ikasampong kabanata:

2025 Words
Kasalukuyan akong nasa table ko dahil di pa tapos ang pangpapahirap sakin ni miss Brenda, 'hayyy'napabuntong hininga na lang ako "sis bakit ang lalim naman atah nun?" takang tanong ni shasha sakin. Ngumiti lang ako di na sya kumibo siguro kasi napansin nya na ayaw ko magsalita. "miss Garcia pinapatawag ka ni Mr. Suarez" taas kilay nitong sabi sakin. "anong meron sa inyo ni mr. Suarez" taas kilay pa din nitong tanong. Nangunot naman yung noo ko sa sinasabi nya. "ma'am" maang na tanong ko. "bakit ka nya pinapatawag? at talagang nakiusap pa sakin na payagan kita ganon ka ba ka espesyal at nagawang makiusap sakin ng secretary ni Mr. cha?" masungit nitong sabi, nagtataka naman ako. "Hindi ko din po alam ma'am, kahit ako nagtataka bakit nya ko pinapatawag?" sagot ko naman yun naman ang totoo di ko na sinabi na magkaibigan kami ni GM kasi baka lalo lang nyan kong pag initan dahil mukhang type nya ang kaibigan ko, pogi naman talaga si Gm mas naging lalake nga tong tignan ngayon kesa nun high school kami, kaya di na ko magtataka kung bakit pinagtitinginan kami ng makitang close kami sa elevator. "sige na umakyat ka na sa 13th floor naghihintay sa dun, bumalik ka agad di oras ng makikipaglandian dahil oras pa ng trabaho" sabi nito sabay talikod sakin,marahan na lang akong napabuga ng hangin at sumakay ng elevator at pinindot na ang floor kung saan ako tutungo. Nang makarating ako hinanda ko na ang kilay ko dahil masesermunan ko talaga tong lalake na toh. Pagkakita ko bisi sya sa pag tytype sa laptop nya di nya napansin na dumating ako. "ikaw lalake ka ano na naman ba ang Kelangan mo at pinatawag mo pa talaga ako kay miss Brenda" taas kilay na tanong ko sa kanya, tumingin naman sya sakin. 'aba't nakangiti pa tong loko na toh'sabi ko sa isipan ko. "may nakakatuwa ba huh Mr. Suarez" naiinis na tanong ko sa kanya. "relax please sit down" sabi lang nito sakin na nakangiti pa din. "alam mo lalo lang ako pahihirapan ni miss Brenda sa ginawa mo may cellphone naman ako bakit Hindi ka dun tumawag" naiirita ko pa din tanong sa kanya habang nakaupo na ako at nakaharap sa kanya. "sorry na j-lee sinadya ko talaga yun para in case na pumayag ka sa offer ko di na ko mahihirapan sabihin kay miss Brenda" paliwanang naman nya, tumaas yung kilay ko sa sinabi nya. "pumapayag na ba ako Mr. Suarez?" pagsusungit ko sa kanya. Napakamot naman sya sa batok nya. "kaya nga kita pinatawag dahil dun eh, ayaw mo ba talaga?" malungkot na tanong nito. Di ako kumibo kita ko sa Mata nya ang lungkot. "ok sige di na kita pipilitin siguro mag uumpisa na lang ako mag hanap sa mga nag aapply" bagsak balikat na sabi nito. "may sinabi ba ko ng ayaw ko" sagot ko sa kanya kaya napaangat sya ng tingin sakin. "what do you mean? " takang tanong nya. Tatanggapin ko na yung alok nya total hanggang sa bumalik lang naman sya eh sayang din kasi malaking tulong din sa pamilya ko ang sasahudin ko. "sige na Mr. Suarez pumapayag na ko sa gusto mo" taas kilay ko pa din sabi sa kanya. Lumawak naman ang ngiti nito. "talaga? " di pa din makapaniwalang tanong nito. Natawa naman ako sa itsura nya. "ayaw mo ba" kunwareng bawe ko. "no I'm glad tinaggap mo thank you talaga j-lee lakas ko talaga sayo" tuwang tuwa sabi nito at niyakap ako. Wala naman malisya yun Ewan ko ba gwapo naman c Gm actually perfect boyfriend na nga sya para sakin eh, kaso may hinahanap ako na Hindi ko din maintidihan kaya hanggang kaibigan lang talaga kami. "sige sasabihin ko agad kay Sir Steven para bukas makapag umpisa ka na, ka kausapin ko na din c miss Brenda" di magkamayaw na sabi nito. "hay gudluck sakin papatayin na ko ni miss Brenda sa isipan nya kapag nalaman nya toh" na sabi ko na lang totoo naman kasi na sa hr pa nga lang ako pinag iinitan na ko ngayon pa kaya na Malalaman nya na ako papalit kay Gm bi lang secretary ng CEO. "don't worry akong bahala dun sa babaeng yun" tatawa na sabi ni Gm. "sige na balik na ko, balitaan mo nalang ako" sabi ko sa kanya, tumango naman ito ng malaki ang ngiti sa labi. At bumalik na ko sa table ko. Steven Tinawagan ako ni Gm at sinabi nya sakin na may nakuha na sya na papalit sa kanya panandalian, nandito pa din ako kela mommy para kasing wala ako sa mood pumasok. "ok ikaw na muna bahala jan di kasi ako papasok" sabi ko GM. "why sir may sakit ka ba?" halata sa boses nya nag aalala sya. Napangiti ako kaya di ko din sya matanggal dahil napalapit na din ako sa kanya, bukod kasi sa mga kaibigan at pamilya ko sa kanya lang din ako nagpapakita ng emosyon. "don't worry GM I'm fine may aasikasuhin lang ako" sabi ko sa kanya. "ok sir don't worry ako na bahala dito, mag iingat po kayo" sabi pa nito at pinatay ko na ang cellphone ko ng biglang may kumatok. "sir handa na po ang breakfast pinapatawag na po kayo ni ma'am,sabi ng ka tulong namin " ok po manang sunod na ko"sagot ko at tumayo na para maligo buti may mga damit pa ko dito, nagsuot ako ng t-shirt at pantalon habang nag rubber shoes lang ako may pupunta kasi ako. Bumaba na ko at na kita ko nga si la mommy na naghihintay sakin. "morning mom, dad" bati ko sabay halik sa pingi ni mommy. "where's Therese mom" takang tanong ko, wala kasing maingay. "she left early morning for her classes" sagot ni mom sakin di na ko kumibo samantalang c dad naman tahimik lang din sabay magsalita. "Steven I have a dinner to Mr. Harris family can you join us? " tanong ni dad sakin,napaangat naman ako ng tingin. "why" takang tanong ko, bakit Kelangan kasama pa ko. "son sige na pagbigyan mo na kami ngayon lang to I promise" c mom naman, napabuntong hininga na lang ako. Tumango na lang ako para di na humaba pa yung usapan, at nag tuloy na kami sa pag Kain. Pag tapos namin kumain umalis na ko sa bahay itetext na lang dw ni mommy sakin kung San kami magdidinner 6pm pa naman yun kaya may oras pa ko para puntahan ang dapat kong puntahan. Nag drive ako papuntang Cavite may pinagawa pala ako dun na Firing range dun ako pumupunta ka pag stress ako.Tinawagan ko yung mga kaibigan ko. "come to my place" yun lang sinabi ko ng sagutin nila, di ko na sila inantay na magsalita at pinatay ko na ang tawag may gc akong ginawa para samin lang. After a minute nakarating na ko, agad akong pumasok binati ako ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. "how's here seb?" bungad ko kay Sebastian "everything is fine sir madami na tayo mga customer at madami din mga nag aapply na mga VIP" balita naman nito "that's good, prepare me one round" sabi ko dito alam na nya yun. Agad ako dumeritcho sa opisina ko, Maya Maya lang isa isang nagpasukan ang mga kaibigan ko.Isa ito sa hilig namin para na din sa safety naman dahil Hindi lang naman kami simpleng negosyante we fuc*ing billionaires hindi lang halata sa mga kasama ko dahil mga simple lang sila kung titignan. "boss stress ka noh" bungad ni topher "duhh that's not obviously topher" sarcastic na sabi ni Wesley. "bakit boss it this a problem?" seryosong tanong ni Liam. "mom and dad is planning a arrange marriage for me" walang ganan sagot ko sa kanila. Natahimik naman silang tatlo, alam kasi nila na ayoko ng arrange marriage saka alam nila na nakapangako na ko sa isang babae. "boss" untag ni topher na malawak ang pag kakangiti, bahagya naman kami nagkatinginan tatlo at nagtataka. "spill it as*hole" naiiritang sabi ni liam. "hanap tayo ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo" kumpyansang sabi ni topher na ang ngiti akala mo yun ang pinakamaganda nyang naisip.. Agad syang binatukan ni Wesley dahil mag katabi sila sa upuan. "stupid San naman tayo kukuha ng babaeng pede magpanggap" sagot naman ni Wesley, "ayy oo nga noh" kakamot kamot sa ulo na sabi ni topher. Tahimik lang kami ni Liam sa tabi hanggang sa may kumatok. "Boss ready na po yung pinapahanda nyo" sabi ni seb. "Let's go" yaya ko sa kanila at sabay sabay na kami nagtungo sa firing range. Pag dating namin nakahanda na ang iba't ibang klase ng baril. Nag kanya kanya ng kuha ang tatlo samantalang inabot naman sakin ni seb ang poborito ko na hand gun is a Springfield Armory hellcat ito talaga ang ginagamit ko minsan dala ko din ito for protection, I don't need a body guard I can fight at di din nila agad ako malalapitan dahil may nakaantabay lagi sakin incase of emergency na sa tabi tabi lang sila. Maging ang mga kaibigan ko di yan sila basta basta sanay ba kami na laging nasa panganib ang buhay dahil madami din gustong patayin ako para makuha ang kayaman ko at ng pamilya ko. Nag kanya kanya na kami ng pwesto at sabay sabay nagpaputok ng baril. Nang naubos na ang bala agad nilapit samin ang target. "naks boss walang kupas talaga" manghang sabi ni seb sa likod ko. Napangiti lang ako sabay abot ng baril sa kanya. "talo ka topher sagot mo isang Gabi namin" tatawa tawang sabi ni Liam, mukhang nagpustahan na naman sila. "duhh tignan mo nga si Wesley ang talo Hindi ako" c topher naman na ayaw pumayag. "anong ako, seb halika ka ikaw nga magdesisyon kung Sino samin tatlo ang talo" sabi naman ni Wesley, samantalang c seb naman ay di alam ang gagawin alam nya kasi na magagaling din yung tatlo kaya mahihirap sya na pumili. Bumuntong hininga ko sabay kuha ng baril ko kay seb at pinagbabaril ang target nilang tatlo, nalagyan na pala agad ni seb ng bala yung baril ko.Bigla naman nagtakbuhan kung saan yung tatlo dahil sa ginawa ko. "pareparehas kayong talo, now isa isa kayo ng ibibigay sakin" seryoso ko silang tinignan isa isa. Na tatawa naman si seb sa tatlo "boss naman di ka naman kasali eh" sabi ni Wesley sabay labas sa pinagtaguan. "oo nga alam namin magaling ka kaya di ka namin sinali" si topher naman ang lumabas. "papatayin mo ba kami boss"si Liam naman na halatang kinabahan sa ginawa ko. Lihim ano napangiti sa kanila. " I don't fuc*ing care now ano ang ibibigay nyo sakin"seryosong sabi ko pa din sa kanila. Napalunok naman ang tatlo. "sige boss sayo na yung resort ko sa Pampanga" sabi ni Liam na nakahawak pa sa batok. Tinignan ko naman yung dalawa mukhang nag iisip pa. "boss sige na 1year kang libre sa bar ko sa Makati" sabi naman ni topher. "tsk yun lang binigay mo kay boss samantalang ako resort ikaw yung lang" sabi ni Liam na di makapaniwala.Tatawa tawa naman c topher. Tinignan naman namin c Wesley. "sige boss sayo na yung isang car ko na limousine limited edition yun boss ka bibili ko lang" sabi ni wesley na taas noo pa. "tsk papupuntahin ko yung attorney ko sa bahay nyo para matransfer na sakin yun. Sabay talikod na sa kanila sumunod naman sakin c seb na tatawa tawa din. " ikaw kasi Ferrer eh papusta pusta ka pa ayan tayo tuloy ang napuruhan"kakamot kamot na sabi ni topher kay Liam, nakasunod lang sila sakin. "bakit ako ayan c Gomez sisihin mo dahil sya nag umpisa" Turo naman ni Liam kay Wesley. "tsk reklamo ka jan Mendoza samantalang 1year lang na free sa bar mo ang binigay mo samantalang kami ni Liam resort at kotse"naiiritang sabi naman ni Wesley. Tumawa lang si topher, at natahimik na sila na nakasunod lang sakin. Nag kanya kanya na kami ng uwe,it's already 5pm na babyahe pa ko kaya Sakto lang ang oras dahil nag text na si mommy sakin ng address kung saan kami magdidinner with Mr. Harris family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD