Chapter 55 Minia's POV : My eyes started to water seeing these, they were one of my most cherished and beautiful memories. Ito yung mga panahon na ang saya-saya ko pa, yung mga panahon kung saan wala akong ibang pinoproblema at iniisip kundi ang kung ano ang kung ano ba ang magandang laruin o kung ano ba ang masarap na miryenda. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumalikod na pero nagulat lang ako dahil pagpihit ko paharap ay bumungad sa akin si tita Luisa na para bang tinatansya ang naging reaksyon ko. Sa itsura niya ngayon ay parang kanina pa niya ako pinapanood eh. "He's been keeping those since he met you. I mean noong una ay ako ang nagpapadevelop at naglalagay sa frame hanggang sa namalayan ko na lang na siya na ang kusang gumagawa no'n. It became a habit for him pero hindi naman ma

