa leeg ko, uminit naman ang pisngi ko at saka nagkaroon ata ng paru paru sa tyan ko.
"thank you huh, akala ko ako lang nagmamahal satin" sabi ko sabay haplos sa mga braso nyang nakayakap sakin.
"ako nga dapat magpasalamat dahil tinulungan mo ko kay Lorraine bunos pa kasi nagkaroon ako ng magandang girlfriend na tunay at di na fake" sabi nito sabay halik sa sintido ko. Napangiti naman ako ang sarap pala sa feeling na pareho kayo ng nararamdaman.
"babe" bulong nito sa tenga ko, nag tayuan naman ang balahibo ko sa tenga dahil sa hininga nya.
"h-hmmm" na sabi ko nalang.
"pwede na kitang ipakilala sa family ko" sabi nya dahilan para mapabitiw ako sa pagkakayakap nya.
"seryoso ka ba? " di makapaniwalang tanong ko dito. Hinila nya ulit ako at niyakap.
"oo naman nabanggit naman na kita sa kanila eh, excited na nga si mommy makilala ka" sabi nito sabay pinagsalikop ang mga kamay namin dalawa.
"hmm magugustuhan kaya nila ako para sayo? " nag aalinlangan tanong ko.
"of course, mabait sila mommy don't worry back up mo ko" sabi ni Steven.
Di na ko nagsalita at nananatili lang kaming ganon ang ayos habang nakatingin sa malawak na dagat.