Chapter 7
Minia's POV :
Tiniis ko ang sarili ko, pilit kong nilabanan ang kagustuhan kong manatili sa ospital kahit pa hindi ko naman gusto doon. Mahirap at masakit na para sa'kin ang makita siya sa ganoong lagay, pero mas mahirap lalo ang iwanan siya lalo pa't hindi ko pa naman nakitang nagmulat siya. Kahit pa sabihin ng doctor na stable na ang lagay niya ay hindi ko pa rin maialis sa akin ang pag-aalala sa kaniya.
Kaya para naman makampante ako ay bahagya kong binilisan ang pagmamaneho para makarating agad sa may kaliitan ngunit sariling bahay ko, malas nga at may kalayuan ang lokasyon no'n sa ospital kung saan dinala si Harvest.
I pursed my lips when a saw a familiar black sports car parked in front of my gate. Ilang beses na akong nakasakay do'n kaya kilalang-kilala ko na ang may-ari no'n, kaya naiinis man ay hindi ko mapigilan ang excitement ko nang iparada ko ang sasakyan sa likod no'n.
Napanguso ako ng masilip ang sarili ko sa rear view mirror, mukha akong haggard at miserable! Ipinusod ko muna ang magulo kong buhok, naglagay ng kaunting polbos at nag-ispray ng pabango bago tuluyang lumabas ng sasakyan ko, kahit pa sabihing si Arvy lang naman 'yan ay nakakahiyang harapin ng gano'n ang itsura ko.
Napangisi ako ng makita siya sa tapat mismo ng gate ko, katabi ng sasakyan niya. Para siyang palaka sa paraan ng pag-upo niya, nakapit pa ang loko na mukhang nakatulog na. Ako ang nangangalay sa posisyon niyang 'yun eh.
Tinitigan ko lang siya ng makalapit na ako sa gawi niya ng hindi niya napapansin, mukha siyang pagod at antok na atok pa. Napapitlag ako nang mag-angat siya ng tingin, pupungay-pungay pa ang namumula na niyang mga mata. Ilang saglit pa siyang nakatulala lang, mukhang inaantok pa. Hindi na ko nakataiis pa at mabilis siyang dinambahan ng yakap bagay na ikinabagsak naming dalawa sa sahig.
"Grabe ka Arvy, ba't ngayon ka lamg nagpakita sa'kin ha?" Naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaniya, "araw-araw akong naghihintay ng text at tawag mula sayong siraulo ka." Nakangusong sambit ko na mahigpit pa ring nakayakap sa kaniya, hindi ko na nga alintana ang akward na posisyon namin sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya.
"M-minia," nahihirapang pagtawag niya sa pangalan ko. "H-hindi ako makahinga, ang bigat mo." Nakangiwi niya iyong sinabi.
"Ay! Sorry, sorry." Alanganing napatawa ako.
Mabilis akong tumayo at inalalayan siya sa pagtayo pagkatapos. Ngayon ay kumapit naman sa braso niya at walang pakialam kahit pa magmukha na akong tarsier.
"Tara pasok na muna tayo sa loob, para makapagkape ka muna." Paanyaya ko sa kaniya na hindi naman niya tinanggihan.
"Mukhang pagod na pagod ka ah? saan ka ba galing?" Nakataas ang isang kilay na pang-uusisa ko sa kaniya habang nagbubukas ng gate.
"Sa airport," maikling tugon niya na ikinalaki ng mata ko sa gulat.
"Ha? Tanga ka ba?" Napangiwi siya sa sigaw kong iyon, "dapat nagpahinga ka muna sa inyo at hindi dumiretso agad dito o kaya naman ay nagdorbell ka, pagbubuksan ka naman ni manang. Para ka tuloy shungang palaka diyan sa labas." Pinitik ko ang noo niya na ikinanguso niya, ano bang tingin ng taong 'to sa sarili niya? Cute? Eh mas mukha pa siyang pato na inagawan ng pagkain.
"Hindi ko naisip 'yun ah?" bulong niya sa kaniyang sarili na ikinailing ko, tanga talaga 'to minsan eh.
Dahil nahirapan ako ay bumitaw muna ako sa kaniya para maipasak na ang susi sa gate at makapasok na sa loob.
"Tara." Hinila ko na siya papasok sa loob ng makitang nakatayo lang siya ro'n, inintindi ko na lang na pagod siya sa byahe kaya gano'n siya kasabog.
Hindi ko maunawaan kung bakit nakatulala lang siya sa mga kamay naming magkahawak habang nakatulalang nagpatangay na lang sa'kin.
"Hoy!" Pumitik ako sa harapan niya, naiupo ko na't lahat tulala pa rin. Ano bang meron sa hangin at masyado siyang attracted? Grabehan tumulala. "Coffee? Tea? Milk? Juice? Hot chocho? Soft drinks? o energy drink?"
'yun lang ang meron ako dito sa bahay at kung wala sa mga iyon ang gusto niya ay maling bahay ang napuntahan niya.
"Kape na lang." Tipid ang ngiting sambit niya at sumandal sa sofang kinauupuan niya.
Mabilis akong nagtungo sa kusina para ipagtimpla siya ngunit pag balik ko sa living room ay nakapikit na ang loko na bahagya pang naghihilik.
Tahimik na inilapag ko na lang muna sa mini table sa harapan niya ang dala kong kape at isang plato ng cookies. Hindi ko na siya ginising dahil halata talaga sa mukha niya ang pagod, nakakaawa naman.
Umakyat na ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ko para makapag-shower munanat makapagbihis.
Ilang minuto rin ako sa loob ng banyo bago natapos, saktong paglabas ko ng banyo ay nag-ring ang phone ko na nasa ibabaw ng vanity mirror ko. Nilapitan ko iyon at mabilis na sinagot nang makitang si Fiona iyon, baka kasi iuupdate niya ako sa kalagayan ngayon ni Harvest.
"Hello? May kailangan ba kayo? Anong balita diyan?" sunod-sunod ang naging tanong ko nang maupo ako.
"Gusto ko lang sanang ipaalam sayon na gising na si Harvest, babalik ka pa ba rito?" Napangiti ako sa sinabi ni Fiona, tila nabunutan ako ng tinik dahil do'n.
"Ah, oo babalik pa ako kaso baka maya-maya pa, magbibihis pa lang ako eh." Bigla ay naging mas atat na atat na akong pumunta sa ospital kahit pa nga kaalis ko lang do'n kanina.
"Ah sige, hintayin ka na lang namin dito."
"Kumusta siya?" Maliit ang tinig na tanong ko.
"Okay naman siya, alive and kicking pa. Paniguradong isang linggo lang ay magaling na 'to at kaya ka na uling saktan ng sagad sa buto." Mataray na tugon ni Fiona sa'kin na ikinatahimik ko.
"Ah, mabuti naman kung gano'n. Papunta na 'ko, pakibantayan muna para siya sa'kin," huling sambit ko bago pinatay ang tawag.
Dahil sa salamin na nasa harap ko ay malaya kong natitigan ang sarili ko ngayon, I look both happy and sad. Fiona is indeed right, Harvest is the only person who's capable of inflicting me pain beyond imaginable. Kaya siguro gano'n ay dahil sa katotohanang masiyado ko siyang mahal higit pa sa sarili ko, masiyado ko siyang mahal ng higit pa sa sapat.
Habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang blower ay hindi ko maiwasang mapatulala, I just realized I gave him so much power. The power to create and break me, at alam ko sa sarili kong hindi maganda iyon.
I could recall the most unforgettable team building I attended in my entire existence, team building iyon ng ilan sa mga magkakasyoso sa negosyo, until now palaisipan pa rin sa'kin ang purpose no'n. Dahil nasaktuhan pang valentine's day noon at hiking ang napiling activity, nagpadala na lang ng kaniya-kaniyang proxy ang mga matatandang negosyante which is mga anak nila.
I met a lot of different people there, merong mababait pero meron din namang mga maaatittude na spoiled brats. I ain't a social butterfly pero dahil alam kong nandoon si Harvest ay inisip kong kakayanin ko ang pananatili do'n kaso do'n pala ako magkakamali.
Umandar kasi ang taglay kong katangahan noon, sadyang may pagkatarik ang napili nilang bundok kaya hirap na hirap ako sa pag-akyat. Natalisod pa nga ako sa malaking ugat ng puno no'n at muntik ng gumulong pababa. Kahit na napilayan ay masaya pa rin akong hindi ako nagtuloy-tuloy pababa no'n.
He just stood there and watched me stand all by myself, he let me walk on my own instead of helping me out. It felt like I was just a random stranger in his eyes that time. Umasa ang puso ko no'n na baka kahit kaunti ay mag-aalala siya sa'kin pero mukhang mas may pake pa sa akin ang mga taong kakikilala ko lang.
Kahit pa iika-ika na ako sa paglakad ay sumama pa rin ako sa kanila, kahit pa nga alam kong medyo nagiging pabigat na ako sa kanila no'n ay ipinilit ko. Kinaya ko kahit gaano kasakit ang paa ko.
Wala na kasing mas sasakit pa sa katotohanang ang unang taong inaasahan ko na tutulong sa akin ay siya pang kauna-unang nagparamdam sa akin na hindi na lang dapat ako sumama sa kanila. It's funny how the main reason I joined them was the same reason I regretted my own decision.
"Bakit pa kasi sumama 'yan dito? Tatanga-tanga naman pala. Pabigat lang 'yan." I scoffed when I heard him whispered that, ang sakit-sakit.
Halos lumubog ang puso ko ng marinig na humalakhak ang babaeng kasama niya, bigla ay nakita ko ang katawang lupa ni Lucifer sa kanilang dalawa.
The long hours of walking was painful but I could say it was worth it when we finally reached the top of the mountain, I instantly fell inlove with nature's majestic beauty. The view from above is undeniably breathtaking, nakakawala ng stress at problema. Naisip ko pa ngang magtayo ng bahay do'n.
When the clock striked eight, nakapalibot na kaming lahat no'n sa may isang malaking bonfire. Tapos na kaming magtayo ng tent at maghapunan that time, wala ng ibang gagawin bukod sa tumunganga.
Maya-maya pa ay naglibot ang nagsisilbing team leader naming lahat, bitbit niya ang isang garapon na punong-puno ng mga nakatuping puting papel. Sabu niya bago kami pabunutin ay kailangan daw naming gawin kung ano ang nakasulat sa papel na nabunot namin.
"Okay, since lahat ay nakabunot na pwede niyo ng buksan." Bumuntong hininga ako ng mabasa ang laman niyon, bahagya pa nga 'kong napakunot noo.
'Give this to someone dearest to you, someone you find very special.', iyon ang nakasulat sa piraso ng papel. Sumilip naman ako sa papel ng katabi ko at nakitang ganoon din ang nakasulat sa kaniya.
Nang i-angat ko ang tingin ko ay napatanga ako nang makitang si Harvest pala iyon, gaya ko ay nakasilip din siya sa papel ko. Nagtagpo ang mga mata namin ng i-angat niya ang tingin niya, saglit lang iyon dahil umiwas siya agad pero sapat na iyon para magwala ang puso ko sa saya.
Nagsimulang umugong ang bulungan sa paligid, papaano'y pare-pareho lang pala ang nakasulat sa papel na nabunot namin. Nagtataka man ay walang nagtanong kung bakit, kapwa kaming naghihintay sa susunod na mangyayari.
My eyes sparkled. Bumalik na kasi ang team leader namin bitbit ang basket na puno ng heart shaped chocolate na sing laki ng palad ko.
Binigyan kami ng tig-iisa, gustong-gusto ko ng lantakan iyon at matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko dahil ayokong manguna sa iba at magmukhang patay gutom.
"Now, follow what the paper says." Sa sinabing iyon ng team leader ay inexamin ko ang papel, nakita kong may nakapakat na double sided tape sa likod kaya tinanggal ko iyon at ipinakat ang papel sa hawak kong chocolate.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligiid at napauwang ang labi ko ng makitang ako na lang pala ang nakaupo. Ang mga kasama ko ay ibinigay iyon sa mga kasintahan nila, samantalang ang iba naman ay sa sarili nila.
May magilan-ngilang kalalakihan ang lumapit sa'kin at binigay ang kanila sa akin. Pero ewan ki ba at hindi ko magawang matuwa habang tinatanggap ang mga iyon, nginungitian ko na lang sila para naman kahit papaano ay hindi sumama ang loob nila.
"Kaye!" Nakangiting kumaway ako kay Harvest ng sa wakas ay nahanap ko rin siya, "para sayo." Iniabot ko sa kaniya ang chocolate na nakuha ko kanina, kasama no'n ang nabunot kong note.
Bumaba ang tingin niya duon, bahagyang kumirot ang puso ko ng makitang nag-aalinlangan pa siyang tanggapin iyon. Halos tumalon sa saya ang puso ko ng tanggapin niya iyon, pero mas sumaya pa ako ng ibigay niya ang kaniya sa akin.
Kaso 'yung kasiyahang iyon panandalian lang pala, harapang ibinigay niya kasi sa iba 'yung mismong binigay ko sa kaniya. Nanikip ang dibdib ko sa sakit, sana pala binigay ko na lang din 'yon sa sarili ko gaya ng ginawa ng iba. Sana pala self love na lang din ang ginawa ko, hindi 'yung unconditional nga unrequited naman. Para niya 'kong binuhat at ibinalibag sa ginawa niya, sana inaya na lang niya kong magsuntukan. Kasi mas kakayanin ko pa ata ang physical pain kaysa emotional pain.
I sighed deeply, bigla akong bumalik sa realidad ng masuklay ko ang tenga ko. I looked at myself at the mirror pinilit ko ang sarili kong ngumiti pero wala ang lungkot-lungkot ko pa ring tignan.
I wanted to learn how he could do that, how could he could hurt someone that's been a part of his life. Alam ko namang 'di niya ko mahal pero sana nirespeto man lang niya ako, sana inisip niya naman ang mararamdaman ko. Maganda naman ang pinagsamahan namin, ni hindi ko nga alam kung bakit kami biglang nauwi sa ganito.
Maybe sometime I should ask him to teach me how to ignore someone who needs help dahil gusto mo lang ipamukha sa kaniya na ayaw mo siya. Kasi ako hindi ko kaya ang pabayaan siya, kanina ngang nalaman kong naaksidente siya ay abot langit ang pag-aalala ko.
Hindi naman sana mali ang mahalin siya, pero bakit ganoon ang paulit-ulit na pinaparamdam at pinamumukha niya sa'kin?