The Clash of Bitches "IT'S Lia, honey. " Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang baso. She doesn't like what she's feeling. Hindi siya mapalagay na kaharap ito. Parang may balak itong gawing masama sa kaniya. Who is this woman anyway? Lia? Saan niya nga ba narinig ang pangalan nito? Naalala niya ang ginang na kausap ni Nickolas kanina. Marahil ay ito ang tinutukoy nitong anak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, hindi na niya naisip pa kung nakaka-offend man ang ginagawa niya, pero sa itsura naman nito ngayon, mukhang hindi naman. Itinaas pa nito ang hawak na kopita and striked a sexy pose. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya dito. Wala naman itong ginagawa, but the mere thought of her makes her blood boil. "Do you still remember me?" May kakai

