SA LOOB NG CUBICLE

2022 Words
HUGO POV. KANINA pa ako nakaupo sa pinakasulok ng RestoBar. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Papa. Kahit galit ako sa kanya… sa dami ng babaeng puwede niyang magustuhan, si Alexia pa talaga. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Tsk, tsk… Napailing ako sa sarili. Pero ganun pa man, ang trabaho ay trabaho. Hindi dapat humalo ang personal na buhay namin… sa responsibilidad ko. At bilang panganay, kailangan kong panindigan paghawak ng mga negosyo. “Hi, pwede bang umupo?” Bumalik ako sa huwisyo at tumaas ang tingin sa babaeng nakatayo… mismong sa harap ko. Kaunti pa lamang ang customer, kaya may bakanteng mesa pa sana. Pero sa tingin ko, maayos naman siyang kausap, kaya hinayaan ko. “I’m Rhyne. And you are?” “Nick.” Walang gana kong sagot bago ko dinampot ang baso at uminom. Ayaw ko sanang mag-alok ng inumin, pero dyahe naman kung hindi. Kumaway ako sa waiter nasa malapit. “Order ka ng gusto mong inumin,” sabi ko kay Ms. Rhyne. Ngumiti siya at nagpasalamat. Ang hindi ko inaasahan, tumayo siya at biglang umupo sa tabi ko. Ayaw ko siyang ipahiya, kaya hinayaan ko na lamang. “Lagi ka bang narito?” tanong niya. “What do you mean… kung madalas akong pumunta dito?” sagot kong may halong pagtataka. Hindi naman ako ganun ka-interesado sa mga tanong niya. “Oo. Bagong bukas lang ang RestoBar… tama ba ako?” “Oo. Ilang araw pa lang yata.” Sumulyap ako sa kanya. “Ikaw ba, mahilig ka sa mga ganitong lugar?” “Hindi naman. Kapag hindi lang ako busy… o kaya kapag stress sa trabaho, saka lang ako pumupunta sa mga ganito.” “I see.” May kutob akong pareho kami ng pinagdadaanan, pero hindi ako ‘yung tipong nakikialam sa pribadong buhay ng iba. “Hindi ka ligtas sa ganitong lugar,” sabi ko. “Babae ka. At ang mga lalaki… hindi pare-pareho. Kapag may alak na sa katawan, karamihan nawawala sa katinuan at nakakagawa ng hindi tama.” “Alam ko naman ‘yon,” aniya, sabay pilit ng ngiti. “Kaya nga dito ako nakiupo sa table mo. At least, iisipin ng iba na magkasama tayo.” “Malay mo, kagaya rin ako ng karamihang lalaki… ’yung kapag lasing, hindi na alam ang ginagawa.” Seryoso kong sabi bago muling buhatin ang bote ng alak at nagsalin sa baso. “Hindi ko naman nararamdaman ‘yon.” Umiling siya nang bahagya. “Ahm… iba na lang ang pag-usapan natin.” “Kagaya ng ano?” tanong ko habang sumasandal at nagde-kuwatro ng upo. “Gaya ng mga bagay na nakakapagpasaya, nakakawala ng problema. ‘Yung tipong mapapatawa natin ang isa’t isa. Sabi kasi nila, ang halakhak daw, gamot sa puso.” Ngumiti siya, pero ramdam ko ang bigat na pilit niyang tinatago. Marahil, naghahanap lang talaga siya ng makakausap. “Hindi ako komedyante. Mali ka ng nilapitan,” biro ko habang bahagyang tumawa. Natawa rin siya, kaya sinulyapan ko siya. Maganda ang babaeng ito… mukhang mabait at disente. “Kaya ka ba nandito dahil brokenhearted ka?” prangka kong tanong. Kita kong nagulat siya. “Ayos lang kung ayaw mong sagutin.” “Oo…” mahina niyang tugon bago siya sumandal at tumingin sa malayo. “Yung asawa ko… nasa tunay niyang mahal.” “Bakit kayo nagpakasal kung may mahal pala siyang iba?” “Arrange marriage kami. Sa papel lang kami mag-asawa… para sa negosyo ng pamilya.” “Kung ganun, hindi ka brokenhearted. Baka ego lang ang nasaktan. Syempre, nakikita ng mga kakilala mo na may ibang babae ang asawa mo.” Napangiti siya, pero mapait. “Ikaw? Brokenhearted ka ba kaya narito ka?” Parang tinamaan ako sa sinabi niya. Sasabihin ko ba ang totoo… o magsisinungaling? “See? Hindi ka makasagot,” aniya. “Ikaw yata ang mas brokenhearted.” “Yeah.” Napabuntong-hininga ako. “May lalaki ang asawa ko. At kung hindi pa sa anak ng kalaguyo niya, hindi ko malalaman na matagal na pala niya akong niloloko.” “Wala akong masabi…” bulong niya. “Magkaiba tayo ng sitwasyon pero… nakakatawa, ano?” “Ang alin?” “Ang nangyari sa atin.” Napatingin siya sa akin. “Hindi ka mukhang ordinaryong lalaki. Pero pareho pala tayong dumaraan sa ganito. Gusto kong mag-file ng divorce… pero hindi ko magawa. Maapektuhan ang company. Haist… Hindi ba pwedeng ihiwalay ang pribadong buhay sa trabaho?” “Depende sa’yo.” Umayos ako ng upo. “Kung alam mong wala naman kayong future ng asawa mo, bakit hindi ka bumitaw? Negosyo? Nariyan lang ‘yan. Nasa taong nagpapatakbo kung uunlad ang kumpanya… hindi sa arrange marriage.” mahaba kong paliwanag. “Yeah, tama ka naman… pero ako ang panganay. Responsibilidad kong panatilihing stable ang mga kumpanya. Kahit mahirap, kailangan kong tiisin.” “‘Yan ang mali sa ating mga Pinoy,” sagot ko. “Dahil panganay, iniisip nating tayo ang dapat sumalo ng lahat… even if kaya naman ng ibang kapatid natin.” Napatingin siya sa akin, tila nagugulat pero may bahid ng pagsang-ayon. “So… sa puntong ‘yon, pareho pala tayo. Tama?” “Yeah. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Although may asawa na ang bunso naming kapatid na babae…” Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang mawala ang atensyon ko sa kausap. Umalingawngaw sa loob ng RestoBar ang malakas na boses ni Cindy. “So, iba na naman ang babaeng kasama mo?” Napapikit ako sa inis. “’Wag kang gumawa ng gulo dito,” mariin kong sabi bago ko sinenyasan ang isa sa mga bodyguard ko. “Boss Hugo, may ipag-uutos ka?” “Take this lady away. Gumagawa siya ng eksena.” “Subukan mong hawakan ako…!” singhal ni Cindy habang umuurong ang tauhan ko. “Ilabas mo siya!” matigas kong utos. “At papuntahin mo rito ang manager.” “Masusunod, Big Boss.” Hinila nila si Cindy palabas habang nagpupumiglas, nagwawala, at halos maghamon ng away. Napahawak ako sa sintido ko… para bang biglang sumabog ang sakit ng ulo ko. Maya-maya, narinig ko ang mahinhing boses ng manager. Umayos agad ako ng upo at hinarap siya. “Paki-ban sa lugar na ‘to si Cindy,” mariin kong sabi. “Hindi na siya dapat makapasok dito. Ganun din ang sinumang customer na gagawa ng gulo.” Hindi siya kaagad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin… at kay Ms. Rhyne. Napataas ang gilid ng labi ko. Ano kaya ang iniisip ni Alexia? “Hey! Hindi mo ba ako nar—” “Hindi ikaw ang boss ko, kaya huwag mo akong utusan.” Matapang at mariin ang sagot ni Alexia, saka agad na umalis at iniwan kami… dahilan para lalo pang uminit ang ulo ko. “Mr. Nick,” bulong ni Ms. Rhyne, “ang bata pa ng manager dito… at ang ganda niya.” Napakunot ang noo ako. “Anong ibig mong sabihin? Para namang kakaiba ang tono mo.” “Base sa nakikita ko, at kung hindi ako nagkakamali…” ngumiti siya. “Nagseselos siya. Baka iniisip na may relasyon tayo.” Sinipat ko siya. “Siguro dati kang detective. Magaling kang bumasa ng kilos at pananalita.” Ngumiti siya. “Tama ka. Bago ako ikinasal sa asawa ko, police ako… at private detective.” “Ah, kaya pala walang ligtas sa’yo ang galaw ng asawa mo.” Napapangiti ako, hindi man lang siya nagkaila, sinabi talaga ang totoo. Tumayo siya, kinuha ang bag. “Aalis na ako. Kailangan ko nang magpahinga… maaga ang flight ko mamayang madaling araw. Salamat sa inumin. Puntahan mo si Manager. Huwag mong hayaang lumala ang selos niya. Baka pagsisihan mo sa bandang huli. Hindi siya basta babae.” Saka siya humakbang palayo. Napailing ako habang nakasunod ang tingin sa likuran ng babae, saka ko ipinagpatuloy ang pag-inom. Ilang sandali pa, nakita ko ang kapatid kong si Argus Emanuel na papalapit. “Brother, kanina ka pa ba dito?” “Oo. Saan ka ba galing? Kanina pa rin kita hinihintay… ang tagal mo.” “Sa bahay. Ganitong oras naman talaga ako dumarating dito,” kaswal niyang sagot bago siya umupo sa tabi ko. “May gulo kanina. Dumating si Cindy… gumawa ng eksena.” “Nasabi na sa akin ng staff ko.” “Sino? Si Alexia?” “Hindi. Isang waiter.” Kumunot ang noo ni Argus. “Teka, bakit nasasali sa usapan ang manager ko?” “Dahil siya lang naman ang lumapit dito sa table ng ipatawag ko para ipa-ban si Cindy.” “Anong sagot niya sa’yo?” tanong niya na may ngiting may ibig sabihin. Doon ko lalo na-sense… nagsumbong na si Alexia. “Bakit mo pa tinatanong kung alam mo na rin, huh?” sabay lagok ko ng alak. “Aalis na ako. Maaga pa ako bukas sa main office.” “Sandali, Kuya Hugo!” pigil niya habang tumatayo ako. “What?” “Ibig bang sabihin… tinanggap mo na ang matagal nang hinihiling ni Papa?” “E ano pa nga ba? Ako ang panganay.” Tinaasan ko siya ng kilay. “O baka gusto mo ikaw na lang?” “Aba, hindi! Hindi ko pinangarap magkaroon ng sakit ng ulo.” Tumawa siya at tinalikuran ako. Pagharap ko sa exit, biglang sumagi sa isip ko ang sinabi… at ginawa… ni Alexia kanina. Kaya imbes na lumabas, lumiko ako. Dumiretso ako sa harap ng opisina ng manager. Nagulat siya nang makita ako, pero mas nagulat siyang pumasok ako sa maliit niyang cubicle. Maliit iyon, at pagkapasok ko ay tila napuno ko ang espasyo. “Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka,” taboy niya agad, halatang umiiwas. Hindi ako sumagot. Isang hakbang pa, kaya napaatras siya hanggang halos tumama sa mesa. Hindi ko siya hinawakan… pero nilapit ko ang katawan ko sapat para maramdaman niya ang presensya ko. Matiim ang titig ko sa kanyang mga mata, malinaw na makikita ang tunay kong intesyon. “Hindi ako ang amo mo,” mahina kong sabi, mababa ang tono. “Alam ko ’yon.” Napalunok siya, ngunit hindi ngumiti. “Pero may karapatan ako… na linawin ang ginagawa mo.” “A-anong karapatan?” balik niya, kinakabahan ngunit matapang. “At sino ka ba para magdikta sa akin?” Lumapit pa ako ng bahagya; hindi ko pa rin siya hinawakan, pero sapat para halos magtagpo ang hininga namin. “Gusto mo talagang malaman kung sino ako, Alexia?” Mababa, diretso, parang hamon. Tumagilid siya, nagmatigas. “Oo. Sino ka para sabihan ako nang ganyan?” Nagtagal ang tingin ko sa mga mata niya… galit, takot, kaba, at… paghihintay. Saka ako ngumiti nang bahagya, mapanganib, may laman. “’Yung lalaking hindi mo kayang isnabin.” mahina kong ani, na may mapanuksong ngiti. “Mas mabuti pang lumabas ka na, Mr. Hugo Nick, marami akong trabaho at nakakaabala ka.” mariin niyang utos. Hindi ako sumagot… nakatitig lang sa kanyang mukha. “At lilinawin ko lang hindi mo ako pagmamay-ari…” “Pero akin ka!” mariin kong sagot, bago mabilis na yumuko at hinalikan siya sa labi, nagpumiglas siya… nagsusumikap kumawala. Ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. Hanggang… Lumalim ang halik, gumanti siya at kundi pa may kumatok sa wall glass, hindi ko siya bibitawan. Walang nagsalita sa aming dalawa, nakita kong tumalikod siya at nagmamadaling inayos ang suot na nagusot dahil sa ginawa ko. Ilang segundo ang lumipas, nang makita kong nakaupo na siya… humakbang na ako palabas, ngunit agad din huminto...“Good night, Manager,” marahan kong sabi bago ako tuluyang lumabas ng cubicle. At bago ako makalayo, narinig ko ang mahinang pagmumura ni Argus… ang kapatid ko. At sa puntong ‘yon napangiti ako. Pagsakay ko sa sasakyan, agad inabot sa akin ni Joey, ang tablet. "Boss, panoorin mo ang buong video, kanina lang 'yan." Hindi ako sumagot, nakatingin lang... iniisip ko kung sino ang may kagagawan nito. At isa lang ang pumasok sa aking isipan... Rhyne? Pero bakit ang bilis naman yata... o baka naman si Cindy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD