"Kainis! Bakit ganito suot natin?" inis na sabi ni Alyza. Nakablack na pant kami na tinernuhan ng white shirt at black jacket. "Ang cool nga eh," nakangiting sabi ni Zaira kaya tinigna siya ng masama ni Alyza. "Sa mga may dalang weapon lalong-lalo na sa mga Vampire, wizard at werewolf. Pwede niyong gamitin yan sa survival game. Mga human at witch lang ang pahihiramin namin ng weapons. May mga lalapit sa inyo, para ibigay yung mga gamit na dadalhin niyo. Para sa mga witch at human pumili lang kayo dito ng isang weapon na gagamitin niyo," sabi ni Ms. Naomi. "Tara Zai, pili na tayo ng weapon," sabi ni Kim sabay hawak kay Zaira. Lumapit sila sa isang lamesa kung saan may mga napatong na weapon. Pinili ni Kim ang bow and arrow habang si Zaira nakatingin lang. "Zai, bakit

