Chapter 6
MINIA’S POV :
Nang tuluyan nang makalabas si Vanny sa loob nv opisina ko ay kibit-balikat akong bumalik sa pagbabasa at pagpirma ng gabundok na mga papeles sa office desk ko. Ewan ko ba kung bakit parang hindi nababawasan, nakakainis na nga kasi hindi pa nga ako tapos sa mga nauna, nagpadala na naman kanina 'yung dalawa pang branch. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang plano kong magtayo ng isa pang branch sa New York sa susunod na taon, panigurado kasing madadagdagan na naman ang trabaho ko!
Maliit pa lang naman ang business ko kaya naman hindi na ako kumuha pa ng finance team, ako na mismo ang gumagawa ng accounting at strategic financial management. Kinakaya ko pa naman kahit papaano at kung tutuusin ay matatapos ko naman iyon sa oras, kung masipag lang talaga ako ay hindi naman tatambak ng gano'n 'yung mga paperworks ko, iyon ay kung masipag lang ako. Ang kaso nga lang ay mas madalas ko pa atang matulugan ang mga iyon sa halip na maasikaso. Paperwork sucks! Business sucks! My life sucks!
Hanggang umabot na ng alas dose ng gabi ay sige pa rin ako sa ginagawa, desidido na kasi akong makatapos dahil balak kong gumala bukas para naman makapag-unwind ako kahit papaano.
Talagang sobrang focus at seryoso na ako sa ginagawa ko kaya gano'n na lang ang pagka-gulat ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Napakatahimik kasi ng paligid kaya naman halos mahulog ang puso ko sa biglaang ingay na 'yun, kamuntikan ko pang nahati sa dalawa ang folder na hawak ko!
Nang makabawi sa pagkagulat ay naniningkit ang mga matang kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng cute na hand bag ko, napakunot-noo pa nga ako ng makitang si Fiona pala ang tumatawag. Kanina ay nagtext siya sa'kin bago ako nag-drive pauwi, pinaalalahanan lang naman niya ko na mag-ingat sa pagdadrive at 'wag na raw akong magpuyat masyado.
I'm confused, bakit kaya siya tumatawag ng ganito kalate? It's very unusual of her dahil kilala ko siya at alam kong ayaw niyang may naabala siyang tao and to think that it's already midnight and I'm probably asleep by now, hindi tatawag 'yun, unless, there's an emergency!
Kinakabahang sinagot ko ang tawag nang mapagtanto iyon, dapat ay kanina ko pa ito ginawa.
"Hello? Minia, ba't ba ang tagal mong sagutin?" Nakasigaw na bungad niya sa'kin kaya bahagya kong nailayo ang cellphone sa tenga ko. Ang sakit!
"Fiona naman, malabo na nga ang mata ko, tapos bibingiin mo pa ako? There's no need for you to shout." Nakangiwing bulalas ko sa kaniya, pakiramdam ko ay nabasag na ang eardrums ko dahil sa kaniya.
"Sorry na okay? Kinakabahan lang talaga ako." Mas kalmado na ang tinig niya nang sabihin iyon ngunit bakas pa rin ang pagkabahala ro'n.
"Bakit? Ano ba kasing nangyayari? Nasaan si ate Mica? Ayos lang ba kayo?" Sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya, pati kasi ako ay nahahawa na sa pagkataranta niya. Para na tuloy akong bulateng inasinan dito sa kinauupuan ko, hindi ako mapakali lalo pa at alam kong may mali. Nararamdaman ko sa tinig niya na may hindi magandang nangyari.
"Ayos lang naman kami ni ate Mica, kaso ano, si Harvest hindi." Mabilis akong napatayo nang marinig ang pangalan ni Harvest, binundol ng kaba ang dibdib ko dahil do'n.
"Ha? Bakit? Anong nangyari sa kaniya? Ayos lang ba siya? Nasa'n siya?" Aligaga na ako nang magtanong akong muli kay Fiona, mas lalo pa akong nag-alala nang marinig ang pag-iyak ni ate Mica sa backround niya.
"Nandito kami ngayon sa ospital, naaksidente kasi si Harvest." Bakas ang matinding pag-aalala at pagkabahala sa tinig niya, halos hindi ko na nga maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi ang tanging pumasok lang sa isip ko ay ang pangalan ni Harvest at ang salitang aksidente.
Hindi ako nakapagsalita sa pagkagulat hindi ko nga mamalayang nakatulala na pala ako sa kawalan kung hindi ko pa naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Nang makita kong itinext sa'kin ni Fiona kung saang ospital isinugod si Harvest ay saka pa lang ako natauhan. Walang pag-aalinlangang iniwan ko muna ang mga dapat kong tapusin para makapunta agad sa ospital.
Kahit na nagmamadali ay siniguro ko pa ring hindi ako madidisgrasya, pilit ko ngang pinipigilan ang luha ko para mas makita ko ng maayos ang kalsada na maswerteng hindi traffic dahil nga masyado ng late.
Isinantabi ko muna ang pagkadisgusto ko sa ambiance na meron sa ospital, abot langit ang kaba ko na alam kong mawawala lang kapag nalaman ko na nasa mabuti na siyang kalagayan. Mabilis akong dumiretso sa front desk ng Emergency Room at agad na nagtanong sa unang taong nakita ko ro'n na palagay ko ay isa sa mga nurse.
"Excuse me." Nakangiwing pagtawag ko sa lalaking nurse, papaano'y nakarinig ako nang isang nasasaktang palahaw ng isang lalaki hindi kalayuan sa'kin.
Pinilit ko ang sarili kong huwag ilibot ang paningin sa paligid ko dahil E.R. 'to, baka kung anong kahindik-hindik na bagay pa ang makita ko at himatayin pa ako bigla.
"Yes ma'am?" Nakangiting tanong niya at hininto muna ang ginagawang pagtingin sa clipboard na hawak niya.
"Itatanong ko lang po sana kung may naka-admit ba ditong Harvest Kaye Villanueva?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya na biglang ikinaliwanag ng mukha niya.
Kinakabahan ako sa kalagayan ni Harvest pero mas kinakabahan akong manatili rito lalo pa't parami na ng parami ang mga palahaw na naririnig ko.
"Ay, 'yung na-car accident na pogi!" Tila kinikilig pa itong nagtitili sa harap ko, akala ko pa naman cookie siya, 'yun pala mamon.
Tumango-tango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon habang naghihintay sa sunod niyang sasabihin.
"Ay sorry sis," He cleared his throat, umayos pa muna siya ng postura bago muling nagsalita, "Yes dito nga, Nasa Operating Room pa siya as of the moment." Napatango-tango ako sa sinabi niya.
Inasisst niya pa ako hanggang O.R. nang mapansin ang mabilis na pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa kaba, idagdag mo pa na nasabi ko sa kaniya ang pagiging homophobic ko.
Nang makarating ay nadatnan ko si Ate Mica na umiiyak sa waiting area samantalang si Fiona naman ay hindi mapakaling paikot-ikot ang lakad sa harapan niya.
Mabilis akong lumapit sa kanila at yumakap kay ate Mica para kahit papaano ay gumaan naman ang loob niya, ayokong nakikita ang mga kaibigan ko sa ganitong sitwasyon, nakakapanghina.
"Ano bang nangyari?" Alanganing tanong ko sa kanila.
"Pauwi na sana kami ni ate Mica pagkatapos maihatid yung huling delivery sa client namin nang makasalubong namin si Harvest na kalalabas lang galing sa katapat na bar." Panimulang pagkukwento ni Fiona na naupo na sa tabi ko. Mas mukha siyang maayos at kalmado kung ikukumpara kay ate Mica na tahimik at nakatulala lang sa kawalan, kaya naman hinayaan ko na siya nalang ang magkuwento sa'kin.
"Lasing na lasing siya kaya nag-insist si ate Mica na ihatid na lang namin siya kaya lang may naiwan pa lang isang kahon ng parcel na hindi naibigay sa client namin kaya bumalik ako para ihatid." I nodded. Hindi muna ako nagsasalita, hinahayaan ko munang masabi ni Fiona sa akin lahat ng detalye para may ideya naman ako kung ano talaga ang nangyari.
"Pero pagbalik ko nakasakay na si Harvest sa sasakyan niya, hindi na siya napigilan ni ate Mica sa pag-alis. Pinilit niya pang magdrive kahit lasing," Napabuntong hininga muna si Fiona bago nagpatuloy, " hindi pa siya nakakalayo kaya nakita namin kung paano niya nabunggo 'yung poste, nayupi yung harapan ng sasakyan sa lakas ng impact."
"Sabi ng doctor kanina ay hindi naman gano'n kalala ang lagay niya. Kailangan lang daw nilang alisin yung part ng sasakyan na tumuhog sa hita niya, pati na rin 'yung mangilan-ngilang bubog na bumaon sa kaniya. Mabuting bagay daw na nakatawag agad ng ambulansya kaya hindi gano'n karaming dugo ang nawala sa kaniya." Pag-iimporma pa sa akin ni Fiona na hindi ko alam kung ikagagaan ba ng loob ko o ikangingiwi ko.
"Naitawag niyo na ba kay tita Luisa ang nangyari? Alam na ba niya?" Dagdag na tanong ko kay Fiona na mabilis naman niyang tinanguan.
"Oo, kakatawag ko lang. Papunta na raw siya." Matapos sabihin iyon ni Fiona ay pareho kaming natahimik habang naghihintay.
Ilang minuto pa lang ang lumipas nang humahangos na dumating ang ina ni Harvest na ikinatayo ko sa kinauupuan ko. Mabilis na yumakap sa akin si tita Luisa at tila batang humagulgol, ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko dahil do'n pero binalewala ko na lang. Parang pangalawang ina ko na si tita Luisa at ang makita siyang ganito kahina ay may kung anong kirot sa puso ko. May paglalambing na hinimas ko ang mahabang buhok ni tita, iyon ang paraan ng pagsasabi kong magiging maayos din ang lahat. Ramdam ko namang medyo kumalma naman siya dahil do'n.
Dapat ay asawa niya ang gumagawa nito pero I've known them for so long, alam kong mas mahalaga pa kay tito Markus ang trabaho kaysa sa sarili niyang pamilya. Isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit malayo ang loob ni Harvest sa kaniya.
"Mica ang pangalan mo, tama ba?" Nakangiting tanong ni tita nang maupo sa tabi ni ate Mica matapos niyang mahimasmasan.
"Opo," tugon ni ate Mica na hindi magawang tumingin kay tita, alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Halata naman kasi sa reaksiyon niya.
"Anak makinig ka," napakalambing ng tinig ni tita na animo'y hinihele ang makakarinig.
"Hindi mo kasalanang nagpakalasing ang anak ko, hindi mo kasalanang hindi mo siya napigilan sa pag-alis at mas lalong hindi mo kasalanan na na-aksidente ang anak ko." Bahagyang pumiyok ang boses niya habang sinasabi iyon, "kung wala kayo ro'n ay baka hindi agad siya nasaklolohan, baka mas malala pa ang kahihinatnan niya. Nagpapasalamat nga akong nando'n kayo. Don't blame yourself for this." Ngumiti muna si tita sa kaniya bago ito tumayo at lumapit sa doktor na kalalabas lang mula sa O.R.
Gusto ko nga rin sanang lumapit para marinig kung ano ang sasabihin ng doktor, pero syempre ayoko namang kabugin ang nanay ni Harvest sa pag-aalala.
"Mga anak, stable na raw ang lagay ni Harvest. Ililipat na lang siya sa private room niya. Kaya pwede na muna kayong umuwi, nandito naman na ako." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
"Ayos lang po tita Luisa, hihintayin na lang po siguro naming magising muna si Harvest." Kalamadong sambit ni ate Mica, halata sa mukha niya ang pag-ginhawa no'n. Maybe she realized through tita Luisa's words that she's not to be blamed.
"Sige, kayo na ang bahala. Salamat sa inyo." Naiiyak kaming isa-isang niyakap ni tita.
Maya-maya pa ay natanaw namin ang isang stretcher na inilabas mula sa O.R. kung saan nakahiga si Harvest na nakaputing hospital gown. Nang dumaan sila sa harapan ko ay malungkot akong napangiti ng mapagmasdan ng malapitan ang mukha niyang puno nga mangilan-ngilang gasgas.
May tahi siya sa braso niya at nasisiguro kong meron din sa hita niya. Malungkot akong napangiti nang mapagmasdan siya ng mas malapitan na ngayon ko nalang ata uli nagawa.
Seeing the dark circle under his eyes and his day-old whiskers, I could already tell how problematic and stressed he was during the past few days.
Hindi ko maiwasang masaktan sa nakita, halatang napabayaan na niya ang sarili, pero bakit? Nagpakalasing siya, pero bakit? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. Nais kong malaman kung inaalagaan ba siya ng babaeng mahal niya, nais kong malaman kung masaya ba siya sa piling niya. Kasi kung hindi, gusto ko siyang tanungin kung bakit hindi na lang ako ang minahal niya. Pero naisip ko sino lang ba naman ako sa buhay niya para kwestyunin ang desisyon niya? Ni hindi ko nga alam kung matuturing pa ba kaming magkaibigan.
Updated ako sa ilang kaganapan sa buhay niya, pero hindi ibig sabihin no'n na lahat ay alam ko na. Kung tutuusin ay wala talaga akong alam kung ano na ang totoong nangyayari sa buhay niya, gustuhin ko mang alamin ay pilit niya akong itinataboy, gusto ko man siyang damayan sa mga problemang kinakaharap niya ay paulit-ulit naman niyang ipinaparamdam sa'kin na hindi niya ako kailanman kakailanganin sa buhay niya. Puro sa mga tsismis na lang ako nakikibalita ng tungkol sa kaniya. It hurts like hell, to be pushed away by someone you love. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong lumapit sa kaniya. Masyado nang malalim ang pagkakalunod ko sa kaniya kaya hirap na hirap akong umahon, nagka-ugat na nga ata ang pagmamahal ko sa kaniya eh.
Muli ko siyang sinulyapan ng tingin bago napabuntong hininga napag-desisyunan kong umuwi na lang muna at bumalik. I look like a mess! Ang suot kong damit ay ang suot ko pa nang pumunta ako sa factory nila ate Mica at Fiona, kahit pa sabihing hindi naman ako mabaho ay nanlalagkit na ang pakiramdam ko.
Tiniis ko ang pagkabagabag at pag-aalala ko sa kaniya, mas mahirap na makita niya akong ganito pag nagising siya. Baka kasi mas lalo na niya akong hindi magustuhan!