Pagpasok ko sa lobby may nakabangga akong lalake,agad akong napayuko at nag sorry.
"sorry nagmamadali lang ako" hinging paumanhin ko.
"j-lee" nagtatakang tanong ng nakabunggo ko, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya, ng tinignan ko sya hinagap ko pa sa utak ko kung magkakilala kami.
"GM Fairview university" paalala nya, agad naman ako natitig ulit sa mukha nya.
"oh my gosh GM ikaw ba yan wait anong ginagawa mo dito"tanong ko na nagtataka.
" Dito na ko nagtratrabaho pag ka graduate natin, dito na kasi ako nag OJT noon kaya dito na din ako pumasok "paliwanag naman nya.
Sya yung classmate namin sa isang subject naging kaibigan din namin sya.
" eh ikaw what are you doing here"sya naman yung nagtatakang nagtanong.
"dito din ako nagtratrabaho kakapasok ko lang 1month na" masigla kong sabi sa kanya.
"talaga nakakatuwa naman pareho pa tayo" sabi din nya at nag lakad na kami.
"si Lucy din dito sya sa 3floor sya" sabi ko bago itap ang I'd.
"tagala ikaw saan department ka" tanong nya naman sakin.
"Hr ako" ngiting sagot ko.
"wow gud luck kay miss Brenda ka pala" Tatawa tawang Turan nya sakin.
"hahaha talagang gud luck, ikaw San ka?" tanong ko naman sa kanya hanggang bumukas na yung elevator at pumasok kami, medyo pinagtitinginan kami ng mga kababaihan na nakasakay kaya medyo nagtaka ako.
"secretary ako ng CEO" bulong nya sakin, lumaki naman agad yung mata ko napaO ako.
"dito ka na di ba, sabay tayo mag lunch mamaya huh" pukaw nya sakin, kaya medyo nahiya ako.
"sige" sagot ko nalang sa kanya at bumaba na sa elevator, bahagya pa syang ngumiti sakin.
Agad ako pumunta sa Mesa ko at ginawa na ang trabaho ko.
Gm POV:
hi Gio Matthew Suarez secretary of Mr.Steven Cha. Ka batch ko sila jieun at classmates din kami sa isang subject.
Nagulat ako ng mabangga nya ko, di ko pa sigurado kaya tinanong ko pa sya.
Natawa pa ko kasi mukhang di nya ko nakilala kaya pinaalala ko pa sa kanya, buti nalang di pa nya ko nakakalimutan.
Tinanong ko lang din sya kung saan silang department nagulat din ako kasi maging si Lucy ay dito din nagtratrabaho.
Medyo nabitin yung kwentuhan namin kaya inaya ko sya mag lunch.
Nang makarating ako sa office ni sir Steven inayos ko agad yung mga na sa table nya maaga pa kasi pero mayamaya nandyan na din yun.
Bumalik ako sa table ko sa lahat ng office ni Mr. Cha ichecheck ko pa ang mga meeting nya ngayon araw. Maya Maya tumunig yung elevator which means nandyan na sya, ng makita ko sya agad akong tumayo at binati sya.
"good morning sir" bati ko, tumango lang sya sanay na ko sa kanya may pagkamasungit sya at perfection pero mabait naman sya kapag nakilala mo.
"did you find a temporary secretary?" tanong nito agad, naalala ko nga pala na maghahanap ako ng papalit muna sakin uuwe kasi ako sa probinsya dahil may sakit c mama kaya Kelangan ako dun.
"wala pa sir pero susubukan ko pong bilisan ang paghahanap" sagot ko nalang at sinabi ko sa kanya yung mga schedule nya ngayon araw di naman sya ganon busy ngayon ilang meeting lang naman ang aatenan nya.
Lumabas na ko ng office nya pag ka sabi ko ng schedule nya.
Nasa table lang ako at may inaayos na mga papel na ipapapirma kay sir.
Nang mag lunch ay bumaba agad ako sa cafeteria dun ko nalang a antayin sila jieun.
.
.
.
.
.
jieun
"jieun di ka pa maglulunch? " tanong sakin ng katabi ko lang table na si shasha naging mag kaibigan na din kami kinausap nya kasi ako kaya yun naging mag kaibigan kami.
"sunod ako" sagot ko nalang sa kanya kasi bisi pa ko sa pag type sa computer ko.
Ng magtxt c Lucy agad kong binasa.
'nandun na daw sya sa cafeteria at inaantay ako, kaya tumayo agad ako at nagmadaling bumaba naalala ko din kasi c GM na nag yaya mag lunch.
Pag dating ko ng cafeteria hinanap ko lang c Lucy di ko sya makita.
"j-lee" tawag sakin kaya napalingon ako nakita ko c GM sa ngilid ko kumakaway, agad ko syang pinuntahan.
"kanina ka pa" tanong ko
"Hindi naman kauupo ko lang din" sagot nya na nakangiti.
"wait lang huh tawagan ko lang c lucy" sabi ko naman sa kanya.
"hello best asan ka" tanong ko sa kanya pag sagot nya ng tawag ko.
"nandito best nakikita na kita" sagot nito luminga Linga ako at nakita ko nga sya na kumakaway na palapit sakin.
"hoy lukaret ka kanina pa ko gutom ang tagal mo bumaba" reklamo nito sabay upo, dun lang nya napansin na may kasama ako.
"OMG wait best may nakuha ka agad" sabi nito na Nang lalaki ang mata.
Natawa naman si GM sa kanya.
"hi Lucy GM" sabi nito at naglahad ng kamay, nakakunot naman ang noo ni Lucy.
"best classmate natin sya c Gio Matthew SUAREZ" paalala ko sa kaibigan ko.
"ikaw ba talaga yan Gio my god di kita nakilala, lalo ka kasing pomogi eh" sabi nito na kinikilig pa.
"akala ko limot nyo na ko eh, " sabi naman ni GM na nalungkot kunwari.
"duhh ikaw makakalimutan namin isa ka kaya sa nagpahirap samin ng high school" sabi ni Lucy sabay iral ng mata.
Natawa naman kami ni GM sa kanya.
"sorry huh gustong gusto ko kasi talaga kayo maging kaibigan non eh" sabi naman ni GM na kakamot kamot pa sa ulo.
"tsk oo nga dumami naman nambully samin" sabat ko naman sa usapan nila.
Ng high school kasi kami isa si GM sa heartrob ng school namin, kaya simula ng napalapit sya samin madami kami na ka away.
"sorry talaga" bakas sa mukha nya ang guilty.
Kaya di namin napigilan tumawa ni Lucy.
"hahahaha itsura mo" sabi ni Lucy.
"kayo talaga pinagtritripan nyo na ko kaka kita pa lang natin" sabi ni GM na bahagyang nakangiti.
"ano ka ba ayos lang yung kaya NGA memorable ang high school life namin dahil sayo eh" sabi ko naman.
"true saka sumikat pa kami" dugtong naman ni Lucy.
"compliment ba yan O Pina paalala nyo lang sakin yun mga nangyare sa inyo" sabi ni GM na nangingiti na din.
"order na nga tayo gutom na ko" sabi ni Lucy.
"ako libre ko na kayo pambawe sa nagawa ng mga fans ko sa inyo" sabi nito na may tanong pag mamayabang.
"sige go madami dami yun" sagot naman ni Lucy na nakangisi.
"ano sa inyo" tanong samin ni GM
"kahit ano wala kaming pili lagyan mo lang ng prutas huh" bilin ko.
"wag mo kalimutan na-" naputol yung sasabihin ni Lucy ng si GM ang nag dugtong.
"1 1/2 rice ang kanin ko" dugtong ni GM sabay tawa, napasimangot naman c Lucy natawa din ako.
"grabe ka di ka pa din nag bago lakas mo pa di kumain pero di ka tumataba" sabi ni GM
"ganon talaga kapag mga sexy" mayabang na sagot naman ni Lucy.
Napailing nalang kami ni GM at umalis na ito para bumili ng pagkain namin.Pagkabalik ni GM nalula kami dahil ang dami nyang in order.
"bakit ang dami naman" nagtataka kong tanong
"pangbawe ko nga di ba" sagot lang nito sakin.
"talagang kinareer mo huh" tuwang tuwa sabi ni Lucy.
"Tara Kain na tayo" at kumain na kami ng sabay sabay ng matapos kami nagsalita c GM.
"j-lee pwede ba humingi ng favor" biglang seryosong sabi nito, kaya napatingin naman kami sa kanya ni Lucy.
"huh ano ba yun?" takang tanong ko, bumuntong hininga sya ng Malalim halata ng problemado.
"Kelangan ko kasi umuwe ng probinsya may sakit kasi yung nanay ko walang mag aalaga sa kanya kasi nasa ibang bansa yung dalawang kapatid ko kaya ako lang aasahan nila mag alaga kay mama" malungkot na paliwanag nito samin
"ano bang magagawa ko?" dahil naawa ako sa kanya kaya nasabi ko yun, lumiwanag naman yung mukha nya parang nakahinga sya ng maluwag sa sinabi ko.
"Pwede ba ikaw muna pumalit sakin biglang secretary ni sir" deritsahan sabi nito.
"what!?ako ang gusto mong pumalit sayo" gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
"oo sana kasi alam ko naman na magaling ka eh kaya ikaw yung na isip ko, temporary lang naman babalik din naman agad ako" paliwanag nya sakin.
"teka lang huh" di pa din ako makapaniwala na ako ang gusto nyang ipalit.
"kaya mo yun j-lee kasi nakita ko yung resume mo nakailang secretary ka na din di ba, sorry kung tinignan ko huh" sabi nya naman, kaya tinignan ko sya mababakas mo sa kanya na problemado sya kaya naawa ako sa kanya, pero di ako sigurado kung papayag ako sa gusto nyang mangyare.
"teka pwede ba yung baka Hindi pumayag si ma'am Brenda sa gusto mo, kasi bago lang ako tapos secretary agad ang mapupuntahan ko" nag aalalang tanong ko sa kanya.
"don't worry ako ng bahala kay miss brenda, pwede naman yun lalo na pag CEO ang nagsabi, matatagalan pa kasi kung mahihire pa ng bago eh mahabang process pa at least ikaw dito ka na nagwowork pag balik ko balik ka na din sa department mo" mahabang paliwanag nya, di ako nakakibo ng hawakan nya ang kamay ko at kitang kita ko ang lungkot sa mata nya.
"sige na naman j-lee sayo lang kasi ako may tiwala na di mapahiya kay sir eh wag ka ng mag aalala 1week mo naman ako makakasama pa para itraining kita eh, " pakiusap nya sakin.
"teka lang huh sigurado ka ba na papayag yung CEO na si jieun ang pumalit sayo" sing it ni Lucy sa usapan namin.
"oo naman kasi may tiwala naman sakin c sir na maayos yung ipapalit ko sakin eh kaya NGA si j-lee ang naisip ko para di talaga ako mapahiya" sagot nito na nakangiti.
"pero baka Hindi ko kayanin at mapahiya ka lang GM kapag ako yung kinuha mo" nag aalinlangan kong sabi sa kanya.
"may tiwala ako sayo, mabait naman si sir may pagkamasungit lang" sabi ni GM, oo nga may pagkamasungit nga yung minsan na nya kong sinungitan, sabi ko sa isipan.
"sige na naman j-lee ikaw nalang pag asa ko" nakikiusap na sabi nito.
"pag isipan ko huh" sabi ko nalang sabay buntong hininga. Lumawak naman ang pag ngiti ni GM.
"sige salamat huh, Akin na number mo para matawagan mo ko pag nakadesisyon ka na sabi nito sakin, agad naman kami nagpalitan ng cellphone number maging kay Lucy ay kinuha na din nya.
" salamat j-lee huh promised babawe ako"sabi nito ng mukhang masaya na.
"tsk wag ka ng masyadong masaya pag isipan pa lang ni jieun" pambabara ni Lucy.
"Panira ka talaga ng moment," sabi ni GM, tinarayan lang sya ni Lucy natawa naman ako sa asal nila parang ng mga high school lang kami si Lucy talaga ang panira ng moment namin.
"sige Tara na Malalate na tayo" yaya ko sa kanila 5mins nalang kasi tapos na ang break time, kaya tumayo na kami at tumungo na sa elevator para sumakay.
Pagsakay namin kanya kanya kami ng pindot, pagkasara mayamaya lang bumukas na ito c Lucy un ang bumaba, ngumiti lang kami, sunod naman ako, ngumiti lang din ako kay GM at bumaba na.
Pagkapunta ko ng table ko agad pumasok sa isip mo yung alok sakin ni GM magandang opportunity na din yun saka malaking sahod ang secretary, kaso nga lang kapag pumayag ako baka mangyare na naman sakin yun nangyare sa mga past na pinasukan ko, nag aalalang napa isip ako.
Pero mukha naman Hindi ganon yung CEO minsan ko na syang nakausap wala naman akong nakaramdam na may pagnanasa kung tumingin sya sakin mas nakakaramdam pa nga ako ng takot kasi mukhang strikto talaga sya, pumayag kaya ako nakatulong na ko kay GM malaking tulong din sakin ang sasahudin ko biglang secretary sabi ko ulit sa isipan ko.
"miss Garcia tulala ka na naman" untag sakin ni miss Brenda kaya napatayo agad ako.
"ano po yun ma'am? " tanong ko agad.
"tapusin mo yan at linisin mo ulit tong opisina bago ka umuwe, para sulit yung binabayad sayo"utos na naman nito, di pa pasulit kung alilain nya ko Kala mo sya nagpapasahod sakin, bulong ng isipan ko.
" yes ma'am "sagot ko sa kanya na pilit ang ngiti. Kinuha ko na yung inabot nya sakin at naupo na ko.
" lagi ka nalang pinag iinitan nyan ni ma'am Brenda palibhasa kasi mas maganda ka sa kanya eh"bulong ni shasha sakin, napangiti naman ako.
"ikaw talaga mamaya marinig ka sige ka madamay ka din" panakot ko sa kanya, umirap lang ang loka-loka sabay balik sa ginagawa, natawa nalang ako at ginawa na ang mga dapat gawin.
.
.
.
.
Steven
Nagising akong masakit ang ulo ko kaya agad ako pumunta ng CR at sabay naligo ng matapos ay nagbihis agad ako pagkabihis ko umalis na ko sa bahay.
Pag dating ko sa opisina binati agad ako ng secretary ko, tango lang ang sinagot.
Pagpasok kasunod ko sya sinabi nya sakin yung schedule ko buti naman wala akong tanong meeting ngayon araw mapapahinga ako, pag sabi nya ng schedule ko tinanong ko sya kung may nahanap na sya na ipapalit sa kanya pansamantala,
"wala pa sir pero bibilisan ko po ang paghahanap" sagot nya sakin, tumango lang ako at Nang hingi ng kape sa kanya, lumabas na sya at pag balik may kape na syang dala nilapag nya sa table ko at lumabas.
Ng ilang oras ang lumipas nagpa sya akong umuwe kasi masakit talaga ang ulo ko na tapos ko naman yung dalawang mee6 na schedule ko ngayon kaya uuwe muna ako.
Lumabas ako at nakita ko si GM na busy sa computer nya.
"GM Uwe muna ako ikaw na muna bahala dito" sabi ko sa kanya
"ok sir ingat sa pag Uwe" sabi naman nito at yumuko, umalis na ko sumakay ako ng elevator sumandal ako kasi sumsakit talaga ang ulo ko.
Nang makarating ako sa parking agad ako sumakay sa kotse ko at dederitcho Sana ako sa bahay ko ng maisip ko pumunta nalang kela mommy matagal na din ako di nakaka dalaw sa kanila.
Pumasok ako sa subdivision dito sa Makati agad akong nakilala ng guard kaya pinapasok din ako.
Ng makarating sa tapat na bahay namin bumusina lang ako ng makita ng guard na nakabantay sa gate namin ang kotse ko agad nyan binuksan, pinasok ko ang kotse ko nandito c dad nakita ko yung kotse nya eh.
Pagkaparada ko agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob.
"hi mom, hi dad" bati ko sa kanila kasalukuyan silang nasa sala at humalik sa pingi ni mommy at niyakap sya, na miss ko din c mommy.
"oh himala atah nadalaw ka dito ang akala ko wala na kong anak na lalake eh" sabi ni mommy na may pagtatampo.
"I'm sorry mom masyado lang busy these past few days" sabi ko sa kanya na nakayakap, hinimas naman ni mommy yung ulo ko kaya nakaramdam ako ng antok.
"why son is there a problem? " dad asked.
"nothing dad madami dami kasi ang gusto mag franchise kaya madami akong binabasa ngayon at pinipirmahan" walang ganan sagot ko kay dad.
"son don't push your self ok think your health first ok" Sabi ni mommy na halatang nag aalala.
"yes mom" sagot ko sabay yakap ng mahigpit
"hi universe" bati ng kapatid nya ng si therese habang pababa ng hagdan.
"tsk so noisy" sabi ko kunwaring naiinis.
"OMG it's that kuya?"di makapaniwalang tanong nito at nagmamadaling tumakbo sa kuya nya.
" kuya I miss you so much"sabi nito habang nakayakap ng mahigpit.
"I don't miss you" pang aasar ko pero ang totoo miss ko na din ang pagkamaingay nya.
"I don't care basta I miss you" sagot lang nito.
"can I join" dad ask and then we hug each other.
"son dalasan mo kasi ang pagdalaw mo dito samin ok" sabi ni mom tumango lang ako.
"sir, ma'am handa na po ang dinner" sabi ng katulong kaya agad kami nagpunta sabi dinning table.
Kwentuhan lang hanggang sa nabanggit ni dad ang tungkol sa kasal.
"son Kelan mo balak mag asawa" tanong ni dad na seryoso ang mukha.
"soon dad" tangin sagot ko
"wala ka pa pinapakilala samin son" si mommy naman.
"ayaw mo ba talaga kay Loraine" tanong ni mom, napangiwi naman ako.
"mom ayoko Alam nyo naman ni ninang na parang kapatid lang ang turing ko kay Loraine di ba" naiiritang sabi ko kay mommy.
"how about the daughter of Mr. Harris?"tanong ni dad sabay tingin sakin,ito na naman sila kaya di ako nagpuounta dito dahil sa usapin na ganyan eh.
" dad I can manage my self, di pa ako handang mag asawa"tanging sagot ko nalang.
"son you're already 25 handang handa ka na" sagot ni dad sakin.
Natahimik na lang ako para di na humaba ang usapan, tumayo na ko nawalan na ko ng gana kumain.
"Mauna na ko dad, mom" paalam ko
"son dito ka ba matutulog" tanong ni mommy, tumango ako at umakyat na sa kwarto ko.Agad ako dumirecho sa cr at naligo saka nahiga sa Kama ko, nakatingin ako sa kisame, habang nag iisip.
"dapat na ba kitang Kalimutan?" tanong ko sa isipan ko.
"bakit kasi di kita mahanap, o baka naman nagkita na tayo pero di natin nakilala ang isa't isa" bulong ulit ng isipan ko.
hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag iisipin sa Batang gustong gusto kong makita at pinangako ko sa sarili ko na sya ang pakakasalan ko.