Chapter 17 Minia's POV : Sobrang excitement ang naramdaman ko nang matanaw ko na ang mall. Ngayon na lang kasi ako uli makakapasyal dahil naging busy ako sa pag-abot ng isa ko pang pangarap simula pagkabata. Dalawa lang naman kasi talaga ang pangarap ko simula noon, una ay ang maging asawa ni Harvest, pangalawa ay ang makapagpatayo ng sarili kong café. Ang isa natupad ko na, pero ang isa ay mas malabo na ata sa paningin ko na maabot ko pa iyon. "Alam ko namang sobrang excited ka na anak, pero magdahan-dahan ka naman." Nag-aalalang palala sa akin ni mommy ng kamuntikan na akong masubsob sa pagmamadaling lumabas, mabuti na nga lang at naalalayan ako ng gwapong bodyguard niya. Medyo lumayo na siya sa akin pero kusang sumunod ang mga mata ko sa kaniya, napakamaskulado at pang-boy next door

