Chapter 56 Mica's POV : What does he want from her? Ano ba ang problema ng lalaking to at sunod ng sunod kay Minia? Akala niya ba ay hindi ako nakakahalata sa kaniya? "What do you want from her? Bakit lagi kang nakasunod sa kaniya? Subukan mong sabihin na coincidence lang 'yon at hindi ako magdadalawang isip isampal sa pagmumukha mo ang suot kong stilettos ngayon," naniningkit ang mga matang pagbabanta ko sa kaniya at talagang hinubad pa ang sapatos ko para mas nakakatakot ako tingnan. "I want her back," walang pag-aalinlangan niyang tugon dahilan para mabitawan ko ang hawak-hawak kong sapatos. What the hell? Napatikhim ako sa sinabi niya at muling pinatapang ang itsura ko na para bang hindi ako nagulat sa isiniwalat niya kanina. Teka ano raw? He want her back? Gago ba siya? Mabilis

