Chapter 53 Minia's POV : "Ako ba? Hindi mo aayain?" Saglit akong natigilan bago palihim na napaismid sa narinig kong tanong na iyon ni Harvest. Gaano na ba kakapal ang mukha ng lalaking to para hindi maramdaman ang pagkadisgusto namin sa presensya niya? "Hindi ba obvious na hindi ka welcome rito? Ano ba ang kailangan mo at nandito ka pa rin?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya. Dahil sa sinabi kong iyon ay biglang natahimik ang paligid. Walang nagkapagsalita at mukhang pare-pareho silang nagulat sa kasungitan ko. But can they blame me tho? Kanina pa pinakukulo ni Harvest ang dugo ko, umagang-umaga pa lang pero sira na agad ang buong araw ko ng dahil sa kaniya. "Hindi na nga pinapansin pero nagpapapansin pa. Kung kulang ka sa atensyon humilata ka sa gitna ng highway, do'n

