Chapter 6: Who's She?

1876 Words
Chapter 6: Who's She?                "AKO naman! Ako naman!” Mabilis na kinuha ni Clarence ang tumatawang si Frost. “Gwapo lang naman pala ang kailangan mo para tumawa eh.” He took Frost from Nickola’s arms, and started to sway him hard. Tumigil sa pagtawa si Frost ng makitang iba na ang mukha ng mayhawak sa kanya. She paused for a moment, at pagkatapos non ay nangyari na ang bagay na pinakaiiwasan nila sa lahat. “Sssshh … sshh … tahan na baby!” Agad na inugoy ni Clarence si Frost, but it was no avail. Mas lalo lang lumakas ang iyak ng bata. Pulang-pula na ang mukha nito, and Clarence looked at her, silently asking for help. Mabilis naman siyang lumapit at kinuha si Frost. Katulad ng ginawa ni Clarence ay inugoy-ugoy niya rin ito.  Humina ng kaunti ang iyak nito, but she’s stil sobbing. Kinusot nito ang mga mata na nanghahapdi sa kakaiyak. Gosh, how could I make her stop? She thought. Ito na nga ba ang ikinatatakot nila. Frost is the type of child na hindi halos kumikibo, not unless you’ll ask her directly. She’s not your ordinary girl, coz she’s silent almost all the time, pero sa oras na umiyak ito, you’ll surely regret having the word ‘nasty’ in your dictionary. She has those deafening cries at napakahirap niyang patahanin! Sa sobrang lakas niyang umiyak, you’ll surely be happy na hindi uso ang forever. “Waaaah! …waaah! Mm-mma!” She’s still crying, at kahit maging siya ngayon ay hindi na ito mapahinto. “Ssshh … tahan na Frost.” She almost pleaded while rocking her. Basang-basa na ang mukha nito, and its alarming her. “May I?” She heard someone said behind her, at ng lumingon siya, she was surprised to see Nickolas while extending both his arms at tila gustong kargahin ang kanina pa umiiyak na si Frost. “I’ll just try.” He added ng mapansin niyang hindi pa rin siya kumikilos. She think for a while, but later realized that she don’t have any other choice but to give it a try. She handed her Frost and watched habang tinatapi-tapik nito ang bata. Lahat sila ay nakaantabay sa gagawin nito. He made some weird move, and they were surprised ng mapansin ang unti-unti paghina ng iyak ni Frost, na nagging mumunting sigok … hanggang sa nawala. She stared at Frost, and saw na nakatulog na ito, while pouting. She leaned closer to Nickolas, nagsumiksik pa ito sa dibdib ng binata, as a small smile escaped her cute little lips. Something seemed to touch Sophia’s heart. Hindi niya iyon mapangalanan, hindi niya lubos na maintindihan how such wonderful feeling could exist. It feels warm, yet good. "Did we skip something here?" Agad na nabaling ang atensyon nila sa isang napakagandang ginang, at sa kasama nitong lalaki, na sa kabila ng edad ay makikita mo parin ang taglay na kakisigan. Nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Mabilis siyang lumapit dito at yumakap. "Mama." Pagbati niya. Binalingan niya ang kasama nitong lalaki at yumakap din. "Papa." "Iha." Tugon nito, as he patted her back. "Kumusta na?" Ngumiti siya at muling niyakap ang ginang, bago sumagot. "Mabuti naman po, eh kayo? Ang tagal na po simula ng huling bisita nyo dito. Pasensya na nga po pala sa abala, wala lang po talaga kasi kaming mapa-iwanan sa kambal." "Ay naku iha, wag mo ng isipin yun. Mabuti nga at naiwan doon ang kambal at may ginagawa na itong si Danica. Hindi tulad noon na panay lang computer SNS ang inaatupag." Nakangiting pahayag ng ginang na nagsilbi niya na ring ina. "Ano namang gusto niyong gawin ko mama? Doon na nga lang ako nagkakaroon ng friends kasi ayaw niyo naman akong palabasin ng walang chaperone." Maktol ni Danica na ikinasimangot ng ina. Magsasalita pa sana ang ginang, pero nahagip ng kanyang paningin si Nickolas na patuloy paring inuugoy sa kanyang mga braso ang nahihimbing ng si Frost. "Oh, I think  know this man. You are?" Tanong nito kay Nickolas. "Nickolas, I am Nickolas Allen Sobremonte ma'am." Sagot nito. "Sobremonte? Oh, I see. Ikaw ang may-ari ng NAS right? Hmm." Binalingan ng ginang ang asawa. "See Christian? I told you, my son could do it." Nakangiting pahayag ng ginang na para bang nagpapaliwanag ito kung paano ito nanalo sa lotto. Nagtaas ng dalawang kamay ang lalaki, like he's saying that he'd given up "Yeah, I know." "Ma, bago yan. Umupo muna kayo. Ako ang napapagod sa inyo eh." Clarence interrupted. Mabilis itong lumapit sa ina, at pabirong inalalayan ito kahit hindi pa naman ito ganoon katanda. "Oh, dahan dahan ma, ang rayuma." Biro nito, dahilan para umani ito ng isang sapak mula sa ina. "Aray!" "Hindi pa ko matanda!" Naiinis na ani ng ginang. "Oo siya, siya." Sumusukong sagot nito habang hinahaplos ang nasaktang likod. "Ang sakit non ha." "Oh siya tama na yan. Halika na nga dito." Hinila ni Sophia si Clarence sa tabi niya at muling ibinaling ang pansin sa ina at sa asawa nito. "Mama, umupo muna po kayo ni papa. Maghahanda lang po ako ng makakain sa kusina." "Naku iha, wag ka ng mag abala at hindi naman kami magtatagal. Napadaan lang naman kami dito para ihatid ang mga bata, at sumilip na din." "San po kayo pupunta?" Tanong ni Clarence sa ina. "Ihahatid namin si Danica sa Maynila, she's a late enrolee pero nakausap ko na ang dean ng school at pumayag naman silang tanggapin ang kapatid mo." "Oh, I pity them." Bulong ni Clarence. "May sinasabi ka kuya?" "Wala!" Agad na sagot ni Clarence ng makitang nalabusangot na naman si Danica. "I'll just make you sandwiches then? Mahaba pa po ang byahe nyo from here to Manila. Mas maganda po kung may mababaon kayong pagkain." "That would be nice iha, you know I've always love your sandwiches. Right honey?" Lambing nito sa asawa, at kailangan niya pang sikuhin si Clarence na umaaktong nasusuka, para magtigil. "Yeah, and I think I'll go with that chicken sandwich." Nakangiting sang-ayon ng ama. "Sige po, pupunta lang po ako sa kitchen." paalam niya, bago tumuloy sa kusina para maghanda ng pagkain.       Sophia was finishing her fourth sandwich when she felt a particular presence. Not that creepy one, but something so familiar. "Iha." She heard that voice, kaya mabilis niyang tinapos ang ginagawa at tsaka hinarap ang ina. "Bakit po?" She wiped her hands and smiled at her mother. Unti-unting napalis ang mga ngiti niya ng mapansin ang ekspresyon ng mukha nito. What's wrong again? She asked herself. Ilang beses niya ng nakita ang ekspresyong iyon ng ina, pero hanggang ngayon ay hindi niya parin maintindihan kung bakit ito nagkakaganon. She's smiling, pero kitang-kita mo ang lungkot sa mga mata nito. There is something on her eyes na nagpapabigat sa pakiramdam niya. They're twinkling, and seems teary. Deep sadness, regret, pain, and sorrow. Yun ang mga nakikita niya, at sa tuwing nakikita niya ang ekspresyong iyon ng ina, parang gusto niya itong yakapin at sabihing, kalimutan niya na kung ano man ang nagpapahirap sa kanya. "Mama ..." Anas niya, ng mapansing hindi parin ito nagsasalita at nakatitig lamang sa kanya, gamit ang mga nakalulunod nitong mga mata. "Mama." Ulit niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagsalita. "I'm sorry. I-im so sorry." Nanlaki ang mga mata niya ng gumaralgal ang boses nito. Maraming beses ng nangyari na tinitigan siya nito gamit ang maemosyong mga mata nito, ngunit ni minsan ay hindi nangyari na nagsalita ito. Pinigilan niyang huwag itong yakapin ng yumuko ito at nagsimulang yumugyog ang mga balikat. "Please forgive me ... Please. H-hindi ko sinasadya."Patuloy nito. "Mama naman ..." Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya alam kung bakit humihingi ng tawad sa kanya ang ina. Wala siyang maalala na ginawa nitong mali. The truth is, lahat ginawa nito para mapasaya siya. Halos makaaway niya pa nga noon si Danica, dahil inaagaw niya daw ang mama nito. She has her attention, everything. Kaya bakit ito humihingi ng tawad? For what? She held her face at muli siyang pinakatitigan. Nakita ni Sophia ang butil ng luha sa mga mata nito. "Alam kong hindi ko dapat yun ginawa, alam kong mali, pero kahit anong gawin ko, hindi ko na mababalik ang dati. I just hope that you could find it in your heart na mapatawad ako. I-im sorry." "Lauren honey?" Sabay silang napaigtad ng ina ng marinig ang boses ng kanyang ama. Her mother immediately dried her tears, at tila nagising sa pagkakatulog. She tried to ease the puffiness of her eyes, pero nanatiling mapula ang mga iyon. "What took you so long? Kailangan na nating umalis, at mahaba pa ang byahe natin." Dagdag nito. Hindi pa nito nakikita ang mukha ng ina, dahil nakatalikod ito sa pinto. "Yeah, sorry. Na-excite lang kasi ako sa sandwich kaya hindi ko mapigilang panuorin si Sophia sa ginagawa niya." After that ay humarap ito sa asawa, while smiling widely that she doubt if its real. Matagal pa itong tinitigan ng asawa bago nagsalita. "Okay, are you done already?" she could hint sympathy on his voice. Para bang alam nito kung ano ang nararamdaman ng asawa despite of her smiles. "Almost." sagot ng ina. Her smile slowly fading, knowing na wala ng silbi ang pagkukunwari nito. "Okay, I'll just wait for you outside." "Sure." Sagot ng ina. "No mama, wag na po. Sumabay na kayo kay papa. I'll make this quick, at ihahabol ko na lang po sa labas." she said. She could feel that her mother badly needs comfort, and she knew na hindi siya ang makapagbibigay non. "Sige iha, salamat." Tumango lang siya bilang sagot, at tsaka muling binalingan ang ginagawa ng mapansing palabas na ang dalawa. She was arranging the sandwiches sa isang tupperware ng may narinig siya, dahilan para mapatigil siya sa ginagawa. "You did it again. Didn't you?" Her father said from the other side of the wall. Nakarinig siya ng sigok. "I'm sorry. Hindi ko lang napigilan." She heard her mother. "Lauren ..." Tawag ng ama sa pangalan ng kanyang ina. "Kailan mo ba yun makakalimutan? She's not her. Move on." "Christian, I hope kaya ko, I hope ganon lang kadali, kasi pagod na pagod na ako. I'm so worn out." Her mom said while sobbing. "Then rest." Madiing saad ng asawa. Maging siya kasi ay napapagod ng makita ang walang katahimikang buhay ng asawa. Baon pa rin ito sa kahapon. He tried to move on for her, but he can't pull her with him. Hindi parin nitong magawang kalimutan ang isang bahagi ng nakaraan nito. "I can't. Kasi sa tuwing sinusubukan ko, pakiramdam ko wala akong karapatan. Minsan nga gusto ko na siyang sisihin, kasi dahil sa kanya hindi matahimik yung buhay ko, but Christian how could I? Tell me, how could I accuse her, kung ako nga, nagawang sirain yung sa kanya?" Who's her? Yan ang tanong ni Sophia. Sino ang babaeng nagpapagulo sa buhay ng kanyang ina? Higit sa sa lahat, ano ang koneksyon non sa kanya? Bakit nasabi ng kanyang ama that she's not her? ****************************** Gee❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD