Chapter 59 Minia's POV : Mabilis lang akong naligo at nagbihis sa kwarto ko bago bumaba, rest day ko sana ngayon pero naisip ko na pumasok na lang sa halip na makasalamuha si Harvest, kung tutuusin ay mas naiistress pa ako na pakisamahan siya kaysa ang magtrabaho maghapon. Hindi ko alam kung anong pambobola ang ginawa niya para makuha ang loob ni mommy pero isa lang ang sigurado ko, lulutang siya sa dagat sa kaplastikan niya. He's such a great pretender kaya pati si mommy ay nabilog na niya ang ulo. "Saan ka pupunta anak?" Seryosong tanong ni mommy nang makasalubong ko siya sa sala. Hindi ko maiwasang hindi mapuna ang tono ng pananalita niya na para bang may masakit siyang dinadaing. Kung 'di lang dahil kay Harvest ay masaya sana kaming nagbobonding ngayon, kaya lang ay napakakapal ng

