Chapter 5: Her Laughter

1906 Words
Chapter 5: Her Laughter          "FROST, Flame!" She shrieked in excitement, with the sight of the two, tuluyang nawala ang negatibong pakiramdam na kanina lang ay bumalot at halos kainin siya. "Mmm-ma!" Oh, how she miss them! "Hello babies! Mama miss you so much!" Agad na lumapit si Sophia sa dalawa at pinupog ang mga ito ng matutunog na halik. Ilang araw niyang hindi nakita ang mga ito. They were so busy abouy the party those past few days kaya naisipan nilang iwan ang mga ito pansamantala sa mga magulang ni Clarence. Pumayag naman ang mga ito, since miss na miss narin daw nila ang mga apo. They live a little far, mula sa bahay nila. "Alam kong na-miss mo sila ate, pero pwede bang papasok muna? Nangangawit na ko sa dalawang bulinggit na to eh!" Napabungisngis siya sa nakangusong si Danica. Kapatid ito ni Clarence at medyo spoiled, pero mabait naman. Dumako ang tingin ni Danica sa kargang batang babae at nasalubong nito ang isang nagyeyelong tingin, dahilan para mapalunok ito. "Ate naman eh, dali na!" Pagmamadali pa nito. Napapangiting niluwagan niya ang pinto para makapasok si Danica. Sinubukan niyang kunin si Flame mula dito pero si Frost ang ibinigay nito. Napapailing na kinuha niya ang anak. "Hi baby, na-miss mo ba si mommy?" Kinausap niya ang anak, pero tinitigan lang siya nito. "Ang sungit ng baby oh, sige ka, maaga kang magkaka-wrinkles. Gusto mo ba yun?" Maya-maya ay ngumuso ito. "Ang taray ng anak mong yan ate! Ni ayaw ngumiti. Nakakainis naman kasi kayo eh, san mo ba pinaglihi yan?" Angal ulit nito. "Alam mo naman kung saan eh." Napatawa siya ng umangat ang gilid ng labi ni Danica at mahinang nag 'tss'. Ang kulit talaga nito, manang-mana sa kuya niya. Noong nagbubuntis pa lang kasi siya, mahilig siya sa malamig tulad ng ice drop at ice cream. Palagi siyang nagpapabili non kay Clarence, kaya minsan napapagalitan na siya nito dahil masama na daw yun. But in the end, siya parin ang nasusunod. He just can't bear seeing her pout all day, dahil lang hindi nadampian ng malamig ang dila niya. Mahilig din siyang tumitig sa apoy non, she was deeply fascinated on how those elements sway with the wind's mild blow. Gustung-gusto niyang nakikita ang bughaw at red orange na kulay niyon, habang kinukulit niya si Clarence kung paanong nangyari at nagsama sila, eh magkaiba naman ang kulay nila. Naalala niya pa noon, araw-araw niya yung tinatanong sa kay Clarence hanggang sa magkamot na ito ng batok. Mahilig si Clarence magluto, he was a chef by profession. Palagi itong nasa kusina at nag-i-experiment, kaya siya, sumasama din sa dito. Tumatambay siya sa kusina, para lang matitigan ang apoy. She love those two things, the chill and the heat, the frost and the flame. Kaya nong manganak siya, and learned that she have a boy and a girl, she instantly decided to name them after her cravings. "Baby, wag mo nang pansinin si tita Danica mo ah?, insecure lang yan kasi cute ka." She pat her daughter's cheek. "ATEEEE!" Nagpapadyak si Danica sa sahig na tila isang bata. Ayaw kasi talaga nitong sinasabihan ng hindi cute o maganda. Well, maganda naman talaga ito, she's Clarence sister in the first place. She has that cute aura, kikay kumbaga. She's the type of girl na mahilig sa pink, hairband, and other cute stuffs. "Alam mo bang nahirapan akong kargahin ang mga panget na to, tapos gaganunin niyo lang ako? Ayoko na nga! Aalis na ko, ang papanget niyo!" Nagpapadyak ulit ito. Isip-bata talaga. "Oo na, hindi na!" Tinawanan niya ito. "Oo nga pala, sino ang kasama mong bumiyahe dito? Diba hindi ka pinapayagang umalis ng walang kasama?" Nginisihan siya nito. Kinabahan tuloy siya. Para kasi itong kuya niya, bigla na lang ngingisi kapag may naisip na kalokohan. "Sila mama at papa." Lumapad ang ngisi nito ng makita ang panlalaki ng mga mata niya. "Ano?! Bakit di mo sinabi kaagad?!" Bigla siyang natuliro. Agad niyang kinuha si Flame mula kay Danica. "Teka, ang bigat naman!" Tsaka niya lang na-realize na dalawa na silang hawak niya. Mabilis siyang tumalikod para hagilapin si Clarence, pero wala na siya sa dati niyang pwesto. Ang naiwan na lamang doon ay si Nickolas na sa di malamang dahilan ay nakatulala. "Asan na ang kuya mo?" Baling niya kay Danica, since siya ang nakaharap sa sala. "Biglang tumakbo sa taas eh." Nanaman?! Nagkibit-balikat lang ito at tsaka nagsimulang maglakad papunta sa upuan kung saan nakaupo si Nickolas na hanggang ngayon ay nakatulala parin habang titig na titig sa kambal. "Hangwafuu ..." Bulong ni Danica na ang tinutukoy ay di Nickolas. Tsk, nadagdagan na naman ang sangkaterba nitong crushes. "Dan, pakihawak mo naman muna tong si Frost, aakyatin ko lang ang kuya mo." Naiiling kong wika. "Ate, its Nics, not Dan. I'm not a guy! Tss." She whined. "Oh siya! Pakihawak mo muna si Frost." Inabot niya dito si Frost, na ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Nailing na lang siya. Kung bakit kasi sa ice cream pa siya nahilig nong buntis siya, para din tuloy yelo ang anak niya. She has those cold stares with no emotion at all. The type of stares that could make anyone shiver. Karga si Flame ay umakyat si Sophia sa ikalawang palapag ng bahay nila. Kinatok niya ang pinakaunang kwarto kung saan alam niyang nagtatago na naman si Clarence. "Bae, nandito si mama at papa, lumabas ka na diyan at magluluto pa ko!" "H-ha? S-sige, susunod ako!" Sagot nito mula sa loob. "Kargahin mo muna si Frost please? Baka kasi kung saan na naman pumunta kapag hinayaan kong maglakad-lakad eh." she teased him, at tsak binalingan ang kargang si Flame. "Sshh ka lang baby ha?" "B-bae, nasa s-shower pa ko eh!" sagot ulit nito. Pinigilan niyang huwag matawa dito. Halata naman kasing nagsisinungaling ito. She could clearly hear the creaking of the bed from the outside, tanda na doon ito nakaupo. She could imagine Clarence, habang naguguluhan kung saan ba ito magtatago. She giggle with the thought. "Ganon ba? Oh sige, itong si Flame na lang ang hawakan mo, andiyan naman si Danica eh, pero kapag hindi ka pa lumabas diyan, kay Danica ko ibibigay si Flame!" Muli niyang kinatok ang pintuan, mas malakas sa nauna.  "ANDIYAN NA!" Kasunod niyon ay nakarinig siya ng malakas na kalabog mula sa loob, tanda ng mabilis na pagkilos ng tao mula sa loob. "Ssshh, quiet baby okay? Daddy's coming." Ngumiti siya kay Flame, na sinagot naman nito ng isang bungisngis. Gustung gusto kasi talaga nito ang mga ganoon, yung may pinagkakatuwaan. He's playful in nature and it makes him more adorable. Bumukas ang pinto at bumulaga ang isang Clarence na malapad ang ngiti. "So where's Flame?" Bungad nito. "Here. Go to daddy baby." Baling niya kay Flame habang inaabot ito kay Clarence. Pagkatapos ay tiningnan niya ang binata mula ulo hanggang paa. He's still wearing that same shirt and shorts he wore a while ago. "Nag-shower pala huh?" Tukso niya dito na ikinapula ng mukha nito. "Bae naman eh ..." Maktol nito. "Oh siya, andito si mama at papa, magluluto lang ako. Ikaw muna bahala kay Flame okay?" "Aye, aye captain bae!" Sumaludo pa ito, and they saw how Flame wave his hands, trying to imitate his father's action. "Kiss bebe!" Loko pa ni Clarence, kaya pabirong kinurot niya ito. "Ano ka ba, naririnig ka ng bata! Baka mamaya ga-- Naputol siya sa pagsasalita. "Ish ..iss ..b-bebe! Iss, be!" Pumapalakpak na sigaw ni Flame na tila ba tuwang-tuwa sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya. "Nakita mo na! Aissh!" Kinurot niya ulit ito, pero nailagan na nito. "Kung anu-ano ang natututunan niyang anak mo sayo!" Nginisihan siya nito. "Matutunan niya rin naman niya yun paglaki bae eh. Diba uso naman advance study ngayon?" Mariin siyang napapikit para maiwasang tuktukan si Clarence dahil sa kalokohan nito. Binalingan nito si Flame na bumubungisngis parin."Good boy, now say 'Hey babe, can I have your number?'" Napatigil sa pagbungisngis si Flame at tumitig kay Clarence, as if he's trying to contemplate and analyze his father's words. "He ...ber?" He mumbled, making me burst into laughter. Si Clarence naman ay napasimangot. "Oh, ano ka ngayon?" Tukso niya dito. "Wala lang siya sa--- "Aaaaaah!" Sabay silang napatigil ni Clarence when they heard a child's squeel. Her eyes widened ng sa wakas ay nagproseso na sa utak niya kung ano ang nangyayari. "SI FROST!" Sabay nilang naisigaw ni Clarence. Mabilis nilang tinungo ang daan pababa. Mula sa itaas ng hagdan ay sinilip niya ang ibaba, at nakita niya pa ang nagmamadali at kalalabas lamang na si Danica mula sa kusina. "Nasaan si Frost?!" Sigaw niya mula sa itaas. Tumingin sa kanya si Danica. Nasa mga mata nito ang tanda na kinakabahan din ito sa posibleng nangyari sa pamangkin. "Iniwan ko lang sandali sa sala ate, uminom lang kasi ako saglit sa kusina eh!" Mabilis nitong pagpapaliwanag. Hindi ito mapakali. "Ano?! Bakit mo iniwan?!" Mas lalo siyang kinabahan. Paano kung may nangyaring masama sa anak niya? Morbid images flashed in her mind at tila naestatwa siya. She doesn't want to entertain those, but they keep on playing and just won't stop. "Ate ..." Ito man ay halatang sobrang kinakabahan na rin. "Bilisan mo, puntahan mo na sa sala!" Utos niya dito na mabilis nitong sinunod. Pagkatapos niyon ay siya naman ang mabilis na bumaba. Halos liparin niya na ang hagdan sa sobrang pag-alala. Sa sobrang bilis niya ay halos nagpanabay lang silang tatlo ng dumating sa sala. "Aaaaaah!" They heard another sound, at halos hindi siya makapaniwala sa nakita. As expected, nagmula ang sigaw kay Frost, pero hindi dahil nasaktan ito o may nangyaring masama dito. "Hahahahahaha." She's laughing. God, she really is laughing! It was the very first time na nakita niyang tumawa si Frost. Gone was her reserved and cold aura, with that wide smile pasted on her lips, she looks like an angel. Ang gaan sa pakiramdam na makitang ganon kasaya ang anak mo. It feels like nothing else matter at the moment, but her happiness. Minsan na niya itong napangiti, pero ni minsan ay hindi niya pa ito napatawa, and hearing her laughter na halos sinukin na ito, ang saya lang. Dati, akala niya hindi na niya maririnig ang tunog na yun mula dito, she had accepted, but now, just wow. I hope this moment never ends. Dumako ang tingin niya kay Nickolas na kasalukuyang buhat-buhat ang tumatawang si Frost. Hinahagis at sinasalo niya ito, na ikinatatawa ng bata. She don't know why, ni hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakapansin, but despite of his little smile, kitang-kita niya kung gaano ito kasaya. She could see it through those misty eyes na ngayon ay bahagyang namumula. Ang mas hindi niya maintindihan, why does she feel like crying? Alam niyang sobrang saya niya, but no, there's something else. Something deeper. "Ate ... Tell me, totoo ba yung nakikita ko? Si Frost ba talaga yan?" Nabalik siya sa kasalukuyan ng marinig niya ang tanong ni Danica, na ngayon ay nakapako din ang tingin sa dalawang tao na nagkakasayahan sa sala. They're so engross with their little world, that they became oblivious sa ibang mga tao sa paligid nila. "Yes Danica, its real. Totoong tumatawa si Frost, totoo to." I uttered with my eyes still to my daughter and Nick "Wow." She expressed and I can't help but smile. ****************************** Gee❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD