A Ball, A Dance and A Bitch THEY had a very quiet ride all the way to the hotel kung saan gaganapin ang charity ball. Wala sana siyang balak imikin ito. He already ruined his expectations for this night at talaga na-offend siya. Nang makarating sila sa hotel, hindi na niya ito hinintay pang pagbuksan siya nito ng pinto dahil nauna na siyang bumaba. Kipkip ang clutch bag at laylayan ng kaniyang gown ay nauna na siyang naglakad papunta sa entrance. Hindi niya pinapansin ang pagtawag nito sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya! "Shii!" Narinig niya ang mabilis nitong mga yabag sa kaniyang likod, pero hindi niya ito nilingon. "Mahal ko!" Napansin niya ang mangilan-ngilan nilang nakakasabay na napapatingin na sa kanila. "Shii---fvck! " Naramdaman niya ang mabilis na pa

