Chapter 12
Minia's POV :
Nang bumalik si Arvy ay may dala na siyang dalawang supot na naglalaman ng tig-dalawang plastic container. Base sa logo na nakaimprenta sa supot ay binili niya iyon sa restaurant na ilang lakad lang ang layo mula sa café ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti pinagmamasdan siya na naghahain sa may kaliitan kong dining table na naka-install sa mismong wall. Pahaba iyon at sapat lang para sa dalawang tao.
Sa totoo lang ay nagmukha ng maliit na apartment ang opisina ko, hindi ko nga maintindihan ang sense ng pagpapagawa ko ng mini kitchen dahil ang dining area lang ang nagagamit ko doon dahil ayokong aksidenteng madumihan ang mga importanteng papeles na nasa office table ko.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo pero nanghihina pa rin talaga ako, napansin naman iyon ni Arvy kaya naiiling na lumapit siya sa akin.
Walang sabi-sabing maingat niya akong binuhat na para bang bagong kasal kami. Tinitigan ko lang siya ng ipagpatuloy niya nag paghahain, right then and there napagtanto kong magiging isang mabuti siyang asawa balang araw kahit pa hindi siya marunong magluto. He knows how to take care of a woman and I really hope that one day he could find the woman he deserves, someone that will take good care of him and love him unconditionally.
He's always there to help me out, pero noong mga panahong kailangang-kailangan niya ng kaibigan ay wala ako sa tabi niya, someday I'll make sure that won't happen again.
I gave him a genuine smile and he did the same.
"Let's eat." Inilapag niya sa harapan ko ang mainit-init pang chicken noodle soup, tossed green salad, orange and apple slices at isang basong tubig.
Laglag ang balikat ko habang natatakam na tumitig sa beef enchiladas at limang pirasong crab cake na may kasamang remoulade sauce sa harap niya. Parang mas gusto ko iyong kainin kaysa sa nasa harap ko.
"Arvy, palit tayo please." Kinalabit ko siya sa balikat at ginawa ang lahat ng makakaya ko para magpacute.
"Hands off my food woman." Napanguso ako ng tapikin niya ang kamay kong pasimle sanang dudukot sa crab cake niya, "and it's a no!"
Wala na kong nagawa at nagtatampong kinain kung ano ang nakahain sa harap ko, masarap naman kaso mukha talagang mas masarap 'yung kaniya.
"Don't worry kapag magaling ka na you can eat whatever you please and as much as you want, libre ko pa." Pumalakpak ang tenga ko sa sinabi niya, yes! silent treatment always works! Ha, sisiguraduhin ko talagang magaling na ako mamaya!
Kaya naman ng pinainom na niya ako ng gamot ay hindi na ako umangal kahit pa nga pinaidlip na naman niya ako kahit pa kakagising ko lang ay wala akong sinabing reklamo, pabor naman sa'kin. Sleep is life, mas gusto ko pa nga 'yung yumakap na lang sa kama buong araw.
Nang magising ako ay alasais na ng hapon, ilang oras din akong nakatulog kaya hindi ko alam kung may itutulog pa ba ako mamaya dahil naitulog ko na lahat. Matapos ang ilang beses na stretching ay ayun, napagtanto kong maayos na talaga ang pakiramdam ko at mukhang wala na talaga ang lagnat ko.
Hindi ko maiwasang maawa kay Arvy ng makita siyang halos mahulog na sa upuan, tagaktak ang pawis dahil nakapatay ang aircon.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at dahan-dahang lumapit sa kaniya na nakanganga, in fairness mabango pa siya kahit mukha na siyang tumakbo ng 100 kilometers. Ito namang lalaking 'to anlaki-laki ng extang space sa sofa bed hindi pa naisipang tumabi sa akin.
"Arvy?" Kinalabit ko siya para sana gisingin dahil halata namang hindi kumportable ang pwesto niya. Pero mukhang wrong move dahil pumadausdos siya pababa, ngayon tuloy ay wala sa sariling himas-himas niya kaniyang ang balakang na inililibot ang tingin sa paligid na parang may kung anong hinahanap.
"Oh ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya ng bumalik na ang ulirat niya, kita mo to siya iyong lumagapak ang pwet sa sahig pero ako pa rin ang inaalala.
"Oo naman, kayang-kaya na nga kitang upakan eh." Malakas pa akong sumuntok sa hangin para magpakitang gilas sa kaniya.
"Mukha nga." Tumatango-tangong sambit niya matapos salatin ang noo ko.
"Nice timing dahil bibisitahin ka nila tita Tanya at tito Michael ngayon. Actually baka nasa bahay mo na sila as of now." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napauwang ang bibig ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.
I'm shocked! Hindi ko inaasahan iyon pero mas hindi ko inaasahang sa kaniya pa unang nagsabi ang parents ko about it! Alam ko namang malaki ang tiwala nila kay Arvy, kaya nga sinunod nila ang request kong 'wag ng mag-body guards dahil alam nilang hindi ako pababayaan ng mokong.
"Come again?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.
"Your parents called me earlier, bibisitahin ka raw nila ngayon. Hindi na naman ba nila sinabi sayo?"
That's unbelievable, and a bit unacceptable. Ako ang anak pero lagi silang kay Arvy tumatawag para iparating ang mga ganitong bagay sa akin, they had my phone number naman sana. Ewan! Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi, medyo matagal na simula noong huli nila akong binisita at hindi pa medyo nagtampo pa ako sa kanila. I must admit na sobra ko silang na-miss kaya isasantabi ko na lang muna iyon.
"Congratulations! You guessed it right." Puno ng sarkasmo ang boses ko at inirapan siya, "minsan tuloy naiisip kong mas paborito ka pa nila kaysa sa'kin na parang ikaw ang anak sa ating dalawa, pero 'di bale na ang importante makikita ko na ulit sila. Akin lang ang parents ko Arvy." Sinamaan ko siya ng tingin bilang pagbabanta.
"That's the spirit!" Tinawanan lang ako ng loko. "Pakabait ka na Minia para maging mas proud pa sila sayo, saka alagaan mo naman na 'yung sarili mo para hindi ka na nagkakasakit." Dinutdot niya pa ang noo ko kaya napipilitan akong napatango.
Makikinig ako hindi dahil sa mabunganga siyang mag-alaga, makikinig ako dahil ayoko ng nasasayang ang oras niya sa akin. Baka kasi kapag laging ganito ay tumandang binata itong best friend ko, sayang lang ang gandang lahi niya.
Ilang saglit pa kaming naglokohan sa loob at pagkatapos niyon ay inalalayan na niya akong maglakad patungo sa parking lot, wala na akong sakit pero nahihirapan pa rin akong maglakad dahil hindi ako makakita ng maayos dahil nga malabo ang mata ko at wala akong suot na contact lense.
Contact lense ang gamit ko hindi dahil sa pangit sa akin ang eyeglass, ayoko lang ang pakiramdam no'n sa mukha ko kapag suot-suot ko. I can rock glasses, but not comfortably.
"Salamat, alipin." Sinubukan kong panatilihin ang seryosong ekspresyon ko ng sabihin iyon kay Arvy matapos niya akong kabitan ng seatbelt, nakabusangot tuloy siya buong byahe pauwi sa bahay ko.
"Nandito na po tayo, mahal na princess frog." Mabilis na lumanding ang kamao ko sa balikat niya dahil sa pang-aasar niga, sa ganda kong 'to tatawagin lang niya akong gano'n?
"Oh akala ko ba nasa bahay parents ko? Eh ba't wala?" Salubong ang kilay na tanong ko kay Arvy matapos ilibot ang paningin sa bahay at tumanaw sa garahe. "Niloloko mo na naman pala ako." Nakangusong bulalas ko na pinagkibit balikat lang niya.
"Kape gusto mo?" tanong ko sa kaniya nang mailapag ko ang dala kong bag sa center table bago siya hinarap.
"No thanks, nakailang kape na ko sa café mo kanina. Baka magmukha na akong adik pag-pasok ko bukas dahil hindi ako nakatulog magdamag." Hindi ko maiwasang mapahalakhak sa sinabi niya, bakit nga ba kasi kape ang inoffer ko sa kaniya?
Napatigil lang ako sa paghalakhak ng may nag-door bell, lalakad pa lang sana ako para buksan ang gate pero nagtatakbo na si manang para unahan ako. Napakacompetitive naman!
Pumanhik muna ako sa taas para makapagpalit ng mas komportableng damit sa suot ko, medyo pinagpawisan na kasi ako dahil nga lumabas na ang init ng katawan ko.
Matapos makapagsuot ng ternong silk pajamas ay bumaba na ako, halos kumislap naman ang mga mata ko ng matanaw sa nakabukas na maindoor ang parents ko, halos talunin ko na lahat ng baitang para lang mabilis na makarating sa kanila. Swerte ko ngang hindi ako nagkamali ng talon at gumulong pababa sa kahyperan ko.
Mabilis at mahigpit akong yumakap sa kanila na parang wala ng bukas, muntik pa nga akong maiyak ng yumakap din sila pabalik, namiss ko 'yung ganito.
"Anak, sandali nga, nasasakal niyo na ako ng daddy mo." Nahihirapang sambut ni mommy kaya naman mabilis akong napabitaw.
"Sorry mom."
"Sorry hon."
Napahagikgik pa ako ng sabay naming sinabi iyon ni dad, nginitian lang kami ni mommy at parang natunaw ang puso ko dahil duon. Her smile is the warmest I've ever seen.
"Mukhang napaka energetic ng unica ija ko ngayon ah?" Bakas ang kasiyahan sa mukha ni daddy kaya sunod-sunod akong napatango at hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay masaya ako.
"Yo daddy! I miss you so much, namiss mo rin ba ako dad?" Malungkot siyang naoangiti sa tanong ko, halata ang pangungulila sa mga mata niya kaya alam ko na agad ang sagit sa tanong ko.
"Syempre naman anak. Sobra pa sa sobra kong na-miss ang kakulitan mo." Malapad akong napangiti dahil do'n.
"Hello po tito, tita." Biglang pagsingit ni Arvy sa masaya naming usapan, palihim ko tuloy siyang nairapan.
"Ang laki-laki mo na talaga at ang gwapo-gwapo pa." Tuwang-tuwa si mommy sa kaniya at nabola pa siya, pulang-pula na tuloy ang tenga ng loko.
Sus, kunyari pa siynag nahihiya pero pag kami-kami lang napakahangin niya na para na siyang naglalakad na ipo-ipo. Alam ko naman na pumapalakpak na ang tenga niya at nagpaparty naman ang internal organs niya sa saya dahil napuri siya.
"Thank you for looking after my daughter." Tinapik siya ni daddy sa balikat bilang pasasalamat.
Tipid naman siyang ngumiti at mukhang nahihiya pa, so sa akin lang pala matapang ang hiya niya?
"Hindi naman ba sobrang tigas ng ulo nitong anak ko sayo? Nagpapasaway ba?" Nakangiting pang-uusisa ni mommy.
Nang-aasar na tumingin muna sakin ang loko bago nagsalita. Subukan lang niyang sabihing nilagnat ako ay makakatikim talaga siya ng fying kick galing sa'kin.
"Naku nakatigas pa rin po ng ulo niya, ipipilit kung anong gusto. Mangungulit po siya ng mangungulit hanggang sumuko ka na." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis na naghalikan ang siko ko at sikmura niya dahil sa ginawa niyang panlalaglag sa akin, foul 'yun!
Mahina siyang napadaing at tahimik na nakangiwi na lang ngayon, subukan niya pang magsalita ulit at mas masasaktan pa siya.
"Ikaw talaga anak napakasadista mo rito sa kaibigan mong 'to." Tatawa-tawang bulalas ni mommy, "kahit naman hindi siya magsumbong ay alam na namin ng daddy mo ang bagay na 'yun. Natural na ang pagiging matigas ng ulo mo anak kaya sanay na kami."
Ang parents ko ay parehong may mahabang pasensiya, pero si mommy ang pinaka kalmado at palaging nakangiti, pero sa totoo lang mas nakakatakot pa siyang magalit kaysa kay dad buti nga at bibihira lang iyon mangyari. Bilang pa lang sa daliri ko.
My mom is the kind of person I would want to mess with. Siya 'yung tipo ng tao na nasa loob ang kulo, delikado at nakakatakot.
"Manang maghanda ka na ng dinner para naman makakain muna itong si Arvy bago umuwi sa kanila. Thank you." Nginitian ni mommy si manang na mabilis namang tumalima sa utos niya.
Si manang ay matandang dalaga, matagal na siyang nagtatrabaho para sa pamilya namin at may katandaan na peomas malakas pa ata sa kalabaw. Siya pa ang nag-alaga noon ky mommy at sa akin, originally ay naka-assing siya na mayordoma sa mansyon pero ng magdesisyon akong humiwalay ay pinasama siya sa akin ni mommy dahil malaki ang tiwala ng pamilya namin sa kaniya. Marami na siyang nagawa para sa amin kaya pamilya na rin ang turing ko sa kaniya, para ko na siyang pangalawang ina.
"Pero po---" Mabilis na muling naglapat ang siko ko at sikmura ni Arvy, kita mo 'tong isang 'to parang hindi kilala si mommy. Alam naman niyang ayaw ni mommy na kinokontra siya at tinatanggihan. Gusto pa ata niyang mapingot hanggang sa matanggal na ang tenga niya.
"Yes?" Nakangiting lumingon sa gawi namin si mommy na papunta na sana sa kusina para siguro tumulong kay manang na magluto.
"Wala po mom, gusto lang pong sabihin ni Arvy na napaka bait ko raw po kaya pinigilan ko na, baka kasi masyado na kayong maproud sa'kin." Pilit ang tawang pagpapalusot ko.
Halata namang hindi naniwala si mommy pero hindi na lang siya nagsalita pa at tinanguan na lang niya ako bago tumuloy sa paglalakad papunta sa kusina.