Chapter 16

2440 Words
Chapter 16 Mica's POV : Ang pagbabalak kong pumunta sa ospital para bisitahin si Harvest ay napurnada dahil wala naman akong kasama na pupunta, kung mag-isa lang ako ay nakakailang naman kasi kay tita Luisa kung sakali. Isa pa ay grabe ang excitement ko ng malaman kong nasa Pilipinas na pala uli si tita Tanya. Nang makarating nga ako sa bahay ni Minia ay gusto ko na lang siyang sabunutan sa inis dahil nagawa niya pa akong lokohin eh halos nag-rambolan na nga kami ni Fiona sa sasakyan, nag-aaway kami dahil napakabilis niyang magmaneho at panay ang overtake. Gusto ko rin namang makarating agad sa pupuntahan namin pero hindi ko pa gustong mamatay. Ayaw niyang ako ang magmaneho dahil mas mabagal pa raw ako sa isang lola. Mas nanay pa sa nanay ko si tita Tanya kaya talagang gustong-gusto namin siya ni Fiona, kahit kasi hindi naman niya kami anak ay pinahahalagahan niya kami. Pinagsasabihan, pinapayuhan, kinukumusta, iyon bang mga bagay na kalimitang ginagawa ng magulang sa anak niya ay sa kaniya lang namin nakukuha. Masiyado kasing mahal ng magulang ko ang trabaho nila samantalang si Fiona naman ay masaya na sa mga bago nilang pamilya ang mga magulang niya. Halos hindi ko nakilala ang sarili kong boses ng makita ko na si tita Tanya, para ngang sa paningin ko ay may nakatatak na sa noo niya na forever young dahil mas bumata siyang tignan kaysa sa huling pagkakakita ko sa kaniya. Masasabi ko talagang epektibo ang mga kung ano-anong pinagpapahid ni tita sa mukha at buong katawan niya, maalaga rin naman si tita sa katawan niya at sa totoo lang ay mas maalaga pa siya sa sarili kumpara saamin nila Minia at Fiona. Grabe ang pangungulilang nararamdaman ko kaya dinamba ko na agad ng yakap si tita, muntik pa nga kaming matumba dahil sa ginawa ko eh. But she can't blame me tho, I really missed her so bad. Siya kasi ang isa sa mga pinakapaborito kong tao, napaka bait at maalaga ni tita at bagets na bagets kumilos at makisama kaya hindi namin masyadong ramdam ang malaking age gap niya sa amin. Isa pa ay malaki rin ang pasasalamat ko sa magulang ni Minia dahil sa ginawa nila para sa pamilya ko, sila kasi ang tumulong sa parents ko noong mga panahong papalubog na ang negosyo namin. Hindi sapat ang mga salita para sabihin kung gaano ako nagpapasalamat sa kanila. Nang sumulpot si Fiona sa eksena ay agad din siyang nakiyakap, pasimple pa nga kaming nagsisikuhan at nagtutulakan para mapabitaw ang isa sa amin. Gano'n namin ka-miss at kagustong masolong mayakap si tita Tanya. Pasimple komg sinilip si Minia para tignan ang reaksyon niya dahil baka mamaya ay nagseselos na pala siya, pero mukhang hindi naman dahil todo ngiti pa siya habang pinagmamasdan kami, pati nga ang mga mata niya ay nakangiti rin. Alam ko namang naiintindihan niya ang reaksyon namin ni Fiona na pareho kaming sabik sa pagmamahal ng magulang na si tita Tanya at tito Michael lang ang nakakapagbigay sa amin. Saka wala naman siyang dapat ikaselos dahil at the end of the day siya pa rin naman ang mapalad na anak and its not like maagaw or aagawin namin ang parents niya sa kaniya. Bumalik ang paningin ko kay Fiona at inirapan siya at medyo nilakasan na ang paghawi sa kaniya, kaya lang ay hindi siya natinag. Biruin mo, irapan at hawiin ba naman ako pabalik. Matapang na siya ah? "Minia." Malambing na pagtawag ni tita Tanya sa anak niya at pagkatapos no'n ay namalayan ko na lang na nag-ggroup hug na pala kami. Tinatawanan pa nga niya kami ni Fiona dahil napansin niya pala ang palihin na sakitan namin. Matapos ang ilang minutong pagyayakapan ay kusa na kaming bumitaw na apat, hindi naman namin pinag-usapan pero nagkasabay-sabay talaga. "Bakit mas bumata kang tignan ngayon tita? Anong sikreto pong mo? Nahanap mo po ba ang fountain of youth?" Pagbibiro ni Fiona na ikinahalakhak ni tita Tanya. Mababaw lang kasi talaga ang kaligayahan ni tita Tanya, kaya naman napapasaya agad namin siya sa mg simpleng biro lang. Kaya nga lagi siyang naglalaan ng oras dati para makabonding kaming tatlo dahil ayon sa kaniya ay natatanggal namin ang stress niya sa buhay. "Ganito talaga kapag nasa tamang tao ka, alagang-alaga ako ni Michael eh." Natutuwang pagmamalaki niya sa aming tatlo na abot tenga ang ngiti, kumislap pa nga ang mga mata niya nang bangitin ang pangalan ni tito. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang paghanga at paghahangad sa mga mata ni Minia at Fiona, alam ko namang iniisip ng mga iyon na sana ay matagpuan na rin nila ang tamang tao para sa kanila. Doon na kami tumambay sa outdoor patio nila at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Kaniya-kaniya kaming pagbibida kay tita Tanya ng mga naging achievements namin sa mga nakalipas na buwan at siyempre kaniya-kaniyang laglagan na rin sa mga pinaggagawang kalokohan at kagagahan kaya ayun nakatanggap kaming tatlo ng mahabang sermon at sa totoo lang natutuwa ako sa ganoon, kasi nararamdaman kong may pakialam sa'kin ang isang tao. Minia's POV : Habang sinisermunan ni mommy si ate Mica matapos naming maglaglagan ay bumaba ang tingin ko sa suot kong wristwatch, halos mahigit isang oras na lang at mag-aalasdose na ng tanghali. Mukhang napansin naman ni mommy ang ginawa ko kaya napagaya siya sa akin. "Ay, malapit na palang mananghalian." tila nagulat pang bulalas ni mommy. "Mga anak, gusto niyo bang sa labas na lang tayo kumain? Hindi na kasi ako nagpaluto ng marami kay manang dahil plano kong ayain si Minia na pumasyal sa mall, hindi naman kasi niya nabanggit na bibisita pala kayo." Naniningkit ang mga matang tumingin pa sa akin si mommy na para bang kasalanan ko pa ang bagay na iyon. Hala? "Of course tita, we'd love that. At least makakapagbonding tayong apat like we usually do." Nakangiting tugon ni ate Mica kay mommy. "Yes tita, ayos lang po iyon. Hindi rin naman po kasi kami agad nagsabi kay Minia na pupunta kami. It was actually a sudden decision." Natatawang ani pa ni Fiona at nakipag-high five pa sa pinsan niya. "Ikaw anak? What do you think? pangiti-ngiti lang diyan." tanong naman sa akin ni mommy na ikinauwang ng labi ko. Tinatanong pa ba iyon? "Siyempre naman po mommy sasama ako, grasya na ang lumalapit tatanggihan ko pa ba? Hindi ako papayag maiwan dito noh!" Natatawang tugon ko, totoo naman kasing blessing kapag si mommy ang nag-aya dahil wala siyang pakialam kahit pa i-empty ko ang credit card niya na actually ay napakalabong mangyari. "Alright, it's settled then. Maiwan ko muna kayo at mag-aayos na ako." Nang tuluyan ng mawala si mommy sa paningin namin ay hinilila ko na ang dalawa paakyat sa kwarto ko para makapag-ayos man lang din ako dahil ako lang ang nakasleep wear pa sa aming tatlo. "My God, Minia! Napakarami mong designer clothes na halatang hindi mo pa naisusuot. What the hell? Gaano kalaki na ng nagastos mo rito?" Napakibit balikat lang ako sa sinabi ni Fiona, how would I know eh si mommy naman ang bumili ng lahat ng mga iyon. Kasalukuyan kasi silang naghahanap ng susuotin ko, well they insisted at ni hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag lalo na at si Fiona pa ang nag-suggest. "Why did you ask? Gusto mo ba? Pwede ka namang kumuha diyan ng mga bet mo isuot." Natatawang bulalas ko, alam ko naman kasing wala siyang magugustuhan ni isa sa mga iyon dahil lahat ay pambabaeng-pambabae talaga. "No, thank you, I also have a lot in my own wardrobe. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa mga iyon dadagdagan ko pa ba?" Nakangiwi pa siyang umiling-iling. "Take that." Iniabot niya sa akin ang isang white fitted top at ang skinny jeans na hindi ko mahanap-hanap kapag gusto kong isuot. "Eto pa oh." Si ate Mica naman ang lumapit sa akin ngayon at iniabot ang isang beige stilletos. "Good, maliligo lang ako saglit. Hintayin niyo na lang ako sa baba or you can stay here if you want." Kibit-balikat ko silang tinalikuran at nagtungo na sa banyo para maligo. Ayaw ko pa sanang umalis sa ilalim ng shower dahil naeenjoy ko ang maligamgam na tubig kaya lang ay may lakad kami. Sa loob na ko nagbihis at bitbit ko ang sapatos ko ng lumabas ako ng banyo. Unang bumungad pa nga sa akin ay si Fiona at ate Mica na kapwa magkakrus ang braso habang nakaupong naghihintay sa kama ko. Halata nga sa mga mukha nila ang labis na pagkainip eh. "And the princess is finally done." Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang sinabing iyon ni ate Mica kaya lang ay naiilang talaga ako sa tingin nila. "Why are you looking at me like that?" Kunot-noong tanong ko habang nagsusuot na ng sapatos, kapwa kasi masama ang tingin nila sa akin. "Napakakupad mo talagang kumilos, ano ba ang ginawa mo sa loob ng banyo at napagkatagal-tagal mo?" Nakapamewang na sermon ni Fiona sa akin. Napatingin ako sa wall clock ko na nalagyan na ng bagong baterya, agad akomg napatuwid ng tayo at alanganing napapeace sign nang makitang alasdose na pala ng tanghali, ibig sabihin ay isang oras pala akong naligo sa loob. Napatingin nmn ako sa orasan ko nakita kong magaalauna na kaya nmn napapeace siggn ako sa kanilang dalwa. Kaya nmn lumabas na silang dalaw para nmn makapagayos man lang ako. Nang makababa na kaming tatlo ay nakita kong ayos na ayos na si mommy at mukhang isang modelo na rarampa sa runway sa suot niya. "Antagal niyong tatlo sa taas ah? Buti namn at bumaba na kayo." Ngiting-ngiti na bulalas ni mommy at hinintay na makalapit na kami sa kaniya. "Sorry mom." Paghingi ko ng paumanhin dahil ako naman ang salarin. Hindi na siya nagsalita pa at inakbayan na lang ako. Mica's POV : Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang kabuuan ng nakapradang sasakyan ni tita Tanya sa harap namin, it screams luxury! Malabo pa ang makabili ako ng ganoong sasakyan sa ngayon, my family is wealthy but not as wealthy as Minia's family, their family is on a completely different level. Mabuti na nga lang at kahit medyo spoiled si Minia ay hindi siya mayabang, hindi kagaya ng ibang mga anak ng business partners ng parents ko na napuno na ng hangin ang ulo. Nang makasakay na kami sa loob ay agad kong napansin ang kalungkutan sa mga mata ni Minia. Nang sundan ko ang tinititigan niya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kaniya. Iyon ang litrato niya kasama ang kuya Mark niya, wala ang dalawang ngipin niya sa harapan pero halatang-halata ang kasiyahan mga mata niya. Malayo ang edad nilang magkapatid, if I'm not mistaken nasa 15 years ang tanda nito sa kaniya? Kaya lang ay matagal na itong wala, naaksidente kasi ito pati ang bride niya sa mismong wedding night nila. Naging malaking balita iyon noon dahil matagal ding nagpaimbestiga ang pamilya Adrada, malakas ang kutob nila na sinadya ang nangyari at gawa iyon ng kalaban sa negosyo ni tito Michael, pero kahit gaano karaming pera na ang inubos nila sa kaso ay hindi pa rin nila nahanapan ng ebedensya ang kaso, masiyadong malinis tumrabaho ang gumawa kaya hanggang ngayon ay wala pa ring balita. And years after, isang trahedya na naman ang sumubok sa pamilya nila. Iyon ay ang araw na kinidnap si Minia, luckly nahanap din siya on that same day at ayon sa balita ay napatay raw ang masterminds dahil nanlaban. The weirdest thing is that hindi kumalat kung sino iyon at marami sanang nalink na mga tao kung hindi pinaalam na napatay sila. They've been through a lot, dahil nga maganda ang lipad ng negosyo nila at mayaman ay marami ang naiingit at gustong pabagsakin sila. Kaya mga hindi ko masisisi si Minia kung bakit napakasungit niya noon at takot na takot magtiwala sa iba, naalala ko nga no'n na wala siyang ibang gustong samahan maliban kay Arvy eh. Ni hindi ko na nga maalala kung paano kami naging magkaibigan at naging ganito ka-close ngayon. "Natulala ka na diyan anak? Ayos ka lang ba?" Napakislot ako sa kinauupuan ko ng marinig ang nag-aalalang tanong ni tita Tanya. "Ayos lang po ako, medyo na star struck lang lo ako sa sasakyan niyo." Kakamot-kamot sa ulong pagsisinungaling ko, alangan namang umamin ako na pinagninilay-nilayan ko ang mga trahedyang nangyari sa buhay nila. Nagdiwang ang puso ko sa pagtawag sa aking anak ni tita Tanya, ang sarap talaga sa pakiramdam lalo pa't ni minsan ay hindi ako tinawag ng ganoon ng sarili kong magulang. Lumaki kasi akong puro katulong ang kasama, sagana ako sa mga materyal na bagay pero salat sa pagmamahal ng magulang. Nag-iisang anak na nga lang nila ako pero lagi silang walang oras para sa akin. Wealthy life doesn't always necessarily mean happy life, may mga bagay na hindi kailanman maibibigay ng pera sa isang tao. "Nako tita, kaya ganiyan po iyan ay dahil iniisip na naman siguro niya kung anong design ng laruan ang papatok sa mga bata. Masyado pong workaholic 'yang si ate Mica kaya single pa rin hanggang ngayon. Pag may magtatanong pa nga lang po sa kaniya kung pwedeng manligaw, binubusted na niya agad." Napabalik ang utak ko sa kasalukuyan ng marinig ang nang-aasar na halakhak ni Fiona. Gosh, nalutang na naman pala ako! "Ha? Ba't naman anak? Sayang ang ganda mo." Tila hinihele ako ng malumanay at malambing na tinig ni tita Tanya. "Nako tita, wala pa po sa isio ko ang magmahal ulit. Ang unica ija niyo po ang usisain niyo, baka may buhay pag-ibig na po pala 'yan." Natatawang pag-lilipat ko ng atensiyon kay Minia, ayoko na kasing maungkat pa ang masalimuot kong love life ngayon at baka mawala pa ko sa mood. Napakasama na ng tingin niya sa akin pero hindi ko na pinansin pa iyon at sumandal na lang sa kinauupuan ko. "Shut up ate Mica, alam naman natin pare-pareho na wala ako no'n. Saka if ever na meron ay hindi ko naman ililihim sa parents ko dahil hindi naman na ako teenager para magalit sila sa'kin." She defended herself fearlessly. Sabagay totoo naman kasi iyon, pero kung hindi siya natatakot ay bakit hindi niya masabi sa kanila na inlove siya kay Harvest? Kung wala lang ako sa hulog ay baka ilaglag ko siya ngayon mismo eh, but seriously anong karapatan kong pangunahan siya? I won't do that to a friend. "Alright let's stop talking about love life already, namiss ko tuloy bigla ang asawa ko. Isa pa ay malapit na tayo." Sabay-sabay kaming napatango at natahimik na lang habang bumabyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD