"Ma!" sabay na sabi nila Gin sabay takbo sa kanilang ina para yakapin ito. "Namiss ko kayong dalawa," tugon nito habang yakap ang dalawa. "Namiss din po namin kayo. Si papa po nasaan?" tanong ni Gin. "Nakikipag-usap pa siya kila President Black." Tumango sila Gin. "Nasaan na sila Thea?" tanong ng kanilang ina Nagkatinginan ang dalawa nang mapagtanto nilang nakalimutan nila ang mga kasama nila dahil sa kakamadali. "Naiwan po sa labas, papasok na po siguro sila,," tugon ni Hazel. "Nandyan na ang papa niyo." Napatingin sila sa tinitignan nito at nakita nila ang kanilang ama kasama ang hari ng Terrain na si King Jacob, sila President Black at iba pang pinuno ng Terrain. Nagbow sila para magbigay galang kay Haring Jacob. Ngumiti ito saka tumango bago nagpaalam. "Mauna na ako sa inyo

