Chapter 11

2230 Words
Chapter 11 Minia's POV : Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas, ang tanging alam ko lang ay matagal na akong nakayukyok dito sa office table ko habang atras abante ang kinauupuan kong swivel chair. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang makaidlip man lang. Nanghihinang napaangat ako ng tingin ng biglang pabalang na bumukas ang pintuan, pumasok si Fiona na animo'y pagmamay-ari niya ang buong lugar kaya hindi man lang kumatok. "Sabi ko na nga ba at may sakit ka!" Pumamewang siya sa harapan ko at umambang hihipo sa noo ko kaya mabilis kong inilapat at iniunat ang paa ko sa office table para makaatras. Pilit kong iniiwasan ang kamay niya kaya naman sumama na ang timpla ng mukha niya. "I told you I'm fine, kulang lang talaga ako sa tulog." Ngumuso ako sa harapan niya na animo'y isang batang kinukumbinsi ang inang paniwalaan ako na ginawa ko ang assignment ko at hindi naglaro lang maghapon. Wala na akong nagawa nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan, hindi ko na binalak na mag-atras abante dahil nagsisimula na naman akong mahilo. "Ang init mo!" Nag-aalalang bulalas niya, "saglit at tatawagan ko muna si Arvy para magpabili ng gamot." Bigla akong napatuwid ng upo sa sinabi niya, nalintikan na! "Gamot?" Nakangiwing tanong ko, "hindi ko kailangan no'n, tulog lang katapat nito." Pinilit kong tumawa na nauwi lang sa isang sunod-sunod na pag-ubo dahil nasamid ako sa sarili kong laway. "Eh anong gusto mo ganiyan ka na lang?" Mukha na siyang dragon na handa ng bumuga ng apoy kaya naman nanlulumong mas napanguso na lang ako. Wala akong magagawa dahil batas ang babaeng 'yan. "Teka nga, tatawagan mo kamo si Arvy? 'Wag na Fiona, baka nagpapahinga pa 'yung tao. Bakit naman kasi siya pa?" Parang bata akong napanguso sa harapan niya. Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Fiona, halatang naiirita na siya sa kaartehang pinapakita ko. "Oo, yari ka ro'n tumawag 'yon kay ate kanina at hinahanap ka, nag-aalala sayo. Umuwi kana pala ng mag-isa tapos hindi ka pa raw niya matawagan. Actually plano ka talaga no'n na puntahan ka sa bahay mo ngayon at probably didiretso na 'yun dito dahil wala ka ro'n. Tatawagan ko lang para makabili siya ng gamot sa daan." Nangiwi ako sa mahabang paliwanag niya sa akin. Oh shoot! Nawala nga sa isip kong i-text man lang sila kagabi, tapos ay naiwan ko pa kanina ang phone ko sa bahay. "Saka sino ang gusto mong tawagan ko? Si ate Mica? Hindi makakapunta 'yun dahil malamang ay stuck pa rin sa traffic dahil sa nangyaring aksidente. Ibang sermon na naman ang aabutin mo ro'n na alam ko namang gusto mo munang iwasan." She has a point, alam ko kasing doble ang rason ni ate Mica para sermunan ako, baka sumabog na ang ulo ko sa dami ng mga iniisip ko. Lumapit siya sa kulay gray kong sofa bed at iniayos iyon para gawing kama, sinadya kong ganoong uri ng sofa ang bilin dahil ng madalas akong antukin kapag pumipirma ng mga papeles at nag-cocompute na pumapasok at lumalabas na pera sa negosyo ko. "Humiga ka na muna ro'n, subukan mo munang umidlip at tatawagan ko lang si Arvy." Inalalayan ako ni Fiona hanggang sa paghiga na akala mo ay dispalinghado akong tao, hindi na ko nagreklamo kasi ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko at pag-ikot ng paligid. Baka bumagsak ako bigla sa sahig kapag nag-inarte pa ako. Kinuhaan niya ako ng comforter at dalawa pang extrang unan doon sa loob ng cabinet kung saan nakalagay ang ilang mga personal kong gamit at mga pamalit. Sa palagay ko ay halos tatlumpong minuto pa lang akong nakahiga ng pabalibag na bumukas ang pintuan kaya napilitan akong magmulat. Nakita ko sa hamba ng pintuan ang mukhang nag-aalalang si Arvy, sa likod naman niya ay si Fiona na nakapamulsa pa. I pouted, plano ba talaga nilang dalawa na sirain ang pinto ng opisina ko? Wala naman iyong atraso sa kanila pero parang galit na galit sila duon. "Minia ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Arvy at inilapag sa office table ko ang bitbit niyang isang basket ng prutas, akala ko ba ay gamot lang ang pinabili ni Fiona? Bakit may pa-prutas pa? "Ayos na ayos lang naman ako." Nangangatal kong sambit at mas hinila pa ang comforter, mas lalo kasi akong nilalamig dahil nakabukas ang pinto. "Tigilan mo na ang kakaganyan mo at uminom ka na agad ng gamot." Napangiwi na lang ako sa kasungitan niya habang inaalalayan niya akong umupo at pinasandal sa sandalan ng kinahihigaan kong sofa bed. Inilabas niya ang isang banig ng biogesic mula sa bulsa niya, sa likod naman niya ay si Fiona na may bitbit na isang basong puno ng tubig. Halos maiyak na ako habang kinukuha sa nakalahad na palad ni Arvy ang gamot, "do I really have to---" hindi pa ko natatapos magsalita ay inunahan na nila ako. "Yes." Magkasabay nila iyong binigsas, parehong nanlilisik ang tingin sa akin kaya naman mariin akong lumunok at bumagsak ang tingin sa gamot na nasa kamay ko na. May kalakihan iyon kaya labis ang panlulumo ko. "Inumin mo na lang at 'wag kang puro angal diyan." Umamba ng kamao sa akin si Fiona kaya naman napangiwi ako. Ang pinaka-ayaw ko sa tableta ay ang katotohanang naiiwan pa ito sa lalamunan ko pagkalunok, kahit anong dami ng tubig na inumin ko ay parang nakastock lang doon ang gamot. Sino ba naman ang hindi maasar sa ganoon? "Matigas kasi ang ulo mo kaya ka nagkakasakit, kung nakikinig ka lang sana sa amin." Problemado ang itsura ni Fiona na para bang ako ang pinakamalaking factor ng stress sa buhay niya. "I second the motion!" Parang siraulong sigaw ni Arvy. "Pwedeng patigilin niyo na 'yang mga bunganga niyo? Paulit-ulit ko na lang naririnig na matigas ang ulo ko. Ang iingay nyo magsilabas na nga kayo." Nakanguso akong nagsungit sa kanila. Tatlong segundo lang silang nagkatinginan bago muling ibinalik ang paninitig sa akin. "Tumahimik ka! Ang dami mong sinasabi, pwedeng ikaw ang 'wag ng magsalita diyan? Technique ka din ano? Hindi gagana sa'kin 'yan. 'Wag ka ng mag-effort pa na gumawa ng paraan para makaalis kami dito dahil hindi mangyayari iyon hanggat hindi namin nakikitang ininom mo na iyang gamot." Sininghalan ako ni Fiona kaya laglag ang balikat ko, sayang akala ko pa naman effective. Napatingin nag mata ko kay Arvy na nagpipigil na ng tawa dahil sa nasaksihang panenermon ni Fiona sa akin. Siraulo talaga kahit kailan. "Oo nga, inumin mo na kasi." Binigyan niya pa ako ng mapang-asar na ngiti, kita mo ang lalaking 'to napaka sulsol! Nakakainit ng ulo kahit kailan. Naiinis na binato ko siya ng lapis na nadampot ko, headshot! Wala naman na siyang ibang nagawa kundi ang singhalan ako, 'di niya ako mapapatulan dahil may sakit ako. Kaya eto kami ngayon nagpapalitan ng masamang tingin. Pikit mata akong uminom at sinubo iyon kasunod ng paglagok. Wala naman akong pagpipilian at mas lalong wala akong takas dahil dalawa silang nakabantay sa akin. "Good!" Pumalakpak si Fiona sa harapan ko ng masiguro nilang dalawa na nalunok ko na iyon. "Ngayon ay kampante na akong makakabalik sa factory." Napayuko ako sa narinig nahihiya kasi ako sa kaniya, alam ko namang busy siya pero heto't nasasayang ang oras sa akin na dapat ay ginugugol na niya sa pagsisimulang magtrabaho. "I badly wanted to stay here and look after you, kaya lang ay madami kaming naiwang trabaho lalo pa at nadagdagan na naman kami ng kliente. May karamihan ang demand ng mga Ramirez kaya ngayon pa lang ay kailangan na agad naming magsimula para hindi kami kapusin sa oras." Napatango-tango ako sa sinabi niya at nginitian siya bilang pahiwatig na ayos lang ako. "Maawa ka Minia magpahinga ka muna ngayong araw, 'wag ng matigas ang ulo mo." Halos lumuhod na siya sa harap ko para lang sabihing makinig ako sa kaniya. I nodded continuously para makampante na siya at makaalis. "Kampante naman ako na hindi ka pababayaan nitong si Arvy." Umakbay siya kay Arvy na nahihiyang napakamot sa ulo nito, "Loko-loko lang ang isamg ito pero maasahan naman kahit papano." Pagkatapos sabihin iyon ay yumakap pa siya sa akin bago tuluyang umalis. Si Arvy naman ay ngiting aso sa narinig na papuri, well mukha naman talaga siyang aso. "I told you na 'wag ka ng masiyadong nagpupuyat, ang tigas-tigas talaga ng ulo momg babae ka. Saka 'di ba sinabi ko sayo susunduin kita? Bakit ka naman umuwing mag-isa, paano na lang kung napahamak ka? Bakit ba hindi ka marunong makinig? Napakatigas ng ulo mo." Napabuntong hininga na lang ako sa sunod-sunod na sinabi ni Arvy, daig niya pa si daddy kung manermon. Palihim ko siyang inirapan dahil duon. Kasalukuyan siyang nagpipiga ng bimpo sa sink sa loob ng banyo, nakikita ko ang ginagawa niya dahil iniwan niyang bukas ang pinto at panay ang pagsilip sa akin na nakahiga lang naman. Lumapit siya sa akin bitbit ang puting bimpo habang wala pa ring hinto sa pagsasalita. "Sana kasing tigas din ng ulo mo iyang puso mo pagdating sa maling tao." Napatingin ako kay Arvy nang ilapat niya ang bimpo sa nuo ko, ramdam ko ang lamig na nagmumula duon dahil medyo basa pa iyon. "Umidlip ka muna para gumaan ang pakiramdam mo kahit papaano." Wala ng trace ng pagiging maloko at mapang-asar sa mukha niya. Sobrang seryoso ng itsura niya at sobrang lapit din niya! Halos maduling na nga ako eh. Kitang-kita ko ng mabuti ang mukha niya na hindi maipagkakailang gwapo, maaliwalas at palakaibigan ang mukha niya dahil lagi siyang nakangiti hindi katulad ni Harvest na may pagkabadboy ang datingan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh si Arvy lang naman iyan, si Arvy na best friend ko. Natatakot akong baka marinig niya ang paghuhurementado ng puso ko sa kaba, antagal niyang iayos ang bimpo. Lumayo na siya sa akin at nakangiting umupo sa gilid ko. I suddenly felt bad, naabala ko na naman siya. He's a C.E.O. of a big company, marami siyang trabaho at responsibilidad na nakaatang sa balikat niya but here he is babysitting his hard headed best friend. Alam kong napakabusy niyang tao kaya nga humahanga ako na lagi pa siyang nakakagawa ng oras para sa akin, kapag kailangan ko siya ay palagi siyang nasa tabi ko. Hindi naman niya ako responsibilidad pero lagi niya akong inaalala at ginagawang prioridad. "Nagiging pabigat na ba ako sayo?" tanong sa kaniya. Nakita kong natigilan siya sa tanong at napakunot noo. Bigla ay nakaramdam ako ng antok habang naghihintay ng sagot niya, marahil ay epekto ng gamot na pinainom nila o dala lang ng pinaghalong pagod at puyat ko. "No you're not," tugon niya at malamyos na hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ka pabigat at kahit kailan ay hindi ka magiging pabigat sa akin." Mas bumibigat na ang talukap ng mga mata ko pero nagawa ko pa ring magtanong sa kaniya. "Kung hindi ako pabigat, eh ano ako sayo?" Pilit kong nilalabanan ang antok na nararamdaman ko dahil gusto kong makita ang reaksyon niya. He stunned, panay ang pagbukas sara ng labi niya bago siya napabuntong hininga, "you're my best friend." Sana ay hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niya iyon. Hindi ako ganoon kamanhid para hindi mahalata at maramdaman na mayroong kakaiba sa likod ng mga kilos at pag-aalala niya. Natatakot akong pangalanan kung ano iyon dahil kaibigan ko siya at ayokong ako mismo ang manakit sa kaniya. Panghahawakan ko na lang ang sinabi niya. Nagising ako nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa paligid at napanguso ng hindi makita ni anino ni Arvy, no Choice! Pilit akong tumayo pero muli lang napaupo sa panghihina ng tuhod ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko kumpara kanina pero hindi pa ganoon kaayos. "Oh? Ba't kasi tumatayo ka agad ng hindi ako tinatawag? Saan ka ba pupunta?" Napatingin ako sa pintuan ng banyo kung saan nakatayo ang kalalabas lang na si Arvy. "Nagugutom na ako." Para akong batang nagsumbong sa kaniya kaya napahinto ako, kailan pa ko natutong magpabebe? "Sakto ang gising mo, apat na oras na kaya kailangan mo na ulit uminom ng gamot." Humaba ang nguso ko sa kaniya habang abala siya sa pagkapa ng noo ko. "Medyo mainit ka pa rin." "May iba ka pa bang gusto o kailangan bukod sa pagkain?" Kalmadong tanong niya at naupo sa tabi ko. Napatingala ako na tila nag-iisip hanggang sa mapapitik ako sa hangin, "si Harvest! Kailangan ko siya." Bumungingis pa ako matapos sabihin iyon pero mukhang hindi naman siya natuwa. I'm not sure but I think pain flashed in his eyes, hindi ako sigurado dahil saglit lang iyon. Short after ay napatawa siya pero halatang pilit lang, "hindi kita kayang ibigay sa kaniya, Minia." Mas mapait pa sa ampalaya ang tinig niya. Ilang segundo matapos niyon ay napaubo siya bigla at napaiwas ng tingin, "I mean hindi ko siya kayang papuntahin dito. Diyan ka muna at ipaghahanda na kita ng pagkain." Wala sa sariling tumungo siya sa mini kitchen ko na bibihira pa sa madalang kong magamit kaya agad ko siyang pinigilan sa pagitan ng paghila sa laylayan ng shirt niya. "Teka, umorder ka na lang, hindi ka marunong magluto remember?" Nakangiwing paalala ko sa kaniya na ikinahagalpak naman niya ng tawa. "Oo nga pala!" Naiiling na bulalas niya. Paano niya nakalimutan ang bagay na 'yon? He's unbelievable!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD