MAGKAHALONG SAKIT AT PANGUNGULILA

2036 Words
HUGO POV. TINAPIK ako sa balikat ng kapatid kong si Argus—hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya sa coffee shop. “Kuya, isang kape nga,” aniya habang nakatayo sa harap ng counter, nakangiti pa. Hindi agad ako sumagot. Imbes, tumingin-tingin muna ako sa paligid, sinusuri kung may kasama ba siya. “Inaasahan mo na ba ang pagdating ng ex-wife mo?” tanong niya bigla. “Bakit bigla mong naisip ang babaeng ’yon?” seryoso kong balik. “Palinga-linga ka kasi. Sino ba ang inaasahan mong papasok dito?” “Natural, customer… kaya lang napapansin ko nitong mga nakaraang araw, may lalaking laging nakatayo sa tapat nitong coffee shop. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano… pero nagiging obvious na ang presensya niya.” “Baka naman gusto lang magkape. Kung ano-ano na ang naiisip mo, nagiging paranoid ka na rin yata. Epekto pa ba ’yan ng pag-alis ni Ms. Alexia?” “Tado! Huwag mong babanggitin ang pangalan ng babaeng ’yon. Halos anim na buwan na ang lumipas mula nang umalis sila patungong US. At sa mga panahong ’yon… lagi ring wala si Papa.” “Iniisip mo pa rin ba na si Ms. Alexia ang babae ni Papa?” “Bakit? May alam ka pa bang iba?” balik-tanong ko sa kanya. “Wala naman. Kaya lang… parang hindi naman tipo ni Ms. Alexia ang papatol sa matanda.” “Ang mga babae ngayon, basta may pera, papatulan. Kaya ikaw, huwag kang tumulad sa akin. Maging matalino ka sa pagpili ng babaeng magiging karelasyon, nang hindi ka masaktan.” “Kuya, hindi pare-pareho ang mga babae. Subukan mo ulit magmahal. Baka sa ikalawang pagkakataon, maging masaya ka na.” “Huwag na nating pag-usapan ’yan. Baka masira lang ang araw ko. Kailan pala ang opening ng RestoBar?” “Tatlong araw mula ngayon. Kaya kung may iba kang schedule, ipagpaliban mo muna. Dapat kumpleto tayong magkakapatid sa araw na ‘yon.” “Bakit kailangan pa ba ‘yon?” “Oo, kailangan. Para swertehin ang RestoBar. Sabi nga nila, kapag suportado ng buong pamilya, maraming blessing ang dumarating.” “Kaya ba hindi masyadong maraming customer dito sa coffee shop ko dahil ayaw ni Papa?” tanong ko, hindi maitago ang inis sa tinig ko. “Kailan pa naging issue ’yon? At saan mo naman nakuha na ayaw ni Papa ang coffee shop na ’to?” tanong ni Argus habang nakakunot-noo at nakatitig sa akin. “Alam natin lahat—simula nang pinakasalan ko si Cindy, lahat ng ginagawa ko… ayaw ni Papa.” “Kuya, wala namang sinabi si Papa na ganyan. Ang gusto nga niya matuto tayong magtayo ng sarili nating negosyo. Lagi niyang sinasabi na matanda na siya at bilang panganay, ikaw ang inaasahang papalit sa kanya. Kahit hindi niya sinasabi nang diretsahan, ’yon ang nakikita namin ni Rufus. Kaya noong ikinasal ka kay Cindy… sobrang disappointed siya.” “I know,” mahina kong tugon. “At umabot pa sa puntong pina-block niya ako sa business industry.” Napanguso ako. Hanggang ngayon, masakit pa rin ang ginawa na ’yon ni Papa. Ngunit sabay kaming napatingin sa entrance nang bumukas ang pinto. Isang customer ang pumasok… at agad sumiklab ang galit ko nang makilala ko ang papalapit sa counter. “Hindi ka welcome dito. Alis!” mariin kong sabi sa babaeng saksakan ng kapal ng mukha. “Customer ako. Bakit mo ako tinataboy? Kaya siguro nilalangaw ang coffee shop mo, huh?” Nakangisi siya, parang tuwang-tuwa sa pagkainis ko. Hindi ko siya pinatulan. Lumapit ako kay Argus at malamig na bumulong, “Ilabas mo ang basura. Umaalingasaw ang lansa.” Tinalikuran ko siya at humakbang palayo, pero napahinto rin ako sa susunod niyang sinabi— “Bakit mainit ang ulo mo? Binasted ka ba ni Alexia? Eh ang gwapo ng kasama niya kanina.” Napakunot ang noo ko. Gumalaw ang panga ko, pero hindi ako kumibo. Nagpatuloy lang ako sa paglakad. “Hindi naman talaga kayo bagay!” sabi pa niya sa malakas na boses. “Matanda ka na, habang ’yong lalaki… halos kaedad niya.” Naramdaman kong unti-unting nanikip ang dibdib ko. Pero hindi ako lumingon. Hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na makita akong apektado. Pagpasok ko sa maliit kong kwarto, diretso akong nagbihis. Hinubad ko ang apron at mabilis na nagpalit ng damit. Kung totoo ang sinabi ni Cindy… ibig sabihin niloloko ni Alexia si Papa? Muling umigting ang panga ko. Hindi ko na kayang pigilan ang galit. Dinampot ko ang car key at tuluy-tuloy na tumungo sa exit door. Ngunit bago pa ako lumabas, tinawag ko ang manager at nagbilin, “’Wag n’yo na akong hintayin. Pauwi na rin ako. Kayo na ang magsara ng coffee shop. At paki-ban ang babaeng huling pumasok.” “Copy, Boss Hugo,” agad niyang tugon. Sininyasan ko si Argus, at mabilis siyang sumunod sa akin. Pagkasakay namin sa sasakyan, agad kong pinaandar ang makina at humarurot kaming umalis. “Saan tayo pupunta? Para yatang gusto mong paliparin ang sasakyan,” reklamo ni Argus. Hindi ko siya sinagot. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kalsada, pabilis nang pabilis… hanggang sa isang pamilyar na mukha ang sumulpot sa sidewalk. Mabilis kong inapakan ang preno. “KUYA!” napasigaw si Argus habang halos sumubsob ang noo niya sa dashboard. “Ano ba ’yan! Mabuti na lang naka-seatbelt ako, kung hindi baka lumipad ako palabas!” “Sorry, brother,” sabi ko, saka nagmamadaling bumaba. Malalaki ang hakbang ko papalapit sa dalawang taong magkasabay naglalakad. At nang makita kong si Alexia iyon, kasama ang kung sinong lalaki… biglang sumiklab ang dugo ko. Malakas kong hinablot ang braso niya, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib ko. “A-Aray!” sigaw niya. Akmang lalapit ang lalaking kasama niya pero inunahan ko siya. “STOP! ’Wag kang lalapit kung ayaw mong may mangyari sayo!” singhal ko, bago ko muling hinila si Alexia papunta sa sasakyan. Pero sinipa niya ako, dahilan para mabitawan ko siya. Sa sandaling iyon, nakalapit agad ang lalaki at hinila rin si Alexia palayo sa akin. Nag-init ang dugo ko. Lumipad ang kamao ko… diretsong tumama sa panga ng lalaki. Napaurong siya at bumagsak sa semento. “MR. HUGO NICK! Bakit ka nananakit ng tao?!” sigaw ni Alexia habang inalalayan niyang tumayo ang lalaki. “Kuya Hugo, tama na,” pigil ni Argus. Nang marinig ni Alexia ang pangalan ko, nanlaki ang mga mata niya. “S-Sir Argus… k-kapatid mo siya?” “Yeah,” sagot ni Argus. “Si Kuya Hugo ang panganay namin.” Saglit akong napahinto. “Sandali… matagal na kayong magkakilala?” “O-Oo, Kuya Hugo,” paliwanag ni Argus. “Actually, she’s my staff.” “Hmph. Kinuha mong tauhan ang… ” hindi ko na natapos. “... ang kerida ni Papa?” Hindi pa tumatama nang buo ang huling salita ko nang bigla akong nakaramdam ng malakas na hampas sa pisngi. PLAK! Napatigil ako. Napaangat ang ulo ko sa kanya. “Hindi ako kerida ng senior!” galit na galit niyang sigaw. “Gusto mong kasuhan kita?!” Pinagdiinan ko ang panga ko… nang biglang may ibang boses na nagsalita. “Kakasuhan mo ang asawa ko? Eh ano ang mga ito…?” Lumingon ako dahil sa malakas na boses ni Cindy. Hawak-hawak niya ang ilang litrato—at walang pagdadalawang-isip na ibinato niya iyon kay Alexia. Kumalat sa sahig ang mga larawan. Mga kuha niya… kasama si Papa. Magkakatabi sila sa kama, magkahawak, magkayakap. Dinampot ko ang mga larawan, isa-isa kong tinitigan. At doon… halos sumabog ang ulo ko sa galit. Pagharap ko kay Alexia, nanginginig na ang panga ko. “Ito ba ang kapalit ng pagpapagamot ni Papa sa mama mo?” mariin kong tanong. “Ito? Pagkatapos ng lahat… ipinalit mo lang ba siya sa lalaking ’to?” sabay turo ko sa kasama niya. Hindi siya sumagot… hindi ko inasahan ang sumunod… nanlaki ang mata ko nang muling dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Isa pang sampal. At doon, tuluyan nang napundi ang pasensya ko. “Kuya Hugo, enough!” pigil ni Argus, pero bingi na ako sa kahit anong babala. Lumapit ako kay Alexia at hinawakan ko siya sa braso, mahigpit… isang higpit na alam kong naramdaman niya. “You will pay for this,” anas ko, puno ng panggigigil. Walang babala… binuhat ko siya. Nagsigawan ang mga tao sa paligid pero wala akong pakialam. Pilit siyang nagpupumiglas. “Ibaba mo ako! Kakasuhan kita! Maniac ka!” sigaw niya, halos mag-echo sa buong kalsada. Mas lalo ko siyang hinigpitan, isinakay sa sasakyan, at mabilis kong kinabit ang seatbelt sa katawan niya. Malakas kong isinara ang pinto at pinindot ang lock sa hawak kong remote. Narinig ko pa ang sigaw ni Cindy, “Hugo, mag-usap tayo!” Pero ni hindi ko siya tiningnan. Umikot ako sa kabilang side, binuksan ang pinto, at sa sandaling iyon ay nagsisisigaw pa rin si Alexia. Umupo ako sa driver’s seat, pinaandar ang makina, at saka pinasibad ang sasakyan palayo. Habang mabilis ang takbo, inabot ko ang cellphone sa dashboard at tinawagan si Argus. “Clean the mess. Tawagan mo si Papa. Ibigay mo sa kanya ang mga litrato nila ng babae niya.” Pagkasabi ko noon, hinagis ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard, saka mas lalo pang binilisan ang takbo. “Mr. Hugo Nick!” sigaw ni Alexia. “Pwede bang bagalan mo? Ayaw ko pang mamatay!” “Shut up, woman!” sigaw ko. Lalo lang niyang pinag-iinit ang ulo ko. “Bakit mo ba ginagawa ’to sa akin?!” iyak-galit niyang sigaw. “Wala naman akong natatandaang ginawan kita ng kasalanan!” “Ginago mo ang ama ko! Pinagamot niya ang mama mo, tapos ipagpapalit mo lang siya sa iba? Dahil matanda na siya? Dahil hindi ka satisfied sa kama, kaya kumuha ka ng mas bata?” madiin kong sagot. Hindi siya sumagot. Kaya bahagya kong sinulyapan. Nakatingin siya sa labas, sa kawalan ngunit kuyom ang magkabilang kamay. “Bakit hindi ka makasagot? Dahil tama lahat ng sinabi ko?” Huminga siya nang malalim. “Bakit pa ako sasagot kung puro nonsense ang sinasabi mo?” malamig niyang tugon. “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ’yang mga pinagsasasabi mo.” Tumingin siya sa akin, matalim ang tingin. “At tungkol sa mga pictures… bago ka mag-akusa, ipacheck mo muna sa expert kung edited o hindi. Para hindi ka mapahiya. Para ka namang hindi nag-aral. Sabagay—pareho pala kayo ng asawa mo.” Tumaas ang kilay niya. “Ang baho ng bunganga, puro bulok ang lumalabas. Huh!” Natapakan ko ang preno… malakas, biglaan… sa sobrang talas ng mga salitang binitawan niya. Tumigil ang mundo. Narinig ko ang pag-ingit ng gulong sa kalsada… at kasunod noon ay ang mahinang “Aray…” nang tumama ang noo niya sa dashboard. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Dahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan sa gilid. Nanginginig ang mga kamay kong mabilis na nag-unbuckle ng seatbelt ko. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko—parang gusto nang kumawala. “Alexia…” hingal kong tawag. Agad kong inabot ang balikat niya, inaangat ang mukha niya para matignan. Namumula ang gilid ng kanyang noo. Sa isang iglap, nawala ang galit—napalitan ng matinding takot na hindi ko maipaliwanag. “I’m sorry… I’m really sorry, hindi ko sinasadya.” Nag-aalab ang boses ko sa takot at pagsisisi. Hindi ko na napigilan ang sarili… niyakap ko siya nang mahigpit, parang instinct, parang kailangan ko siyang maramdaman para matiyak na ligtas siya. Ramdam ko ang pag-igting ng katawan niya sa bisig ko. “L-let me go…” mahina niyang utos, halos pabulong, pero nanginginig. Hindi ako nakinig. Hindi ko kaya. Nanatili ko siyang yakap—dama ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib, at ang pagpipigil niyang humikbi, na kahit pilit itinatago, ramdam na ramdam ko. “Sorry…” bulong ko muli, halos paos. “Hindi dapat kita sinaktan. Hindi dapat ako nagpadala.” Kasunod noon ay unti-unti siyang nagpumiglas, pero sa pagitan ng mga paghinga niya ay ramdam ko ang kakaibang lambot—hindi galit, hindi rin takot… pero isang emosyon na pilit niyang pinipigilan. At doon… mas lalo lang kumabog ang dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD